Alexander's POVGrabe. Ito pala ang unang araw na papasok ako sa bagong school. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Maeexcite ba ako o malulungkot? Pero sabi naman nung iba maayos daw dun at kasama ko naman yung bestfriend kong si Henry at ang pinaka importanteng narinig kong balita tungkol doon, MARAMING CHIX!!!
May chix din naman sa dati kong school pero iba siguro dun kasi mayaman yung mga nag aaral dun eh. Kailangan ko na siguro magthank you kila mama at papa, nakaka excite naman talaga to oh!Kakatapos ko pa lang mag ayos nag paalam na ko kay mama.
"Ma alis na ako ha!"
"Sige Blake! Ingat ha, uwi ng maaga" tumango ako kay mama pagkasabi nya non at lumabas na ng bahay. Si mama talaga mahal na mahal ako, sabagay nag iisa lang ako eh.
Sumakay na ako ng motor ko at inilalabas ito sa gate namin. Kung tutuusin, kayang kaya ko namang lakarin lang yung bagong school ko kasi halos katapat lang siya ng subdivision namin pero mas gusto ko pa din mag motor. Paglabas ko, ka agad kong pinuntahan yung bahay nila Henry, sabi niya sabay daw kaming pumunta eh, tsaka kaming dalawa pa lang naman yung magkakilala dun.
Pagakadating ko doon, bumaba muna ako ng motor at kumatok sa bahay nila.
"Ate Hope! Si Henry po? Punta na po kami ng school" tumawag na lang ako mula sa labas ng bahay nila. Grabe bigla ko tuloy naalala na parang nanay nanayan ko na din si Ate Hope kasi mag bestfriend sila ni mama.
"Sige Blake, andito na patapos na! Wait lang ha" naghintay muna ako sa labas habang nag aayos ng buhok sa harap ng side mirror ng motor ko
"Uy pre! Tara na, ggss ka na naman dyan!" Hindi ko alam na nandito na pala sya
"Gago HAHAHA, antagal mo ba naman!" Tumawa na lang kami sa isa't isa, at umangkas na sya sa motor ko.
Dumiretso na kami kaagad sa school kasi baka rin naman malate na kami. Grabe ang RK talaga ng mga napasok dito, sobrang daming sasakyan tapos yung iba may mga yaya pa. Pero, totoo nga talaga ang sinasabi nila. ANG DAMING CHIX DITO HAHAHA
"Huy pre, ang ganda nun oh!" Sabay nguso dun sa may bandang kaliwa, yung babae, napailing na lang ako sa sinabi ni Henry.
Ipinark ko na kaagad yung motor ko sa feeling ko namang safe spot at wala rin sa initan, sa harap ng admin office. Grabe ang laki ng school na to. Ang laki ng lote tapos ang lalaki ng building, kaya hindi na rin ako nagtataka na puro mayayaman nag aaral dito, catholic school pa man din.
Sabay kaming pumunta sa lobby ng school kung saan dun mo malalaman kung saan yung room nyo. Nilapitan kami ng isang student, student council officer siguro sya.
"Hi mga kuya! Ano pong grade nila? Para malaman ko kung saang room kayo" sinabi nya ng nakangiti. Grabe parang ambabait ng tao dito.
"Grade 7 po" sabay naming sabi ni Henry.
"Ahhh, dito kuya taas kayo papunta sa second floor tapos dire-diretso lang kayo hanggang sa dulong room, malapit sa kabilang staircase" minuswestra nya pa yung kamay nyo para maguide nya talaga kami.
"Thank you po!" Sabay ulit naming sabi dun sa babae, Andrea ata pangalan nya eh, may nametag kasi. Umakyat na kami kaagad ni Henry sa second floor kasi sobrang excited naming parehas, new school at highschool na kaming dalawa. Pumunta kami sa dulong room ng floor na malapit sa staircase. Kumatok muna si Henry kasi parang daw nakasarado, tapos tiningnan naman namin yung ibang room, nakabukas na naman tsaka may mga estudyante na.
"Pre parang walang tao ah, una ata tayo HAHAHA" natawa na lang ako sa kanya, ayos to! Di kami late. Pinihit ko yung door knob para sana buksan yung pinto pero nakalock naman kaya nagtataka kami pareho
YOU ARE READING
Just Having Someone: G7
RomanceAno bang mas mahalaga? kaligayahan mo o kaligayahan ng pamilya mo? iniisip ng iba o iniisip mo? opinyon mo o opinyon ng iba? desisyon mo o desisyon nila? may iilang tanong pa ang hindi nasasagot.. paano mo ba masasabi na meron kang tunay na kaibiga...