Chapter 6

2 0 0
                                    

Kabanata 6:

Dalawang araw na ang lumipas at hindi ako masyadong pinapansin ni Mesiah, tinitingnan ko siya mula rito sa bintana ng bahay. Nasa labas kase siya at nagbabasa ng libro dahil mas mahangin daw doon or dahil iniiwasan niya ako.

Napabuntong hininga ako at nagdesisyong lumapit sakanya, tinapik ko siya sa balikat kaya't napatingin siya saakin. Umupo ako sa bakanteng upuang nasa tabi niya.

"Aalis na ako next week para magtrabaho." hindi ko siya tiningnan, huminga ako ng malalim "Isinuggest ko sa manager kong ikaw ang pumalit saakin." naramdaman kong napalingon siya kaya tiningnan ko siya.

"You are allowing me to work?" parang gulat pa niyang sabi, ngumiti lang ako.

"Ito ang gusto mo hindi ba?" nakita kong ngumiti siya "Pero gusto kong may oras ka parin sa pag-aaral, kaya isinabi ko sa manager na alas singko hanggang alas nuebe ka lamang."

Tumango siya at niyakap ako. "It's okay. Thank you, ate." tinapik-tapik ko siya. Wala akong choice, gusto kong magfocus siya sa pag-aaral niya pero kaya naman siguro niyang pagsabayin ang part time job at pag-aaral. Alam kong responsable ang kapatid ko dahil lumaki kaming walang mga magulang.

Pumasok na ako sa bahay at hinayaan siyang magbasa, pinuntahan ko si Lola sa kwarto niya at pinagmasdan siyang natutulog.

I will do everything I can to get our lola treated, inayos ko ang eyeglass niya at tinabi ang librong binabasa.

"Apo." tawag niya, napatingin ako sakanya.

"Lola, nagising ko po ba kayo?"

"Hindi, apo." ngumiti siya, umupo naman ako tabi niya.

"La, aalis na po ako next week para sa inapply'an kong trabaho. Magiging maayos naman po kayo habang wala ako?" hinawakan niya ang kamay ko.

"Magiging maayos ako, Apo. Pagpasensyahan mo na at kailangan mo pang umalis para mapagaling ako." ngumiti lang ako.

"La, huwag kang humingi ng tawad. Bilang apo mo, responsibilidad kita. Hindi kita pababayaan, hindi kita hahayaang mahirapan dahil diyan sa sakit mo." nginitian ko siya, lumapit ako at yumakap sakanya.

"Salamat, Apo. Mag-iingat ka ro'n ha?" tumango lang ako, ilang sandali rin ay nakatulog ulit siya kaya iniwan ko na siya roon at dumiretso sa kwarto namin ni Mesiah.

Magiging maayos naman siguro ang lahat, malungkot akong ngumit at bago akong tuluyan layunin ng dilim. Naramdaman ko ang luha na unti-unting lumabas sa aking mga mata.

One week later

"Ate, ihahatid na kita." pagpupumilit ni Mesiah, umiling lang ako. Kanina pa niya akong pinipilit na ihatid ako sa pagtratrabahuan ko.

"Mesiah, hindi na nga sabi. Huwag ng makulit." napasimangot siya, tiningnan ko ang apat na animoy naiiyak.

Nandito kami sa terminal, sa sakayan ng bus. Limang oras ang biyahe mula sa pagtratrabahuan ko. Si Mesiah, Lola, Tita Lourdes, at iyong apat ang naghatid saakin.

"Oh, iwas muna sa gulo habang wala ako ha." natawa sila at tumango.

"Yung gulo ang lumalapit saamin." umiling na lamang ako, tiningnan ko si Mesiah.

"Ikaw na ang bahala dito, tawagan mo ako kapag may problema." tumango siya.

"Mag-iingat ka, ate. You don't have to worry." ngumiti ako.

"Oh sige na, kailangan ko ng umalis." niyakap ko sila isa-isa.

"Mag-iingat ka ron, iha. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa lola mo." sabi ni Tita Lourdes ng yakapin ko.

The Unexpected LoveWhere stories live. Discover now