Chapter 12

80 3 0
                                    

|Chapter|12|Choice|

Kapag masaya ka, mabilis ang galaw ng panahon, parang mas domuble ang bilis ng pag-ikot ng mundo. Ang mga kamay sa orasan ay tila tumatakbo.

Kapag naman malungkot ka, kapag may hinihintay, kapag atat ka, kapag nasasaktan... pagong na naglalakad nalang ito. Ganoon siguro talaga...

Isang buwan nalang... ilang halik nalang kaya ang mananakaw ko? Ilang mainit na yakap nalang ang mararansan ko? Ilang ngiti niya pa ang mamamasdan ko? I want to keep him so bad... but a good man like him shouldn't be with someone tainted like me.

Alam kong, marami ang aalma. Na hindi naman dapat ganoon, na wala sa estado ng buhay, sa ugali, o kahit na siguro sa laki ng mga nagawang kasalanan ng dalawang tao para sabihing nararapat sila sa isa't-isa. But I just don't think that Jeremiah deserves someone like me, he's way too kind and clean. His pureness is killing me inside. Hindi dahil sa pride, kundi dahil sa guilt at konsensya.

And once Isaah is back, mas magiging magulo ang lahat. There's a big possibility that I'll drag Jeremiah into my mess. Ayaw ko, ayaw kong may mangyaring masama sa kaniya. I've been trying to protect Jeremiah from our enemies, at mahihirapan lang ako kapag dalawa na sila ni Isaah. At isa pa, if I won't break up with Jeremiah soon, I don't think I'll be able to end 'us' in the future.

"If there are no more concerns and questions, you can all leave now." I dismissed my co-officers.

We were finalizing our plans for our upcoming Intramurals. Gaganapin ito sa susunod na linggo. Hindi naman naging mahirap, it's actually the opposite, all of us are really cooperative. Walang nanahimik lang sa tabi-tabi at naghihintay ng suhestyon ng iba. Lahat may nasasabi, may naiaambag, may nagagawa.

And that's what makes our term effective, next year, walang masasabi ang mga staff at estudyante na masama patungkol sa amin, because we are doing our duties responsibly.

Kaka-apak ko palang palabas ng classroom na pinag-meetingan namin ay may bigla nalang humablot sa aking braso, I felt that it was coming, pero imbes na pumiglas ay hinayaan ko lang ito.

"You! Malandi ka talaga!" Hani furiously stated.

Nanatili akong walang imik, malamig na nakatingin lang sa galit ma galit niyang expresyon. Her grip on me tightened, naramdaman ko pa nga ang matulis na mga kuko nito na bumabaon na sa aking balat.

I heard that her boyfriend broke up with her. Nalaman ko dahil sinubukan akong ligawan ng ex niya kahapon. And am I to blame? Kasalanan ko bang maganda ako?

"Kahit kailan talaga bida-bida ka! Maganda lang naman ang mukha mo pero hindi ang ugali!" She exclaimed.

I sighed and took her hand away from me, sinubukan nitong manlaban pero mas malakas ako sa kaniya. She even winced when I slightly squeezed her fingers. Marahas kong tinapon sa direksyon niya ang kaniyang kamay.

Wala ng tao sa paligid, kaming dalawa lang siguro. Kanina pa kasi ang uwian, sa pagkakaalam ko ay iilang mga guro at staffs nalang ang nandito. Nahuli rin ako dahil may meeting kami.

And this bitch here is really something. Wala naman akong naalalang pinakealaman ko siya, I wasn't even talking to her since grade six! And does she think that I'm interested d'un sa feeling cool niyang ex? Hilarious!

"I don't know what's wrong with your head, Hani. But the next time you'll attack me, be sure to get ready..." I warned her.

Umangat ang kanang kamay niya, and before her dirty hand could even land to my face-- I caught it. Mas lalo pa siyang nagalit sa ginawa kong pagsalo. Again, kasalanan ko bang hindi ako tanga?

Dangerous Muse (ASHLEY 10) ☑Where stories live. Discover now