Chapter 2

8 0 0
                                    

Kabanata 2:

"Sino kayo?" iyon ang unang lumabas sa bibig ko ng makita ang isang matanda at isang matangkad na lalaki sa tabi niya.

"Iha, Ikaw ba si Tres?" nilingon ko sila Dos at nagtataka naman siyang tumingin saakin.

"Ako nga, ano po bang kailangan niyo?" kumunot ang noo ko ng marinig ko ang bata.

"Nana, you are here." dali-dali itong tumakbo at agad na niyakap yung matanda. Mabilis kong nahulaan ang mga nangyayari.

"Ay jusko. Saan ka ba nagpupupuntang bata ka," hinawakan nung tinawag niyang nana yung mukha ng bata. "Alam mo bang sobra akong nagalala sayo, sinabi kong huwag kang aalis sa tabi ko dahil mapapagalitan tayo ng mommy mo." naitaas ko ang kilay ko ng tingnan niya ako, bahagya niyang binuhat yung bata. Sa tingin ko ay nasa kuwarenta pataas (40) na ang edad ng matanda.

Napatingin ako kay Dos ng lumapit siya sa pwesto namin. Ipinatong pa ang siko sa balikat ko. "Hindi na pala natin kailangang ihatid eh." bulong niya.

"Maraming salamat at nahanap ninyo ang alaga ko," tumango lamang ako at tiningnan ang lalaking nakatayo sa tabi niya. Kanina ko pa napapansin ang tingin niya saakin. "Napakabuti ninyo, may magagawa ba kami para sa kabutihan niyo, mga iho at iha?" umiling ako.

"Kusang lumapit 'yang batang yan samin, kaya hindi na kailangan," ibinulsa ko ang mga kamay ko at tinaasan ng kilay yung lalaki. "Anong tinitingin-tingin mo dyan?" kunot noong tingin ko sakanya.

"We really are greatful and I'd want to express my gratitude for your kindness." magsasalitang muli sana ako ngunit pinigilan ako ni Dos.

"What kind of help can you provide? " pinanlalakihan ko ng tingin si Dos. Nginitian lang niya ako.

"You know what, Nana. They are so cool. I saw them beating those bad guys," tiningnan ko yung bata, masaya niya itong sinasabi sa Nana niya. "Nana, I want banana po. I am hungry na." tumango ang nana niya. "Mamaya, iho. Pagkauwi natin." tumango naman yung bata, muli kong binaling ang tingin ko sa lalaki.

"May sasabihin pa po ba kayo? May importante akong kailangang puntahan," hinarap ko si Dos. "Pakikuha na iyong mga gamit sa loob, deretso na tayong hospital pagtapos nito." tumango si Dos, "Excuse me." paalam niya. Muli kong ibinaling ang tingin sa mga taong nasa harap ko.

"Hospital? You are sick?" tanong nung lalaki, pinagkunuotan ko siya ng noo at pinagcross ang mga braso sa dibdib.

"Hindi ko obligasyong sabihin ang anuman sayo." tiningnan ko siya ng walang emosyon. Ganoon din naman siya saakin.

"Kuya, she is not the one who is sick. It is her grandmother po," tiningnan ko ng masama yung bata at bahagya lamang itong ngumiti saakin.

"Nana, mauna na po kayo sa sasakyan. Ako na po ang bahala dito." nginitian ako ng matanda ngunit hindi ko iyon sinuklian. "O sige iho," ibinaba niya ang batang hawak at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Maraming salamat ulit, iha. Mauuna na kami." tinanguan ko lang siya.

"When po ulit kita makikita, Ate. I want to play with you po." tiningnan ko yung bata at umupo para pantayan ang height niya.

"Wala akong oras para makipaglaro sa mga bata," ginulo ko ang buhok niya, kahit papaano ay napalapit ako sa batang 'to kahit na hindi ko masyadong kinakausap. "Si Dos na lang ang yayain mo." nakita ko ang lungkot sa mukha ng bata.

"Okay po." nakayuko itong humawak sa kamay ng nana niya, nakokonsensya tuloy ako pero hindi ko kailangang bawiin ang sinabi ko. Marami akong problema at wala akong oras para sa mga bata. Pinanood ko silang umalis at nakita ko pang kinakausap siya ng nana niya.

The Unexpected LoveWhere stories live. Discover now