Chapter 38

22 3 0
                                    

"Hindi mo kami hinintay. Ang daya mo, Sunny!"



I ignored Jaycee's whine when they entered the car. May kasalanan pa siya sa'kin! If I know, nagiinarte lang siya dahil hindi niya nagawa ang binabalak niyang plano.



Sinamaan ko na siya ng tingin nang maabutan kami ng stop light. "Shut it. Ako dapat ang galit."



Napatahimik naman siya at nagkunwari pang hindi alam ang sinasabi ko. "Bakit ikaw ang magagalit, ikaw nga nang-iwan."



James was busy reading again kaya wala siya pake. "I know you told Lance na roon tayo pupunta sa gym na 'yon."



Jaycee's eyes widened a bit. "Hindi ko sinabi! Paano ko naman sasabihin sa kanya." Sagot niya pa.



"Really huh?" Inangatan ko siya ng kilay.



"Really! Baka coincidence lang. Nagulat nga ako na nandoon siya kanina." Sabi niya habang kinakamot ang baba niya. Tss. Liar.



Tumango-tango na lang ako, kunwaring naniniwala sa kanya. Mabilis kaming nakarating sa mall dahil walang traffic.



"Saan tayo kakain?" Jaycee asked.



I looked at James, he brought his book. He's too inspired. Tumingin ako kay Jaycee para sumagot. "Kayo bahala. I'm not gonna eat too much. Salad lang ang akin. "



Ngumiwi silang dalawa sa sinabi ko. Inirapan ko sila. "Come on. I don't want to waste what I did at the gym."



Sa huli, napili nilang kumain sa isang steak restaurant. Mabuti na lang at may salad sila. Inasar ko yung dalawa dahil akala nila maloloko nila ako. They didn't expect that this resto has a salad.



We just talked about random things while waiting our orders. Si James hindi masyado nasali sa usapan dahil nagbabasa ulit siya. He's wearing his specs that made him more hotter. Kaya yung mga babae sa kabilang table ay pasulyap sulyap sa kanya.



"Gosh. Hindi na'ko magugulat kapag bigla ka na lang natunaw, Sunny." Ani ni Jaycee.



Binawi ko ang tingin sa mga babae at takhang tumingin sa kanya. "Huh? Bakit?"



"Most of the guys are staring at you!" Bulong niya. Nasa harapan ko siya.



My brows furrowed and looked around. Oh. Jaycee's right. May ibang nag-iwas ng tingin at namula nang mahuli ko sila nakatingin, may ibang ngumingisi at may sinesenyas na kung ano. Inirapan ko lang sila. I don't care. Nakisilip na lang ako sa binabasa ng katabi ko. Nanakit lang ang ulo ko dahil wala ako masyadong maintindihan.



"Doesn't your head hurt while reading that? Because mine does." Sabi ko.



James's chuckled and shooked his head. "Now you know how it feels everytime I'm reading your books about fashion designing before."



Natawa ako sa sinabi niya. I remember that. Palagi rin siyang nagrereklamo na walang maintindihan sa binabasa. Look how the tables turned. Tinigil ni James ang pagbabasa nang dumating na ang pagkain. I'm thinking what to do today while chewing. Wala naman kasing magawa sa bahay. I already swimmed yesterday.



"Manood kaya tayo ng sine?" I blurted out what I'm thinking.



They both agreed. It's been a while since we watched a movie in a big big screen. That's what we did after we ate. Tatlong movie ang papanuorin namin. Romance, Horror and Comedy. Lahat kasi magaganda.



First Love Never Dies {Love Series #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon