Girl's Bathroom

78 8 3
                                    


Cassandra's POV

Agad kong tinapos ang ginagawa ko sa evacuation site. Mabilis akong lumabas para sundan si Jake sa Andara City.


Kinakabahan ako habang papalapit ako sa border ng syudad. Madaming Guardians ang nandoon na lumalaban. Magulo ang paligid at maraming kulay blue na dugo ang nakakalat.


Nakita ko sa hindi kalayuan si Belle na nag summon ng isang malaking axe at hinataw sa isang Cruxies. Tumalsik ang braso nito sa malayo dahilan para mangisay s'ya. Kinontrol ulit ni Belle ang axe gamit ang wand n'ya bago tuluyang hatiin ang Cruxies sa gitna.


Nang makita n'ya akong papalapit ay tila nabahala s'ya. Tumakbo s'ya saakin papalapit at sinuyod ang aking kabuuan.


"What happened? Bakit galit na galit si Master? Ilang minuto pa lamang s'yang nandito ay paubos na ang Cruxies. Halatang wala s'yang gusto itirang buhay" sabi ni Belle.


Napalunok naman ako bago tinignan ang paligid. Nakita ko ang nasusunog na bahay sa hindi kalayuan. Lumabas doon si Jake na nag-aapoy ang mga kamay at hinahabol ang isang malaking aso.


"Cruxies attacked me. Muntikan na akong mamatay" sabi ko.


Nabigla naman si Belle sa sinabi ko. Tinignan n'ya ang kabuuan ko at sinabi ko naman na ayos na ako at pinagaling ko na ang lahat ng aking mga sugat.


"Now, I know why he's mad as hell" biglang singit ni Blizz.


Lumapit sila Trisha at Liro sa pwesto namin nang matapos silang tapusin ang isang Cruxies. Nilingon ko ang paligid, hinahanap sila Daddy.


"We're here!" sigaw ni Ms. Clever na parang narinig ang sinabi ko sa aking isip.


Lumapit kami sakanila na nakaupo na sa lupa dahil sa pagod. Madami din silang sugat at madumi na ang damit.


"This is alarming" sabi ni Ms. Clever.


"I agree. My son really have some anger issue" si Mr. Malfori na nakatingin sa anak n'yang patuloy sa pag-atake.


"That's not what I meant, Francisco. Ang tinutukoy ko ay ang mga Cruxies." si Ms. Clever.


Natigil kaming lahat nang may sumabog. Nakita namin ang isang malaking alon na kinokontrol ni Jake.


'Calm down..'


"You two! Get Mr. Malfori and try to calm him down" sabi ni Ms. Clever kila Liro at Blizz na agad namang sumunod at pumunta kay Jake.


Magsasalita na sana si Ms. Clever nang may kung anong bumukas sa harapan namin. Nagulat kami nang malaman na isa iyong portal. Nasa loob n'on si Tito Luis na tila kakagaling lang sa labanan.


"Hurry up! I need you here. Looks like Cruxies are not in control right now" sabi n'ya.


Curse Of The Sorcerer (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon