Shooting (1)

3 0 0
                                    

Armin's Point of View

"Sir Armin, may shooting ngayon dito sa skwelahan, ang alam ko po ay classroom mo ang gagamitin" sambit ng co teacher ko na si Ma'am Zenny
"ganun ba ma'am, hindi ata ako na inform ni principal dito, ng nakausap ko ang mga bata ko" balik sambit ko dito

Maya maya ay dumating na si Principal

"Sir Armin, bukas ay gagamitin ang classroom mo sa shooting, you know the story of techer Melba, ngayon isasabuhay yung kwento niya" paliwanag neto s akin.
"ganun po ba, at kakausapin ko po ang mga studyante ko at ng makapili narin sa ibang section na pwede nating magamit" nakangiting bigkas ko sa Principal namin.

Sino kayang artista ang gaganap sa buhay ni teacher Melba, tiyak na sikat itong artista, pagka dating ko sa klasrum ay agad kong binanggit sa mga estudyante ko ang magiging set up na namin sa mga susunod na araw, dahil narin sa shooting na magaganap dito sa eskwelahan.

"Sir, balita ko si Jen Jimenez ang gaganap sa buhay ni teacher Melba" wika  ng makulit kong estudyante.

"totoo ba!!!, idol ko yun, ang galing kumanta at sumayaw nun, tas sa aktingan masisiyahan ka talaga" sambit naman ni Lizelle na walang ginawa kundi ang patugtugin ng paulit ulit ang kanta nung idolo niya na si Jen Jimenez.

"nako!! maniwala ako na mabait yun, may balita nga na suplada at may issue pa yun na nakikipag date sa park dis oras ng gabi" iritableng sambit naman ni Karen, tumawa naman ako sa inasal ng mga estudyante ko.

"osige na, mabait kung mabait na yung idol niyo, kung may boyfriend siya o wala, tao parin yun may nararamdaman, kaya dapat hindi natin sila hinuhusgahan dahil hindi natin alam ang buhay nila sa likod ng mga kamera at sa mga make up nilang suot suot, respeto parin ang mahalaga sa bawat isa, tandaan ang taong ma respeto ay pinagpapala ng Diyos, okay ba yun class?"

Sumagot naman ang mga estudyante ko sa akin ng sabay sabay.

Pagkalabas ko ng klasrum ay nasalubong ko ang mga crew at mga staff ng network na mag shoshoot dito.

Nagklase parin ako sa mga hindi naapektuhan nung shooting na gaganapin, yun nga lang ay ang mga estudyante ko ay hindi makapag Konsintrate sa mga lesson ko.

"everyone, all eyes on me, wala pa yung idol niyo sa akin muna yung tingin, pogi din naman ang sir niyo" wika ko nagtawanan ang mga estudyante ko sa akin.

Maya maya lang ay may dumating na sasakyan at van at dun na hindi mapakali yung mga estudyante ko.

at nagtagal ay bumababa na and mga staff, at ibang artista, huling lumabas ay si Jennie Perez, habang nakahawak sa kamay ng isang sikat ba Aktor, si Kervy Hermosa.

Panay ang tili ng mga studyante ko kaya, hinayaan ko nalang ang mga ito.

Nagtungo ang mga ito sa conference hall namin para dun muna mag stay at para narin makausap ang principal at kaming mga guro.

Pagkapasok namin ay nakaupo na ang ibang mga artista at ibang kaguro ko, yung iba naman ay nagpapa picture sa mga ito.

"Sir Agoncillo, andiyan ka na pala" wika ni principal, yumuko ako dito at ngumiti ako bilang tugon ko. "Ms. Jennie, klasrum niya ang gagamitin niyo for shooting, and also, he can give you some techniques para sa acting mo as teacher" sunod na bigkas ni Principal.

Lumapit ako dito at nakipag kamay ako sa kanya, na ganun din ang ginawa niya.

"nice meeting you Ms Jennie" at ngumiti eto sa akin
"you too, maybe you help me to act as teacher, and also sa mga students" sabi neto sa akin.
"no problem with that ms" naglunch kami ng sabay sabay.

Kinabukasan magaganap na ang unang shooting, sa ngayon ay tuturuan ko siya ng nga act being a teacher.

"Siguro naman Ma'am Jennie ay may mg ideya ka narin sa mga gawain ng mga katulad naming guro" wika ko dito habang nasa loob kami ng Science lab. para dun siya mabigyan ko ng mga tips na pwede niyang gawin para maging realistic ang pag ganap niya.

"Just call me Jen or Jennie, masyado ka namang pormal sir????" wika neto tanda ng pagtatanong ng aking pangalan.

"Armin, Armin Agoncillo' at iniabot ko ang kamay ko dito para makipag shake hands

"Sir Armin" sabay ngiti neto sa akin, masasabi kong maganda talaga si Jennie Jimenez, bukod sa pagiging artista niya ay kilala ang pamilya neto bilang isang sikat na mga negosyante at may ari ng mga kilalang restaurant dito sa bansa. Singkit ang mata, maputing ipin, balingkinitan ang katawan, maganda nag balat, kahit eto ay hindi katangkaran ay bumawi naman sa ganda ng kutis at ganda ng mukha niya. 

Mabilis ko lang siyang tinuruan ng mga bagay na dapat niyang gawin sa tuwing nasa loob siya ng klasrum at kung pano ang tamang pagtayo at tamang pakikipag usap at tugon sa estudyante.

Pagkatapos ko itong turuan, ay iniwan ko na ito para makapag praktis siya ng maayos. Tumungo ako sa faculty upang ayusin yung gagamitin ko para sa mga susunod kong klase, habang inaayos ko ito ay isang tawang ang natanggap ko, agadan ko itong sinagot.

"Hello!" pagsagot ko dito sa tawag  nanagmula sa kaibigan kong si Joseph

"Pare, kamusta ka?" pagtanong neto sa akin mula sa kabilang linya ng tawag niya

"Maayos nmn, maski papaano ay nakakaraos sa buhay kahit na maliit ang sahod nabibigay ko parin nmn pangangailangan sa bahay" pagsagot ko sa kanya.

"Pare may Qouta ngayon, baka gusto mo mag try?" bigla bigkas neto, alam kasi neto na matagal ko ng gustong pumasok sa pagka sundalo, nalihis lang ako dahil sinunod ko ang gusto ni nanay, na kumuha ako ng kurso ng pagka guro.

"Kaylan ang screening ng mga papel? Para makapag handa ako at makuha ko yung mga kaylangan pa na papel"

"Next week, may screening ng papel, may isesend akong link sayo, sagutan mo ung mga tanong dun, para masama ka sa mga mag screening ng papel sa next week" pag sambit neto sa akin

"Sige pare, asahan mo sasagutan ko un, salamat, By the way pare, nag shoshooting ung crush mong artista dito ah" pang aasar ko dito, crush na crush kasi ni Joseph tong si Jennie, simula palang ng arangkada sa pag aartista ni Jennie ay naka suporta na itong kaibigan ko na ito.

"Pare, autograph lang sapat na sakin, kahit sa isang papel lang, tas palagyan mo ng letter" tsaka eto  malakas na tumawa mula sa kabilang linya.

"Pare, may asawa at anak ka, umayos ka diyan" sabay tawa ko din

"Gago ka pare, alam ko yun, ito naman, nagbago na ako, yan si Jennie wala na yan, katagal ko ng di nanunuod ng mga palabas at show niyan, wala na sa akin yan" sabay tawa ulit neto, maya maya ay narinig kong bumukas yung pinto dito sa loob ng Faculty, na hindi ko din naman pinansin dahil baka co-teacher ko lang ito, dahil nag iisa ko lang kasi dito sa loob ngayon.

"Hay nako, Joseph, maganda pala siya sa personal ano pare, tsaka ang amo ng mukha" sambit ko dito

"nako Armin, malay mo naman si Jennie pala ang pumukaw diyan sa puso mong matigas" sabaw tawa ng malakas, dahil narin sa naka loudspeaker ang cellphone ko ay umalingaw ngaw sa loob ng faculty room ang tawa ni Joseph.

"Baliw ka pare, sa tulad kong to? Si Jennie Perez parang sinabi mong puputi ang uwak at mababasa ang tubig, pare ang taas nun, artista yun, tayong mga katulad na ordinaryong tao, di nila tayo tipo, ang tipo ng mga ganung tao, yung ka-level nila sa buhay, artista, politician, athleta o kaya mga foreighner" tsaka ako sarkastikong tumawa dito.

"hay nako pare koy, nagdrama ka pa diyan, basta yung sinabi ko, sagutan mo ung form okay, hintayin kita next week dito sa Camp okay?" 

"osige pare, salamat ulit" di nagtagal ang pinatay ko narin yung tawag at pinagpatuloy yung ginawa ko

Maya maya ay, biglang  may nagsalita sa harap ko, sa di inaasahan isang walang emosyong mukha ang bumungad sa akin, at habang nakaupo eto sa bangkuan na nasa harap ng lamesa ko.

"JE....JE...JENIE" kinakabahang bigkas ko ng pangalan niya.

-

-

-

-

-

Chapter 1, published, its been a long time mga kabasa, sa tagal kong nawala dito sa wattpad world, naway magtuloy tuloy na tong pag gawa ko ng story, pinag iisipan ko kung gagawa din ako ng story about LGBTQ+ like GL and BL para kasing nakaka excite gumawa, well naway suportahan niyo tong story, I LOVE YOU ALL


akosilebara15


Soldier's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon