Chapter 3

8 0 0
                                    

Kabanata 3:

Sunod sunod ang mga pumapasok na costumer kaya naging busy kami ni Halia, siya ang nagaassist sa mga bumibili habang ako ang nasa counter. Maya-maya pa ay may namataan akong isang costumer na pamilyar ang damit.

Nakahoodie, sweat pants at naka bonnet. Siya iyong unang costumer simula nung nagshift ako. Inalis ko ang tingin sakanya ng may mga magbabayad na.

Humikab ako at hinilamos ang mga kamay sa mukha, hindi ako nakatulog kanina, siguro ay dinadalaw na ako ng antok. Bahagya ko ring hinilot ang likod ko dahil sumasakit. Napatayo ako ng maayos ng makitang nasa harap ko na iyong lalaki kanina para magbayad.

Isang can coffee at mainit na kapeng nakalagay sa paper cup ang inilagay niya. Iniabot niya ulit iyong card niya kaya tinanggap ko agad 'yon.

"Your transaction is complete, here is your card." muli kong ibinigay ang card niya, agad naman niyang kinuha, hindi gaya kaninang ilang segundo bago kuhanin. Akmang ipaplastick ko iyong can coffee niya ng pigilan niya ako.

"No need." tumango na lamang ako, kinuha niya iyong can coffee tapos ay tumalikod. Kumunot ang noo ko ng makitang nakalimutan niya iyong kapeng nakacup.

"Excuse me, sir." tawag ko, tumigil siya pero hindi humaharap. "Nakalimutan mo iyong isang kape." lumingon siya, tiningnan ako at 'yong kape.

"It's yours." taka akong tumingin sakanya.

"Hindi ko kai----" pinutol niya yung sasabihin ko. "You are welcome." pagtapos ay dere-deretso siyang lumabas. Anong problema niya? Wala na akong nagawa kundi ay tanggapin iyon.

"Yie! Siguro crush ka niya." naptingin ako kay Halia na nasa tabi ko pala. Umiling lang ako at tiningnang muli 'yon.

"Kilala mo ba 'yon?" umiling lang siya.

"Pero ang tingin ko nakita ko na siya," umupo siya sa tabi ko at parang nag-iisip. "Tama, nakita ko na siya. Bumili siya dito ng mga chocolates noong nakaraan, nung nagleave ka ng isang araw." kumunot ang noo ko't tiningnan muli ang kape. Bakit niya ako bibigyan, hindi naman kami magkakilala.

"Kumain muna tayo habang wala pang mga costumer." inilabas ko 'yong kinuha ko kaninang ube halaya. Tiningnan ako ni Halia.

"Paborito mo talaga ang ube halaya noh?" tumango lang ako at inabot sakanya.

"Gusto mo?" lumaki ang ngiti niya.

"Abay syempre, pahingi." napangiti ako at hinayaan siyang kumuha. Ininom ko na rin 'yong kape, chocolate ang flavor. Iniabot ko rin 'yon kay Halia.

"Meron sakin, sayo na' yan." tinaas at baba pa niya yung kilay niya tapos ngumiti, nangangasar.

"Kamusta pala ang lola mo?" tumingin ako sakanya at ibinalik ang tingin sa labas.

"Ayos na, mabuti nga ay naagapan ni Tita Lourdes." tumango-tango siya.

"Si Mesiah, kamusta?" napatingin ako sakanya at natawa. Gusto niya kase si Mesiah. Unang beses niyang nakita si Mesiah noong hinatid niya ako.

"Wala kang pag-asa do'n." sinanggi niya ako.

"Tinatanong ko lang," pabiro siyang umirap. "Ayaw mo no'n, may maganda kang sister-in-law." umiling na lamang ako. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maubos iyong kinakain namin.

Naging busy ulit kami dahil sunod sunod ang mga costumers na nagsisidatingan. Tiningnan ko ang oras at alas dose na ng gabi. Tiningnan ko ang cellphone ko ng makita ang isang messages.

From: bunso

[Ate, bilhan mo ako ng delight.]

To: bunso

The Unexpected LoveWhere stories live. Discover now