Armin's Point of View
Maaga akong gumayak para pumasok sa trabaho, dahilan narin ay maaga ang klase ko. Habang naglalakad ako sa hallway ay pansin ko na din ang mga crew dito para sa shooting, nag seset up sila ng camera, mga lightings at mga tent na pede nilang magamit.
Pagkadating ko sa loob ng faculty ay agad kong nilapitan si Sir Norman upang magtanong tungkol sa seminar na dadaluhan namin.
"Good morning Sir Norman" pagbigay bati at galang ko dito.
"Uy good mornig sir Ardin, ano ang sa atin?" habang nagtitipa siya sa laptop na gamit niya.
"Anong sabi sa seminar natin, kaylan pala yun tsaka anong araw, kasi baka tamaan yung lakad ko sir" bigkas ko dito, tinigil neto ang ginagawa tsaka tumingin sa akin at nag isip na para bang inaalala kung ano ba talaga yung sasabihin sa akin.
"Ang sabi sa akin ni madam Principal ay next week yun tatlong araw ata tayo dun" sagot naman neto sa akin, sabay tayo at abot ung tumbler niya na may lamang kape, next week, hindi tatamaan yung pag punta ko sa Fort Bonifacio.
"salamat sir" tsaka ako nagpaalam dito.
habang nakaupo ako sa aking puwesto at nag aayos para sa klase ko ay, mabilis na pumasok si madam principal sa loob ng faculty.
"Okay every one listen, sino ang gustong mag extra sa shooting mamaya?" masayang tanong neto sa aming lahat.
"abay syempre lahat kami ma'am" tsaka tumawa kaming lahat "abay ipapalabas sa telebisyon yun ma'am kaylangan maganda at pogi kami, kahit extra lang" banat muli ni ma'am Cancdice isa sa Language teacher namin dito sa school.
"at ito ang nakakatuwa, sir Armin suggest ni miss Jennie na maging partner ka niya sa isang scene" nag-tinginan silang lahat sa akin, na pati ako ay nagulat din sa sinabi ni madam Principal.
"Aba, sir Armin, iba ang karisma mo ah, talagang si miss Jennie pa ang nag suggest ah" kantiyaw naman ni SIr Norman sa akin, sabay tapik sa balikat ko.
ilang saglit lang ay may pumasok na crew at hinanap ako, agad naman akong tinuro ng mga ka co-teacher ko at pinagmamadali akong lumabas.
habang naglalakad ako ay sinenyasan ako ng mga crew na dalian ko sa paglalakad, unti unti ko namang nasisilayan si Miss Jennie na inaayusan sa may tent niya.
inexplain naman sa akin yung gagawin ko, at may konting script na binigay sa akin, so ang mangyayari ay, ako yung co teaher na gusto siyang ligawan, kaso ay hindi ako ang nais niya.
maya maya ay pinapasok ako sa loob ng tent neto at dun nakita ko siyang katatapos lang ayusan ng make up artist niya.
"baka pwedeng iwan niyo muna kami, may sasabihin lang ako kay Sir Armin" iniwan din naman kami ng ibang staff niya sa loob ng tent "So, Sir Armin, liligawan mo ako mamaya sa scene ah" sabay tawa neto sa akin at inom ng tubig na nasa tumbler.
"Wait, bakit ako, wala akong alam sa pag arte miss Jennie" naguguluhang bigkas dito
"Hay nako Sir, Armin, guro ka, alam kong talented kayo, kahit anong ibigay sa inyo ay kaya niyo, kaya mo yan sir, ikaw pa ba" sabay kindat neto sa akin, di ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ginawa neto sa akin.
Simpleng eksena lang ang gagawin naming dalawa, pero sa dami ng take ay halos maubos na ang oras dahil sa pamali mali kong galaw at malayo sa script na sinasabi.
"Lets have a break!" Sigaw ng Director neto, may mga scene naman na swak ang bawat galaw pero mas marami ang mali.
"Relax ka lang" bigkas ni Jennie sa akin, sabay tapik sa balikat ko "para sa isang baguhan pagdating sa pag arte, you did great sir" sunod pa netong wika sa akin.
BINABASA MO ANG
Soldier's Heart
RomanceMahirap ang malayo sa mga taong mahal mo, lalo na kung milya milya ang pagitan niyo, hindi mo alam kung buhay ka pa bang makakabalik sa mahal mo sa buhay, lalo na sa taong matagal ko ng mahal, mahirap ang pinili kong trabaho mula sa simple kong pagt...