The Encounter (2)

1 0 0
                                    

Armin's Point of View

Nagpatuloy sa pag kuha ng mga eksena dito sa eskwelahan sa para kwento ng buhay ni ma'am Zenny sa pangunguna ng artista na si Jennie Perez, habang pinapanood ko sila ay hindi maalis sa isipan ko ang nangyari sa amin kanina sa loob ng faculty na ewan ko ba, bakit kami lang kasing dalawa ang andoon ng mga oras na yun.

flashback

"JE...JE...JENIE" kabado pero mahinahon kong bigkas ng pangalan neto habang nakatingin ako sa mga mata neto na hindi ko mabasa kung anong emosyon ang ang meron dito.

"Mr.  ........." at dahan dahan etong lumapit sa akin, at hinawakan yung Id ko "Mr. Jan Armin Agoncillo, well nice name for a teacher like you" Umupo eto ulit at nag dikwatro ng pag upo, sumilip ako mula sa pintuan pero wala paring ni isang ka guro ko ang pumasok. "alam mo sir Armin, bilib na bilib ako sa mga guro, kasi maunawiin, alam yung mga nararamdaman nung mga estudyante niya, di pinapakita na estudyante na pagod na sila" pagpapatuloy neto sa pag sasalita "yun nga lang hindi sa katulad mo" at seryoso etong tumingin sa akin, isang kunot noo ang ipinikita ko dito.

"What do you mean, Miss Jennie?" Bigkas ko dito, nakaka insultong salita ang nagmula sa kanya, na para bang hinuhusgahan niya nag pagkatao ko "hindi mo ako kilalang tao, miss Jennie, mukhang tama nga ang naririnig ko sa mga tao" umupo ako at nagpatuloy sa mga ginagawa ko.

"masyado kang judgemental sir Armin, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo sir, artista kami tanggap namin kung ano nag tingin niy sa amin" bigla etong tumayo ulit at  nilapit neto yung mukha niya mula sa gawing tenga ko, ramdam na ramdam ko yung buga ng hininga dito kung gano kainit "sir Armin, malay mo ikaw pala ang gusto ko, hindi artista, politician, athtleta o sikat na personalidad"  tsaka eto mahinhin na tumawa, at sabay ayos na kwelyo ng damit ko, ni anong pag galaw ay di ko magawa dahil sa ginawa neto sa akin. "may itatanong pa sana ako sir, kaso okay na pala, well godd bye sir Armin" tsaka eto kumindat sa akin, at isang walang emosyong mukha ulit ang huling iniwang sulyap neto sa akin.

End of Flashback

Pinagmasdan ko siya habang kinukuhanan ang mga ibang eksena para sa dokumentaryo ng buhay ni ma'am Zenny.

"Sir Armin, anong masasabi mo kay Jennie Perez?" hindi ko nilingon kung sino man yung nagsalita na yun, dahil tutok na tutok ako kay Jennie.

"Maganda at Sexy" diretsong sambit ko dito.

" Maganda at sexy ba sir?" Pang aasar na bigkas sa akin, agad akong napatingin dito at sa di inaasahan ay si Principal pala, napangiti ako dito at napakamot ng ulo ko "sa totoo lang sir, tama ka naman, maganda at sexy yang bata na yan, bukod sa mga yun balita ko din ay malayo sa pagkakakilala ng mga tao sa kanya, balita ko diyan ay, madaming orphanage ang tinutulangan niya at higit sa lahat ay, karamihan dun ay tungkol sa pag aaral ng mga bata, nagbibigay siya ng mgs scholarship, katulad nalang ng mga gustong makapag kolehiyo, siya mismo ang nag bibigay ng spornship nun" paliwanag ni madam Principal sa akin.

Pinagmasdan ko ulit eto habang nag shoshooting, bakit ganun nalang tingin sa kanya ng ibang tao, siguro ganun talaga ang buhay sa harap ng camera, pero di nila alam ang totoong buhay neto mula sa likod ng mga liwanag ng ilaw at kamera.

"BACK UP" sigaw ng isang staff, which means end of the shoot na, sa sobrang excited ng mga bata at dahan dahan silang nagsilapitan kay Jennie na agad namang hinarang ng mga security gaurd neto.

"Sige po ma'am punta lang po ako ulit sa Faculty at may ilalagay lang ako sa room ko, para sa shooting nila ulit" pagpapaalam ko kay madam Principal.

"okay sir, balita ko sa faculty ang shooting bukas sir, baka pwedeng after mo sa room mo ay magtulong tulong tayong ayusin yung faculty" paghingi ng pabor neto sa akin.

Soldier's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon