Chapter 4

4 0 0
                                    

Kabanata 4:

Nang makauwi ako, dumiretso ako sa pwesto. Kita kong nagtatawanan 'yong apat habang nakikipaglaro sa mga bata.

"Tres!" matamis na ngumit saakin si Uno, kumaway lang ako sakanila. Gulat akong napatingin sa familiar na bata, tiningnan ko siya ng mabuti at hindi nga ako nagkakamali. Siya iyong bata noong nakaraan.

"Ate!" masaya niyang tawag saakin. Tiningnan ko ng nagtataka si Dos at itinuro 'yong bata.

"Anong ginagawa niyan dito?" may hawak na banana cue 'yong bata. Umupo ako sa tabi harap niya.

"Bumili ng banana cue." tiningnan ko 'yong bata, innocente itong nakatingin saakin at iniabot 'yong isang stick ng banana cue. Umiling ako

"Nawawala nanaman?" umiling si Dos. "Eh bat nandito yan?"

"Kasama niya 'yong matanda." tumango lang ako, tiningnan ko 'yong papalit na matanda saamin, may hawak siyang tumbler na may lamang gatas.

"Iha, nandito ka na pala," pinagkunuotan ko siya ng noo, anong kailangan niya. "Pwede ba kitang makausap?" tumingin ako kay Dos, tumango lang siya.

Medyo lumayo kami sakanila Dos.

"Ano po bang sasabihin niyo?" tanong ko, ngumiti siya saakin.

"Nag-aaral ka pa ba, iha?" umiling ako.

"Deretsuhin niyo na lang po ang sasabihin niyo." naiirita kong sabi, tumingin ako kila Dos. Nakita ko ding nakatingin siya saakin.

"Naghahanap ang amo ko ng kasambahay," nakinig lang ako sa sinasabi niya. "Baka gusto mong mag apply? Ayos lang iha, kung ayaw mo." Kasambahay? Napaisip ako sa sinabi niya.

"Magkano po ang sweldo?" hindi ako basta bastang mag-aapply ng hindi nalalaman kung ilan ang pera matatanggap ko. Pera ang problema namin, ayokong umasa lahat kay Tita Lourdes kaya nagtratrabaho ako.

"Thirthy thousand per month, iha." sumeryoso ako, hinihintay niya ang sagot ko. Naibulsa ko ang kamay ko at napapikit. Malaki na ang thirty thousand, sasabihan ko muna si Mesiah.

"Pag-iisipan ko." tumango siya saakin at binigyan ako ng calling card, ganito rin ang ibinigay saakin noong lalaki.

"Sige, iha. Tawagan mo ako kapag nakapagdesisyon kana" tumango lang ako. "Mauuna na ako, iha." umalis na siya sa harapan ko habang ako ay nananatili sa pwesto ko.

Napatingin ako sa gilid ko ng makita si Dos. Ngumiti siya.

"Anong sabi?"

"Inoffer'an ako ng trabaho."

"Anong trabaho?" naisandal ko ang likod ko sa dibdib niya, agad naman niya ako inalalayan.

"Maid." simpleng sagot ko, naramdaman kong natigilan siya.

"Tatanggapin mo?" napabuntong hininga ako.

"Kakausapin ko muna sila Lola at Mesiah."

Umalis ako sa pagkakasandal sakanya at niyaya na siyang bumalik sa pwesto. Tahimik na sila, kanya-kanyang nag cecellphone. Nakita ko namang nakatingin saakin si Uno at ngumiti ng makitang nakatingin ako sakanya.

"Ano daw 'yon?" tanong niya ng tumabi ako sakanya.

"Trabaho." tumango lang siya, nakunot ang noo ko ng makita ang isang grupo ng estudyante. Sila 'yong nakaaway namin noong nakaraan.

"Sila Patrick 'yon ah." rinig kong sabi ni Uno, masama ang kutob ko dito.

Mula sa pwesto namin ay rinig na namin ang halakhakan nila. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makatayo sila sa harap ng lamesahan.

The Unexpected LoveWhere stories live. Discover now