Cassandra's POV
Naglalakad na kami ngayon nila Belle pababa sa bar area.
Nakasuot ako ng pink and white sweater and short. Oversized ang sweater na suot ko kaya medyo hindi na kita yung shorts but it looks cute, though.
Nang makarating kaming mga girls sa bar ay nandoon na ang mga boys. Nagulat pa ako nang makita ko si Nathan na kasama nila.
Umupo ako sa harap ni Jake katabi sila Trisha at Belle. May drinks sa harapan namin at may food din katulad ng chips and pasta.
Inabutan ako ni Belle ng drinks kaya kinuha ko naman agad iyon at ininom.
"It taste good, Belle! Parang juice lang." sabi ko.
Lumapit si Belle saakin at bumulong. "Juice lang 'yan eh. Sorry, nautusan lang" sabi n'ya bago tumingin sa harapan ko.
Tinignan ko si Jake na nakatitig na rin pala saakin ngayon. Inangat ko ang kamay ko at hinagisan s'ya ng yelo pero agad n'ya iyong binatuhan ng apoy dahilan para maglaho ang mga elemento sa hangin.
Tumaas ang kilay n'ya. Kahit sila Belle ay nagulat sa nangyari ngayon lamang.
Nakangiti naman si Nathan habang nakatingin kay Jake.
Bumuntong hininga si Jake bago kinuha ang baso ko at ininom ang laman. Nilagyan n'ya iyon ng alak at binigay saakin.
Nagkatitigan kami ni Jake bago ako natawa. Umiling ako bago kinuha ang baso ko at ininom.
"What a scene." si Liro habang nailing.
"Mabuti talaga kaibigan ko kayo." si Blizz na natatawa.
Nagpatuloy ang inuman namin. Jake told us how he met Nathan. Turns out Nathan accidentally bumped into Jake when he's in his own adventure.
Ngayon din namin nalaman na si Nathan ang isa sa namamahala sa Lureska. Ka edad lang namin s'ya pero madami na s'yang kailangang gawin para sa Lureska. His parents died due to car accident when he was 13 leaving all responsibilities to him.
Malalim na ang gabi at nakailang bote na rin kami ng alak. Si Belle at Blizz ay nauna na umakyat dahil lasing na si Belle. Si Trisha naman ay nakasandal na kay Liro at nakapikit habang si Liro ay kausap si Nathan.
Si Jake naman ay nasa tabi ko na. Lumipat s'ya nang umalis si Belle.
Binaba ko ang baso na hawak ko sa table. Medyo umiikot na ang paningin ko pero kaya ko pa naman sigurong maglakad.
Napatingin ako kay Jake nang hawakan n'ya ang kamay ko. Linapit n'ya ang mukha n'ya saakin at bumulong.
"Are you still okay? You look drunk na. Let's go, I'll take you to your room" bulong n'ya sa malalim na boses dahilan para mapatitig ako sakaniya.
BINABASA MO ANG
Curse Of The Sorcerer (Book 2)
FantasyAfter the war between the Incants and Quins, the Academy begin to experience the peace again. It was all fine and everyone continue the life they used to live not until one day, the curse of the Sorcerer and it's prophecies begin to emerge that caus...