CHAPTER 11

16 1 0
                                    

Jelous Andrea

"Andrea, I'll be working at 10 am sa branch nyo rito sa Canada. Your Dad told me to do this. Hahaha"

Parang demonyong tumatawa si Gabriel sa harapan ko ngayon. This monster is so annoying!

"Hey! Stop being so bitter to me!"

Agad syang lumapit sa akin at niyakap ako. Agad ko itong kinalas at sinimangutan sya.

"Okay! Okay! Suko na si Gwapong Batman! You change now, breakfast tayo sa labas."

Halos dalawang linggo na kami rito. And 2 weeks na rin akong nagiging bitter kay Gabriel.

"Okay. Mamaya ihatid mo ako sa Village nila Ate. Okay?"

Tumango sya at nagmartsa na ako patungo sa kwarto namin.

Oo, NAMIN. Kasi naman itong si Dad, super ang kompyansa sa lalakeng ito! Maniak pa naman ito! Hahaha!

Pinili ko ang simple yet elegant white dress. Nag light make up at nag flat shoes.

Lumabas ako at nakita ko syang naka upo sa living room.

Nakita nya agad ako at naglahad sya ng kamay. Gentleman. Maniak. Pahawak-hawak pa sa kamay ko para manan-ching! Ew!

Hinawakan ko ang kamay nya pero binawi agad ito.

Tumawa ako at lumas na ng hotel.

Next week doon na kami sa condo namin. Tapos na raw yon by Wednesday. Im so excited!

Sumakay na kami sa elevator. Hindi ako tumabi sa kanya. Akala nya ah? Narinig ko ang pag-sigh nya. Bahala ka dyan. Hahahaha!

"You look so great Andrea. I'm starting to fall here. Lapit ka sa akin."

Alam kong pumula ang mga pisngi ko. Mga traydor talaga sila! Hahay.

"Ayoko nga!"

Ngumisi sya na parang hilaw at ibinaling nalang ang mga mata sa reflection nya sa pinto ng elevator.

Um-open ang elevator sa 10th floor. At pumasok ang isang Mexican type girl. Tutok na tutok sya kay Gab.

At ito namang si Gab ay ngumingiti-ngiti pa. Dahil don ay tumabi ang babae sa kanya.

Parang may bumuhos sa akin ng mainit na tubig.

Umubo-ubo ako para tumingin si Gab sa akin. Pero patuloy lang sya sa pag ngiti sa babae.

"You're new here?"
Tanong ng babae.

Ngumiti si Gab at sinagot sya.

"No, we're here 2 weeks ago."
Sabi nya sabay tingin sa akin.

Tumango tango ang babae at ngumiti.

Baka mapunit ko itong mukha nya ngayon! Tsk! Malandi talaga itong si Gabriel!

"Uhm. Can I have your room number? Maybe we can hang out sometimes."

Sapul! Sobra na itong babaeng ito!

Agad akong pumunta sa gitna nila at hinawakan ang kamay ni Gabriel. Agad syang nagulat sa ginawa ko.

Hindi ako makapagsalita. Galit ako pre!

"Haha. Sorry. My wife is pregnant, I can't leave her"

Ngumisi ako ng patago. Heh! Akala mo babae ha?

Nang nakarating na kami sa ground floor ay nagmadali yung babae sa pag lakad.

Buti nga sa iyo!

Ako ang nagwagi !!!!

"Ehem-ehem"

Napansin siguro ni Gabriel na para akong baliw na ngumingisi rito. Hahaha. Oh well, I can't deny my victory!

"You're jelous Andrea"

Napalingon ako sa kanya at nakita kong ngumiti ang mokong!

"I'm not Gab! Tsk!"

Naglakad na ako at iniwan ko sya roon. Baka isipin nya may gusto ako sa kanya. hahaha!

"Wait for me Andrea!"

Tumigil ako at hinintay sya.

"San ka ba pupunta? Dito sa kabila ang parking lot."

At ayun! Para akong nasabugan ng bomba! Pare!!! Nakakahiya!!!!!

Sumunod lang ako sa kanya. Nang nakarating na kami sa parking lot ay narinig kong may tumawag kay Gabriel.

"Gabriel Drew!"

Tinignan ko si Gabriel na nakatingin sa akin. Sinimangutan ko sya pero ngumiti lang sya. Mokong talaga!

"Come on wife. Let's go."

Agad akong napasunod sa kanya. I kinda like it when he calls me Wife. Parang susuka na ako ng kalapati rito!

Sumakay na kami sa sasakyan at umalis na sa hotel.

He's a kind man. Now he knows I am so insecure of everyone. Ugh!

Exclusively DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon