After 5 months....
"Call Master and Mr. Soulford!" sabi ni Isabelle, panicking.
Tumango si Trisha na naguguluhan sa sitwasyon. Mabilis itong naglaho para tawagin ang iba. Isabelle looked at Cassandra who's not moving. Para itong nasa isang malalim na pagkakatulog.
Alam ni Belle na may mali. Inisip n'ya ang ilang araw nitong pagiging balisa. Hindi na rin n'ya maiwan si Cassandra mag-isa dahil alam n'ya na may gumugulo rito. Alam n'ya na kailangan na nilang malaman ang nangyayari.
"Move!" sigaw ni Jake.
Pumasok s'ya sa kwarto ng girls at agad na binuhat si Cassandra para itakbo sa clinic. Nandoon na rin sila Alejandro, Samantha kasama ng iba na halata ang pag-aalala.
Sumugod silang lahat sa clinic. Hindi sila mapakali hanggat hindi lumalabas ang witch na tumingin kay Cassandra.
"What's happening?" kabadong tanong ni Belle.
Palihim na nagtinginan sila Alejandro at Samantha. Hindi maitatago ang kaba at takot sa posibleng mangyari.
"Wala ng ibang labanan, 'diba? Tell me, this is not because of her magic," si Trisha.
"Jake, calm down! Your fire is distracting us," si Samantha habang tinitignan ang kamay ni Jake na kanina pa umaapoy. Tumingin naman sakaniya ang lalaki at bumuntong-hininga bago nawala ang apoy na kanina n'ya pa inilalabas.
"Look..."
Natahimik ang paligid dahil sa kadiliman na bumalot sa paligid. Nagkatinginan ang lahat at sabay-sabay na nag-labas ng kapangyarihan ngunit bigo silang gawin ito.
"What..."
Unti-unting lumiwanag ang kalangitan. Isang bilog na umiilaw ang biglang lumitaw at sumabog doon dahilan para magtakip ng mata ang lahat sa sobrang nakakasilaw nito.
Nawala ang ilaw kasabay ng pagbalik ng liwanag. Nagkatinginan ang lahat sa labas ng clinic at pinakiramdaman ang paligid.
"Get in!" sigaw ni Alejandro.
Mabilis sila na pumasok sa loob ng clinic. Doon nila pinanood ang mga basag na salamin na bumabagsak galing sa langit. Basag na salamin na mayroong spark na iba't-ibang kulay na animong gawa sa iba't-ibang elemento.
"Cassandra!" sigaw ni Samantha nang mapansin ang paggalaw ni Cassandra sa higaan.
Lumapit silang lahat sa higaan. Tinignan nila ang paligid at nagtaka. "Nasaan ang healer dito?" tanong ni Liro.
Tumingin din sa paligid si Jake at nakita na wala nga doon ang healer. "She's here earlier!" sagot n'ya.
"How are you, Cassandra? What's wrong?" tanong ni Alejandro sa anak.
Tumingin si Cassandra sa kawalan na animong nanghihina. Tinignan n'ya ang nasa paligid n'ya na nag-aalala sakaniya.
"It's the curse..." sabi n'ya.
Lahat ay napasinghap sa salita na binitawan n'ya. Nagtataka sa kung ano ang kaniyang tinutukoy.
"The world is losing its power..." Napalunok si Cassandra bago naluluhang tumingin sa labas.
"It's because our world is no longer balance. Something was missing..."
"What do you mean?" si Isabelle.
Tumingin sakaniya si Cassandra bago malungkot na ngumiti. "Because of the battle..."
"The curse of the Sorcerer is back."
BINABASA MO ANG
Curse Of The Sorcerer (Book 2)
FantasyAfter the war between the Incants and Quins, the Academy begin to experience the peace again. It was all fine and everyone continue the life they used to live not until one day, the curse of the Sorcerer and it's prophecies begin to emerge that caus...