Chapter 43

22 3 0
                                    

"You're trending again."



We are eating breakfast when Hail whispered that. Ngumuso lang ako sa kanya kaya natawa siya. Nilingon ko ang ibang kaibigan namin na sapo ang mga ulo.



"Inom pa more," Sabi ko.



Sinamaan nila ako ng tingin. "Wow, Sunny. Parang hindi tayo gabi gabi nasa bar noon ah." Sambit ni Jaycee.



Ginaya ko ang kibot ng labi niya saka siya inirapan. Buti na lang hindi ako uminom masyado kagabi. I controlled my shots. Ang dami ko rin kasi iniisip kagabi. Kiara, Lance and Rade's sudden appearances. Nagtataka lang talaga ako kung bakit parang sabay-sabay sila? Iniisip ko rin ang nakita ni Nico na magkasama raw si Kiara at Rade. Wala akong maisip na dahilan kung bakit sila magiging magkasama. It's weird.



Pagkatapos kumain ay nagtatalo na naman sila kung saan gagala. Tahimik lang ako at nagbabasa ng articles. I didn't expect na makakarating 'to sa mga media.



Tinitigan ko ang picture na naka-attached sa article. Tatlong picture 'yon. Ang unang litrato ay nakangiti ako habang seryoso ang mukha ni Lance. Ang sunod na litrato ay kapwa kami nakangisi. Panghuli ay nang inabot na niya ang bulaklak sa akin habang malawak ang ngiti ko.



I stared at my smile. I looked so happy here. Halatang kinikilig ako. I bit my lip while reading the comments.



'They're in a relationship for sure!'

'What a supportive boyfriend. Sana all!'

'They look so inlove!'

'Halata sa titig ni Lance kung gaano siya kabaliw kay Sunny.'



Napanguso ako. Inlove? I don't think Lance is inlove with me. He only likes me I guess? Is it too obvious that I love Lance? Yes. I love him. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Ilang beses ko man itanggi, alam ko sa sarili ko ang totoo. Kahit sobra sobra ang galit ko sa kanya noon, hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Mas lalo lamang nadagdagan dahil sa mga pinag gagawa niya ngayon.



"Hey. You okay?" Siniko ako ni Hail kaya napatingin ako sa kanya.



Tinignan niya ang cellphone ko kaya napangisi siya. "You still love him huh?" She asked.



Natahimik ako at hindi alam ang sasabihin.



"Just be careful this time, Frey." Mahinang aniya ni Hailey. "Nasaksihan ko kung gaano ka nasira noon. At ayokong mangyari 'yon muli. Guard your heart this time. You should talk to Lance about it."



I sighed heavily. "Anong... sasabihin ko?"



"Kung totoo bang may gusto siya sayo? Ask him, Frey. Baka malaman mo na lang ulit na may girlfriend pala siya." Tugon niya.



Tumango-tango ako. Posible bang... masaktan lang ulit ako? I want to think positively but looking back on the things he did to me in the past, there's a chance na mauulit lang niya ulit. I'm scared to ask him. Kaya tama si Hailey. I should protect my heart this time.



I want to trust Lance. Ngunit sa ginawa niya noon sa'kin hindi ko na maibibigay ang buong tiwala ko sa kanya. Aaminin kong masaya ako tuwing kasama at nakikita ko siya and it makes me scared. Paano kung panandalian lang ulit ang kaligayahan kong ito?



"I'm fine. I can go alone."



Kakabalik lang namin ng Pilipinas kahapon. Gumising ako ng maaga ngayon para pumunta ng gym. I want to clear my mind, dalawang araw nang gulong-gulo ang isipan ko. I'm wearing a racerback and leggings since I'm going to do yoga. Hindi na sumama si James at Jaycee since may sarili silang lakad.



First Love Never Dies {Love Series #1}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon