"Nakakahiya ka! Wala ka ng ginawang maganda!"
"Iyan ba ang gusto mong ipagmalaki ko?"
"Hindi ka totoong kaibigan!"
"Plastik ka!"
"Hindi mo ginagamit yang utak mo! Ang tanga mo!"
"Nakakahiya ka! Hindi na ako magtataka kaya ka nilalayuan ng mga kaklase mo!"
"Napaka landi mo!"
"Wala kang kwenta!"
Bumabalik sa aking mga alaala ang ilan sa mga masasakit na salita na narinig ko sa mga lumipas na taon.
Gustuhin ko mang kalimutan na lang at balewalain na lang ang lahat.. Hindi pwede. Hindi ko kaya.
Hindi ko alam kung bakit ganon kahirap para sakin na kalimutan lahat ng yan.
Madaming nag sasabi na ang babaw lang naman nitong pinagdadaanan ko at mas malala
pa ang pinagdadaanan ng ibang tao...Alam ko yon pero, iba iba naman tayo eh.
Kung para sa iba mababaw lang to, para sa akin hindi.
Kahit ilang beses ko pang tabunan ng masasayang alaala yang mga salitang yan, hindi ko parin kayang kalimutan.
Mabuti nga andyan pa sya. Hindi nya ako iniiwan kahit ilang beses na kaming pinaglayo. Hindi nya ako iniwan kahit ako na mismo yung sumuko sa sarli ko
at sana hanggang sa huli.. Sya padin ang nandito sa tabi ko.Because He learned how to GAIN MY TRUST and he is the only one I will Trust.
YOU ARE READING
Just Having Someone: G7
RomanceAno bang mas mahalaga? kaligayahan mo o kaligayahan ng pamilya mo? iniisip ng iba o iniisip mo? opinyon mo o opinyon ng iba? desisyon mo o desisyon nila? may iilang tanong pa ang hindi nasasagot.. paano mo ba masasabi na meron kang tunay na kaibiga...