Chapter 2 --

193 9 4
                                    

C2 ***

Nat POV

Bwiset! bwiset talaga yung lalakeng yun! ang yabang! akala mo naman kung sinong gwapo. Eh? gwapo nga sya pero kahit na ang kapal ng mukha para sabihan ako ng tanga at sa harap pa ng maraming tao! grabe, sobrang nakakahiya.

TT___________TT

Haist wag ko na isipin yun baka masira pa beauty ko no! at imposibleng makita ko pa ulit yun, ang lawak kaya ng Pinas. Hahaha, oo tama di ko na yun makikita. Tinignan ko yung phone ko at himala, binura nya lahat ng convrsation nila ni Clarisse ah. Bah! mautak din pala ang mokong.

***

"Nat! ang tagal mo naman?!". angal ni kuya.

"Ahehe, sorry naman. Tara na nga"

"Okay ka lang ba?"

"Ah oo naman, ako pa? Duh!"

Napansin pala ni kuya na medyo BV ako dahil sa mokong na yun. Ay, enube? *Erase Erase* na nga yun.Pew! *___*

Mga less than an hour at nasa airport na kami, nakaupo at naghihintay.

*poke poke*

"Ano ba yun? tss"

*poke poke*

"Oh?"

"Ku---kuya naaaman eh!"

"Bakit ba kasi Nat?"

"Gutom na ko, matagal-tagal pa hihintayin natin". sabay pout ko.

"Kala ko naman kung ano na, tara na nga Bibegirl Jollibee tayo"

"Kyaaaah! kuya naman eh! kainis to!"

O_________O

Kagulat lang kiniss ni kuya yung forehead ko. Naku kung di ko lang to kapatid baka mainlove ako sa kanya hahah pero I really miss the time na tinatawag nya akong Bibegirl(kahit di naman ako mukhang Bibe -___-) Haaaay alam kong di pa yan nakakamove on eh kaya ganun na lang kung umasta. Matagal na yun pero di ko masisisi si kuya, duh! first love nya eh kaya ako di ko pababayaan si kuya kahit pasaway ako. HAHAH!

"Oh ano gusto mo?"

"Haller tinatanong pa ba yan? Of course Spagi lang solve na aketch"

(*SPAGI=Spaghetti)

"Wag ka nga magsalita ng pang alien! Nakakakilabot!"

"Eto naman, nag ewan mo"

*Silence*

*Silence*

Lafang lang ng lafang. baket ba? Lubusin na, minsan lang yan manlibre si kuya no.

"Kuya alam mo namiss ko yung ganito, bakit kasi hanggang ngayon di ka makamove on dyan kay Shana na yan?". sabi ko.

Biglang tumayo si kuya at umalis? Iiwan na lang ako ganun? Di ko naman sinasadyang sabihin yun eh pero totoo naman talaga. Ay nako.

"San ka pupunta kuya?"

"Kay manong Jun, dadalhin ko lang tong pagkain nya, Ge!"

Si manong Jun, sya lang naman ang napakabait naming driver.

Palabas na sana ako ng Jollibee nang may biglang nangyaring di ko ginusto.

*BLAAAAAAAAAAG*

>__________<

"Ouch! ang saket ng pwet ko huhuhu!". Nakakahiya sobra, nadulas lang naman ako sa madlang people. Ang malas ko naman ngayong araw, sobrang kahihiyan.

=_________=

"Oy okay ka lang? mukhang lapitin ka sa disgrasya ah?". Sabay smirk na nakakaloko ni Papa Warius.

"Ah---eh hehe". Tengene, tameme na naman ako sa nilalang na kaharap ko.

"Mukhang pag nagtatagpo tayo ng landas lagi ka ata nadidisgrasya? tss. Hahaha! kidding. Ay maiba nga lang anong ginagawa mo dito at mag-isa ka lang?"

Ngayon ko lang nalaman na mapagbiro sya at approachable naman. Oh ano na? mali kayo ng inaakala, salungat sa ugali nya yung kumakalat na rumors. Ang friendly nya kaya at ang ngiti nya, nakakawala ng pagod. Ahihi pwede iuwi na kita sa bahay? Hmm..

"Im with my brother at susunduin namen ang parents namin"

"Oh, I thought kaw lang mag-isa"

Ayiiie, bakit sasamahan ba nya ako? Okay sakin yun, pabor na pabor atleast masolo naman kita. WHAHAHA ang landi ko naman masyado. Pakshet!

"Kaw anong ginagawa mo dito?"

"Ah sinundo lang namen ni mom yung ate ko"

"Oh I see". Walanjo! ang tipid ko naman sumagot.

"Anyways, lagi naman tayo nagtatagpo pero ngayon di ko pa din alam yung name mo, so what's your name Ms. Gorgeous?"

Napalunok ako ng laway dun ah. Di ba to panaginip? Pasampal nga ako. Isang Warius Castro ang nagtatanong ng name ko. KYAAAAH! MyGhaliewow.

"Ahm, Im Natassha Koleen but you can call me Nat ^________^"

"What a pretty name and it really suits you, by the way Im Warius"

"Ahe--he thank you"

"Its really nice to meet you". Sabi nya at nakikipagshake hands sakin.

O//////////O

*Dug dug dug*

Haay heaven, nakaholding hands ko si Warius. Ako'y kinikilig kahit na ba isang shake hands lang yun atleast nahawakan ko ang kamay niyang malambot kahit nagbabasketball sya. Wag na sana matapos ang moment namin. Hihihi. Kaso...

"Oops tinatawag na ko ni mommy, so nice meeting you again Nat"

Naglakad na sya palabas pero teka bakit sya bumalik.

"Warius? teka may naiwan ka ba dito or may nalimutan ka ba?"

"Oo eh, iiwan ko na kasi sayo yung puso ko at ikaw na ang magmay-ari neto, pwede ba?"

Ako: *O*

HOLY COW. *drool* HA?? Nabingi ako pakiulit naman. Gusto ko pa marinig, shet! Umaariba na naman kalandian ko. Bad bad! Naestatwa ako sa harapan nya.

"Hey, are you fine?"

"Ye--yes. hehe"

He just smiled at me and he step closer and closer hanggang ilang inch na lang ang lapit ng mukha namen sa isat isa. Sorry bro kung magkakasala man ako ngayon, kung papatagalin pa nya ako na uuna sa kanya, landeee! Napapikit na lang ako kasi nararamdaman at naaamoy ko ang mabango niyang hininga. OH TUKSO LAYUAN MO AKO! Pero narinig ko na lang na may binulong sya sa tenga ko.

"Kita na lang tayo sa school, I want to know you more Nat"

Medyo nakiliti ako sa pagbulong nya na yun. Ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa tenga ko. Ang AMBISYOSA ko naman masyado kala ko pa naman sya na ang magiging first kiss ko, well asa ka na lang Nat! Tae bakit naman kasi ganun? may pasuspense pa syang nalalaman, umasa tuloy ako sa wala. Tss, okay lang dahil natuwa naman ako sa binulong nya na gusto pa nya ako makilala, meaning to say interesado sya sa akin. YIIE! Warius Castro is interested to Natassha Koleen Velasco *sabog confetti*

"Sige Nat. Bye!"

"Bye!"

(A/N: Thanks sa pagbabasa. Dont forget to vote and comment ah? HAHAHA)

I Met You for a ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon