Eli's POV
Pagkatapos ng napakahabang araw sa school, nakauwi na rin ako. Grabe ano ba yan, first day na first day parang pagod na pagod ako eh wala naman kaming ginawa HAHAHAHA
"Oh kamusta school?" grabe naman si Mama. Dalawang buwan lang naman nakalipas pero kung makatanong akala mo isang taon eh HAHAHA yung itsura nya kasi parang nag aabang nag bago.
"Syempre Ma, ganon pa rin! Pero grabe, Ma, ang dami namin kamo! 22 kami lahat, eh diba last year 16 lang kami. Ang daming transferees eh" sa sobrang tuwa ko, di ko mapigilang ngumiti sa kwento ko kay Mama. Yung school kasi namin sobrang tago, kaya konti lang nakakaalam tsaka pumapasok doon.
"Aba, ayos ah! Sige mag pahinga ka muna, tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo" tumango na lang ako kay Mama at pumunta na ng kwarto ko. First day pa lang naman kaya wala pa kaming masyadong gagawin. Susulitin ko na manood ng movies nito tsaka mag scroll sa facebook bago pa ako mapuno ng mga assignments at projects!
Habang nag sscroll ako sa facebook biglang na lang may lumitaw na chat heads sakin. Siguro gumawa na sila ng group chat namin. Ayos! Magkakaroon na ulit ako ng bagong facebook friends! Madadagdagan na naman tuloy ang dami ng friends ko!
—----------
Grabe! Parang ang gulo ng group chat namin. Sobrang daming nag chchat sunod-sunod pa. Minute ko muna tuloy, nakaka disturb kasi sa pag fb ko eh. Onti-onti na ring nag add friend yung mga bago kong kaklase sakin, grabe ang dami talaga namin! Hindi talaga ako maka get-over nito!
—--------
Hay, ang alam ko naman nilagay ko na sa mute tong gc namin, bat may nagnotif na naman sa messenger ko? Nanonood na kasi ako ng movie sa tv namin kaya hindi ko na napansin kung sino to.
"Sino naman kaya to?" Hindi kasi familiar yung profile picture sakin eh, pero parang nakita ko na kasi may bago akong in-add friend eh na kaklase ko, di ko lang kilala kung sino to. Agad-agad akong pumunta sa mismong messenger ko para makita ko kung sino nga ba ang nag chat sakin.
"Arthur Bautista?" Bago ko iseen yung chat niya, syempre no, istalk ko muna yung profile, hindi ko naman kasi maalala kung sino sya sa mga kaklase kio.
"Ahhhh, siya pala to? Bakit kaya?" agad agad ko nang pinindot ang chat nya sakin. I'm the type of person kasi na naiinis sa unread emails or chats kaya hindi talaga ako marunong mag ignore, kahit na gusto ko itry :>
Arthur Bautista: Hello, may assignment ba tayo?
Assignment? Grabe naman to, first pa lang namin magkakaroon na kami agad ng assignment? Tsaka hindi ba sya nakikinig kanina? Syempre wala HAHAHA
Felicity Villasis: Hi, wala pa
Ini-off ko na kaagad yung phone ko para makanood na ulit ako ng movie ko. Ang kaso may nagnotif na naman, nakakainis!
Arthur Bautista has sent you a message
What? May kailangan pa ba sya? Agad ko na namang pinindot ang message nya.
Arthur Bautista: kumain ka na ba?
Ha? Bakit tinatanong nito kung kumain na ako? Napakalayo naman sa una niyang tanong grabe!
Felicity Villasis: yes po, why?
Arthur Bautista: wala lang po, thank you po
Ang weird naman non. Di pa naman kami gaanong magkakilala tapos itatanong sakin kung kumain na ba ako.
YOU ARE READING
Just Having Someone: G7
RomanceAno bang mas mahalaga? kaligayahan mo o kaligayahan ng pamilya mo? iniisip ng iba o iniisip mo? opinyon mo o opinyon ng iba? desisyon mo o desisyon nila? may iilang tanong pa ang hindi nasasagot.. paano mo ba masasabi na meron kang tunay na kaibiga...