Ilang araw na ang lumipas simula ng nagkaroon ng shooting para sa kwento ng buhay ni Ma'am Zenny, magmula noon ay nakilala ako ng mga tao, dahil narin dun sa napalabas na yung kwento ng buhay ni ma'am Zenny sa telebisyon, kaya ayun madalas na ang pagbati sa akin ng mga tao.
Habang inaayos ko ang mga gamit ko na dadalin ko para sa pag aapply sa pagka sundalo, mga papel na imporatante ay biglang kumatok si nanay, dali dali kong ipinasok sa loob ng bagpack na dala ko yung mga papel ko at yung puting t-shirt na dadalin ko.
"Armin anak, nakaluto na ako" wika neto sa pinto
"opo nay, palabas narin po ako" ilang saglit lang ay lumabas narin ako, madilim pa labas at makikita mo na iilan ilan palang ang mga taong nakikita ko at mga ilaw na bukas mula sa loob ng bahay nila.
"saan ka ba pupunta at ang aga aga mong aalis abay mag aalas kuwatro palang?" pag uusisa ni nanay sa akin, alam kong magtatampo o magagalit tong si inay kapag nalaman niyang pinagpatuloy ko ang pag susundalo ko, simula ng namatay si papa ay lahat ng koneksyon na meron sa pagsusundalo ay kinalimutan na ng inay.
"may lakad kami nila sir Karlo, sa DO" sorry inay talagang pangarap ko ang pagsusundalo, tsaka ako pekeng ngumiti dito kay inay.
"sobrang aga naman ata ng alis niyo, osiya sige na kumain ka diyan at baka lumamig pa tong mga pagkain" yumakap ako kay inay at hinalikan ito sa pisngi niya
"opo" mabilis akong kumain at nagpahinga saglit at ilang saglit lang ay nagpaalam na ako dito.
nagkita kami ni Joseph sa kanto upang isabay ako papuntang Port Bonifacio para dun mag apply.
"Pre ano tara na?" pag aaya sa akin ni Joseph, tinanguan ko naman ito at nginitian.
sa gitna ng byahe namin ni Joseph ay hindi ito mapakali.
"Anong sabi ni tita?" pagatatanong neto sa akin
"Di nila alam na mag aapply ako" sagot ko dito, umiling eto sa akin tsaka bumuntong hininga ng malalim.
"pag nalaman ni tita to Armin, tiyak na magagalit at magtatampo sayo yun" sambit muli nito sa akin, alam ko magiging kapalit nito tiyak na ganun na nga ang mangyayari kung sakaling malaman to ni inay.
"Alam mo naman na eto talaga yung trabaho na gusto ko, simula't sapul Joseph, ngayong may oppurtonidad ako sa bagay na ito, ngayon ko pa ba hahayaan, handa naman ako sa mga sasabihan ng inay, atsaka matatanggap din ni inay to" paliwanag ko sa dito.
"pagdating natin dun, didiretso tayo kay Colonel Gonzales" tinignan ko ito ng pagtataka.
"bakit, kay tito Edgar tayo pupunta?"
"wag kang mag alala, alam ni Colonel Gonzales ang gusto mong mangyari sa pag aapply, gusto ko niyang makita bago ka pumila mamaya" paliwanag neto sa akin, si Colonel Gonzales tutol din siya sa pagsusundalo mo, kaso ay iniisip niya din yung pangarap mo at si tito Adolfo.
pagkalipas ng tatlong oras na byahe namin ni Joseph ay tulad nga ng sabi niya ay dumiretso kami kay tito Edgar, pumasok kami sa isang kampo at kita ko ang mga training ng mga sundalo ang mga bawat ginagawa nila, pag eehersisyo nila, yung iba naman ay sila na ang naglilinis at nag aayos ng mga nasira sa loob ng kampo.
pumasok kami sa isang office at dun nakita kong may kinakausap si Tito Edgar na sundalo pagka kita niya sa amin ni Joseph ay nagpaalam narin naman yung kausap netong sundalo, sumaludo si Joseph dito.
"Goodmorning Colonel Gonzales, eto na po si Armin" bigkas neto kay Tito Edgar. nagpaalam na si Joseph dito at sinenyasan akong hhihintayin niya ako sa labas, tinanguan ko naman ito.
hindi ako umuupo hanggat hindi ako pinapaupo neto.
kita mo sa mukha ni tito Edgar ang mukha ng sundalong matapang at sundalong ma otoridad at karesperespeto.
BINABASA MO ANG
Soldier's Heart
RomanceMahirap ang malayo sa mga taong mahal mo, lalo na kung milya milya ang pagitan niyo, hindi mo alam kung buhay ka pa bang makakabalik sa mahal mo sa buhay, lalo na sa taong matagal ko ng mahal, mahirap ang pinili kong trabaho mula sa simple kong pagt...