Cassandra's POV
"How are you?" mahinahong tanong ni Jake.
Naka-upo ako sa kama ko habang silang lima ay nag-aalalang nakatingin saakin. Nag-baba naman ako ng tingin dahil sa kawalan ng masagot.
"I don't want this feeling, Cassandra. Naaalala ko pa ang ganiyang nangyayari sa'yo dati" si Belle.
Napatingin si Jake sakaniya na nakakunot ang noo. "Nangyayari na ito sakaniya dati pa? Ang bangungutin?" tanong n'ya bago ibalik ang paningin saakin.
"Yes. Madalas iyong mangyari. Naaalala ko pa na hindi n'ya ginugustong matulog ulit kaya madalas s'yang puyat." dugtong pa ni Belle.
"What did you see?"
Iniwas ko ang tingin ko. Tinignan ko ang buwan na nasa kalangitan. The moon is in waning gibbous phase right now. Ilang araw nalang at mag full moon na naman.
"She doesn't want to tell us" si Blizz.
Napatingin ako sakanila. Bakas sa mukha nila ang kagustuhan nilang makakuha ng sagot mula saakin. Alam ko na nag-aalala lamang sila.
"It was dark. It was....painful to watch" sagot ko.
Natahimik sila nang mag-salita ako. Naramdaman ko naman ang pag-hawak ni Jake sa kamay ko.
"Enough asking. Let her rest" sabi n'ya dahilan para mag-sitayuan sila Blizz at Liro kasama ang dalawang girls.
Lumabas sila ng kwarto namin at naiwan si Jake na hindi pa rin ako binibitawan.
"You will tell us, right? Not now but later?" sabi n'ya sa mahinahon at seryosong boses.
Natahimik ako. Iniisip ko ang mga nakita ko kanina sa panaginip ko. Bago iyon saakin. The place, the surroundings is new to me. Alam kong hindi pa ako nakakapunta sa lugar na iyon.
"They're torturing someone" pagsasabi ko ng totoo.
Ramdam ko na dumiin ang titig saakin ni Jake nang sabihin ko iyon. Inalis ko ang hawak n'ya saakin. Kinuha ko ang kamay n'ya at pinisil iyon.
"I want to rest. It's getting late, magpahinga ka na din" sabi ko sakaniya.
Nagpakawala naman s'ya ng malalim na hininga bago tumango at tumayo. Tumingin s'ya saakin bago tinignan ang pintuan.
"Susunduin namin kayo bukas" paalala n'ya.
Tumango naman ako at nag-labas ng ngiti. "Okay. Ingat kayo" paalam ko.
Pinanood ko s'yang lumabas ng kwarto. Narinig ko pa ang paalam ng dalawang boys kila Belle bago sila tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Curse Of The Sorcerer (Book 2)
FantasyAfter the war between the Incants and Quins, the Academy begin to experience the peace again. It was all fine and everyone continue the life they used to live not until one day, the curse of the Sorcerer and it's prophecies begin to emerge that caus...