Chapter 9 --

122 4 3
                                    

C9 ***

Kent POV

Hey. Bonus ko sa mga nagmamahal sa kin. Akin lang tong chapter na to. Bwahahaha! Tss! Nakakainis may mga galos ako sa mukha pero gwapo padin naman ako. Bwisit na mga mukhang ipis na yun, tama ba namang pagtulungan nila ang babae? Kakagigil! Buti na lang at nakita ko sila.

*Flashback*

Its late in the evening and Im driving home.

“Shit! Ang sakit ng katawan ko, ngayon lang ulit nakapagpractice ng sayaw. Papahilot ako neto kay Nat pauwi”

Eto sa shortcut na ko dumaan para mabilis makauwi sa bahay. May kadiliman ang daan at madaming eskinita, may mga tambay ding lasenggo. Habang dumadaan ako dito, may napukaw sa aking paningin. Isang dead end na kalye na halos walang masyadong tao at isang maliit na poste ng ilaw na animoy mapupundi na, ang nagsisilbing liwanag sa buong kalye. May nakita akong mga kalalakihan, mga lima siguro na nagkakatuwaan sa ilalim ng posteng ilaw. Lalagpasan ko na sana kasi wala naman akong pake sa pinagkakatuwaan nila ngunit nahagip ng aking mga mata ang isang babae na nakasandal sa pader, pinalilibutan sya ng mga panget na mga lalaking yun. Umiiyak sya, sira-sira ang damit nya at nagmamakaawa. Naiinis ako sa nakikita ko pero di ko na kinaya yung mga sumunod na eksena, pilit syang pinaghahalikan ng isang lalaki sa ibat ibang parte ng katawan nya kaya di ako nagdalawang isip na bumaba at sinugod sila. Pake ko kung lima sila? Mailayo ko lang ang babae na yon sa mga mokong.

*Booogsh*

Sinuntok ko yung humahalik sa babae.

“Bagay lang sayo yan!”

Lalake1: “Pwe! At sino ka namang pangahas ka na nangiistorbo sakin?”

Lalake2: ”Boss baka naman gusto din makatikim?”

“P*ta! Mga wala kayong awa! Di ko kayo mapapatawad sa kahayupang ginawa nyo sa kanya! Shit!”. Hinila ko yung babae papunta sakin, sinuot ko sa kanya ang jacket ko at pinasakay sa kotse. Bakas sa mukha nya ang labis na takot.

Lalake3: ”Aba boss, mukhang palaban ang binatang to ah, gusto ata makatikim”

Lalake1: “Sige alam nyo na ang gagawin sa kanya, di ata natatakot sa atin”

Pwe! Dinuraan ko lang naman sa mukha yung boss nila.

“Tss, at bakit naman ako matatakot sa pipitsuging kagaya nyo? Pero sabagay ang mga pagmumukha nyo bagay na bagay sa Halloween ah”

Lalake4: “Sumusobra ka na ah!!”

At

*Booogsh*

*Ploink*

*Blag*

Lalake5: “Eto sayo!!”

“Yan lang ba kaya mo? Tss!”. Ang totoo medyo masakit yung suntok nya na yun, nahilo ako ng bahagya pero wala akong pakealam. Dapat turuan ng leksyon tong  mga panget na to. Kung di nyo lang alam, nag-aral ako ng self-defense.

*Booogsh*

“At ang pinakahuli”. Napatumba ko silang lahat.

Lalake1: “Pagbabayaran mo ang araw na to, di pa tayo tapos”. Sabi ng boss nila.

“Tss, *smirk*”. At kumaripas sila ng takbo ng makarinig sila na may parating ng mga tao. Napaluhod ako ng bahagya dahil nahihilo ako, may mga galos at pasa din ako sa mukha at sa katawan. Ngayon lang ulit ako nakipag-away ng ganito.

“Pwe! Peste talaga, ginalusan nila yung gwapo kong mukha”. Dali-dali na ko pumasok sa kotse at para maihatid na ang babae.

Habang nagddrive.

“Bakit ikaw lang mag-isa? Di mo ba alam na delikado dun? Lalo na’t masyadong gabi na at babae ka pa? tss!”. Pag-aalala kong sabi sa kanya pero sya patuloy pa din sa pag-iyak.

*Crying*

“Alam kong natrauma ka sa nangyari sa’yo pero pwede mo ba sabihin kung san ka nakatira para mahatid kita at masabi na din sa magulang mo ang nangyari sayo, kahit ayun lang ang sabihin mo”

“Aaa—yoko mu—na umuwi sa amin ngayon. Ilayo moo muna ako, ayoo—koong umuwi ng ga—ni—too ang itsura koo. Pleaaseee”. Sabi nya habang umiiyak pa din.

“Haist, sige kung yan ang gusto mo. Dun ka muna mamalagi sa condo ko hanggang sa maging okay ka na, medyo malapit lang naman dito”

“Saa—laa—mat…”

“By the way, I’m Kent, at your service”

“Aah—Im KC, ako na bahalang magpaliwanag sa parents ko kung bakit di ako nakauwi”

Napatingin ako sa kabuuan nya. Sya naman napatakip na lang sa sariling katawan.

“Ahm sorry, it is not what youre thinking. Damit ko muna ang gamitin mo, bukas dadalhan kita ng damit, mukhang magkasize lang kayo ng kapatid ko pero bilhan na din kita”. Nagsmile ako sa kanya.

“Saa—lamat taa—laga”

“Wala yun, akin na cellphone mo”

Nagtataka syang inabot sakin yung cp nya.

“Here, I already saved my number there. Pag may kailangan ka, just contact me okay? Anyways, Gwapong Kent ang nakalagay ha? Hahaha!”

Napangiti siya ng bahagya sa sinabi ko. Ang ganda nya pala.

At Kent’s Pad.

“Etong shirt na munang eto ang gamitin mo, bukas na lang kita dadalhan ng mga kailangan mo, nakaready na din yun pampaligo mo at yung pagkain nasa table na din, kuha ka lang dyan ng food sa ref pag nagugutom ka ha? Feel at home KC”

“Sige, salamat talaga ng madami. Di ko alam kung pano kita mababayaran”

“Nako, wag na. makita lang kita na panatag, okay na sakin. O pano ba yan, uwi na ko ah? Hinahanap na ko tiyak ng kapatid ko, wag mong kalimutan na kontakin ako ah”

“Okay, sige. Ingat ka sa daan”

Pero bago pa man ako makalabas ng pinto, bumalik ako at I kissed her forehead na talaga namang kinagulat nya, maski ako din naman e.

I whispered to her,

“From now on, I’m going to protect you. Di ko alam pero di ko kayang nakikita kang umiiyak. I’ll be your handsome knight in shining armor. Sige goodnight”. At umalis na talaga ako ng tuluyan.

*End of Flashback*

Kent POV

Nako, di ko talaga malimutan yun mukha nya. Basta ayoko syang nakikitang umiiyak. Lagot ang magpaiyak sa kanya. Bugbog sakin.

Nakahiga ako sa kama at tinitignan ko yung naiwan nyang schedule sa kotse.

“Hmm, Kyllie Cassandra Collins 1-1A BS Civil Engineering, Kingsley University. Schoolmate pala kami at magkatapat lang building namen dalawa, mahilig din sya sa art gaya ko”. Ngayon at alam ko na schoolmate pala kami, mababantayan ko na sya.

Dahil na din sa sakit ng katawan mula sa practice ng sayaw at bugbog, nakatulog na din ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

(A/N: Hehe sorry matagal mag-update. Sana nagustuhan nyo tong chappie na to. Dahil madaming nagmamahal kay Kent. Ayan na po. I thank you :D )

I Met You for a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon