Chapter 5

3 0 0
                                    

Kabanata 5:

"Tres! Alam mo bang ang pogi ng mga bagong staff." bulong ni Halia sa tabi ko. Inulit muli ang schedule namin. Sa ngayon ay nakaassign kami nila Halia at ang bagong staff ng convience. Alas kwatro na ng hapon, puros estudyante lamang ang mga bumibili. Busy ako sa pagchecheck ng mga bagong products habang si Halia ay nakasunod saakin.

"Hinaan mo ang boses mo, baka marinig ka." narinig ko lamang na bumingisngis siya, bumalik na ako sa counter nung matapos kong icheck ang mga bagong dating na mga pagkain.

"You tired?" tanong saakin ni Avid, iyong bagong staff. Umiling lang ako at tumabi sakanya sa counter, nakita ko namang nakikipagdaldalan si Halia sa isang pang staff na bago rin.

"GoodAfternoon, Maam and Sir. Welcomed!" masayang bati ni Halia at Jaja sa mga pumapasok, pinagmasdan ko lang sila.

Rinig ang halakhakan ng isang grupo ng mga lalaki kasama ang dalawang babae. Nakunot ang noo ko ng makita ang isang familiar na mukha sakanila.

Nakasuot siya ng black na trouser pants  tapos nakatuck-in na black long sleeve button up shirt. Black lahat ang suot niya, nakaeyeglass din ito. Nakita ko ring nakakapit sakanya ang isa pang babaeng hindi ko nakita kanina. Iniwas ko nalang ang tingin sakanila.

"Do you know them?" napatingin ako sakanya.

"Hindi."

"But, that boy in all black outfit is staring at you." nakunot ang noo ko at tiningnan ang mga pumasok kanina, tama siya, nahuli kong nakatingin 'yong lalaki kanina.

"Hindi naman siguro ako ang tinitingnan, assuming ka." narinig kong tumawa siya, umiling na lamang ako naghintay ng magbabayad.

Nakita kong kinakausap ng mga 'yon si Halia. Siguro ay may tinatanong, ngunit nakunot ang noo ko ng makarinig ako ng sigaw.

"You are so stupid!"

Nagtinginan kami ni Avid, sinenyasan kong ako na ang lalapit, manatili na lamang siya sa counter. Agad ko silang nilapitan.

"Anong problema?" tiningnan ko muna si Halia bago ibaling ang tingin sakanila.

"Calm down, Aleah." rinig kong bulong nung naka all black outfit.

"How can i? Hindi nag-iingat ang babaeng 'yan." nagtitimpi kong tiningnan iyong babae.

"Tres." bulong ni Halia, nang tingnan ko siya ay parang naiiyak na ito.

"Excuse me, Ma'am. Ano po ba ang problema?" ulit kong tanong, masama akong tiningnan nung babae.

"That woman ruined my shoulder bag." ipinakita niya saakin ang nasira niyang shoulder bag. "Do you know how much this shoulder bag costs?!" not interested.

"Hindi ko sinadya, Tres." rinig kong sabi ni Halia, nakayuko lang ito.

"It's one hundred thousand plus, mas mahal pa sa sweldo mo!" itinuro niya si Halia, napakalaking halaga para sa isang maliit na shoulder bag.

"I'm sorry po, Ma'am. Aksidente lang po ang nangyari." sarcastic itong natawa ng marinig ang sinabi ni Halia. Pinagmasdan kong mabuti ang bag, alam ko ang klaseng bag na gamit niya. Hindi ito basta-basta nasisira.

"Anong nangyari, Halia?" tanong ko sakanya.

"Naisabit sa tray na hawak ko kanina, pero aksidente lang 'yon." pinagmasdan kong ulit ang bag.

"Accident or not, as long as you ruined it, you will pay for it." matalim ko siyang tiningnan, tahimik lang ang mga kasama niya.

"When your bag was accidentally laid on the tray, it was already damaged."  nakitaan ko ng gulat 'yong babae, bingo. Natigilan iyong babae at bahagya akong tiningnan.

Nalipat ang tingin ko sa lalaking katabi niya nang makita kong ngumiti ito. Nakatingin lang siya saakin, iniwas ko ang tingin ko sakanya at ibinalik ang tingin sa babae.

Galit niya akong tiningnan. "How can you be sure?"

"Why don't you check it. Nang nalaman mo ang sinasabi ko." Muli niyang chineck ang bag niya at nakita kong dumiin ang hawak niya dito.

"How dare you!"

"Aleah!"

"Tres! Oh my god!" naramdaman ko ang hapdi at ang pagtulo ng likido sa pisnge ko. Tangina, 'yong sugat ko. Hindi pa magaling 'to.

Gamit ang likod ng kamay ko ay pinunasan ko ang dugong tumulo mula sa sugat ko kahapon. Napangiwi ako ng mahawi ko iyong band-aid at mas humapdi ng matamaan ng kamay ko.

"Dumudugo ang sugat mo, Tres. Kukuha ako ng gamot." hinawakan ko si Halia ng akmang aalis siya, umiling lang ako at masamang tiningnan 'yong babae.

"Shit!"

"Yohann!"

Nagulat ako ng makaramdam ako ng isang telang pumupunas sa pisnge ko, nanlalaki ang mata ng makita ang lalaking nasa harap ko at pinupunasan ang sugat ko. Hindi ako nakagalaw, nagkatinginan kaming dalawa. Doon lang bumalik diwa ko ng marealize na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Naitulak ko siya at bahagyang lumayo sakanya.

Napatingin ako sa hawak niyang panyo na may bahid ng dugo. Anong ginawa niya, bakit niya 'yon ginawa. Hindi naman kami magkakilala.

"Yohann, what the hell are you doing?" rinig kong tanong sakanya noong babae, pumasok muli sa isip ko ang pagsampal niya saakin.

Agad akong lumapit sa babae at kwinelyuhan siya. Kahit kailan ay hindi ako sinampal ng ibang tao. Nandidilim ang paningin ko.

"Tres!" rinig kong tawag ni Halia. Tiningnan ko ang babaeng takot na takot sa harapan ko. Itinaas ko ang kamay ko at akmang sasampalin din siya ngunit hindi ko tinuloy.

Agad ko siyang binitawan, inalalayan naman siya nong lalaki kanina. Bumuntong hininga ako at walang ganang tumingin sakanila.

"Kayo ang mali dito, walang ginawa si Halia sayo, kung gusto mong gumawa ng eskandalo, huwag dito. Good day!" hinatak ko na si Halia para umalis don

"Thank you, Tres." lumingon ako sakanya. Ngumiti lang ako.

"Wala iyon."

"Pero, ang astig mo kanina ha." inasar pa niya ako. "Kung wala ka kanina, hindi ko na alam kung anong nagyari saakin don."

"Siya ang may kasalanan, hindi ikaw." tumango lang siya.

"Thank you ulit ha, babalik na ako sa trabao. Treat kita mamaya." tumango na lamang ako at bumalik na rin ako sa counter.

"Namumula 'yang sugat mo, here." inabot saakin ni Avid ang band-aid.

"Salamat."

Nakita kong inirapan ako nung babae kanina bago sila umalis. Hindi ko nakita lumabas iyong lalaki kanina.

Napatingin ako sa lalaking naglagay ng mga gamot pang sugat sa counter, hindi ko siya pinansin at si Avid ang umasikaso sakanya.

Gulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, inilagay niya doon ang panyong ipinangpunas niya sa sugat ko. Nakunot ang noo ko at tiningnan siya ng nagtataka.

"I'm sorry for what happened earlier." ang mga binili niya ay inabot niya saakin. "Here, for your wound." tatanggihan ko na sana ng bigla na lamang siyang tumalikod.

Pinagmasdan ko siya hanggang sa makalabas at makaalis siya.

First, the coffee at ngayon ay ang mga gamot pang sugat. Ano ang kailangan ng lalaking 'to saakin, hindi naman namin kilala ang isa't-isa.

Ang lalaking nagbigay saakin ng coffee, ang boses na narinig ko sa school ni Mesiah at ang lalaking nagbigay ng gamot

ay iisang tao lamang.




















The Unexpected LoveWhere stories live. Discover now