KABANATA 2

7 2 0
                                    

"Kuya Nicho,astig ang cook natin 'no?"ani Auriette nang nakasakay na sila sa kotse ng pinsan. On the way na sila nun papasok. Sya sa eskuwela at ito ay sa office nito.

"Yeah,she's quite unique. Para syang sundalong kumilos, laging alerto, kahit anong ipagawa,gagawin kahit alam nyang nakakatawa na syang tingnan!"napangiti si Nicho nang maalala ang hitsura ni Charry.

"Awkward nga yun para sa kanya kasi kung sa akin mo pinagawa yun, aalma na ako at talagang buhuhusan kita ng mainit na tubig. Nakakapikon ka kaya kanina!"

"Exactly pero hindi ko nakita sa mukha ni Charry ang pagkapikon. Ang totoo,blangko ang expression ng mukha nya. Hindi ko mabasa ang iniisip nya o nararamdaman nya!"

"Try to look at her eyes next time. Sabi nga sa isang kanta,sa mata makikita!"

"Ang corny mo Iyeth!"

"Should we trust her"

Napakunot-noo si Nicho. "I'll have her background check! At ikaw, mag-ingat ka na lang palagi."

"Dapat kasi pumayag na tayo sa security na inaalok ni Director Harvey."

"I'll think about it. Bakit naman kasi tayo ginugulo ng mga gagong yun?"

"Hintayin na lang natin ang resulta ng investigation ni Director Harvey. By the way,ahm,Kuya Nicho, since pinag-uusapan natin ang safety ko,pwede ba akong mag-aral ng muai thai?"

"Sige,pero alam mo namang mapanganib para sa'yo na mag-stay outdoor,so,kukuha na lang tayo ng instructor mo para tuturuan ka nya sa bahay mismo!"

"Ok,you're the boss."

Sa school...

"Auriette,asan na yung project natin? Naipasa mo na ba?"tanong ni Leanne.

"Oh my G! Sorry guys. I left pala our project at home. Wait,i'll call Yaya Miling na lang to bring it here."

"Sige. Hanggang uwian pa naman ang deadline eh. Sabi ko na nga ba,dapat tinawagan kita kaninang umaga para ipaalala!"ani Leanne.

"Sorry na,"ani Auriette. "Hello Yaya Miling,naiwan ko po yung school project namin sa bedroom ko. Pakidala naman po dito please!"

"Naku, masama ang tyan ko hija. Pwede bang kay Charry ko na lang ipadala?"

"Sige Yaya. Ibigay mo na lang sa kanya ang address nitong school. Magkita na lang kami sa lobby."

Wala pang kalahating oras ay nasa lobby na ng school si Charry.

"Ate Charry,"tuwang-tuwang niyakap ni Auriette ang dalaga nang makita sya.

"Eto na yung project mo!"

"Salamat talaga,nagsunog kami ng kilay ni Leanne kagabi, so disappointing naman kung hindi namin maiipasa,di ba?."

"Sige,uuwi na rin ako!"

"Ahm,pwede mo ba akong hintayin Ate Charry,magpapasama kasi akong bumili ng outfit para bukas,"ani Auriette.

"Sige,dun na lang kita hintayin sa may gate,may nakita akong waiting area dun eh,"sabi ni Charry.

"Ok,malapit na rin naman matapos ang klase namin. Nagpaalam nga lang ako to get this project."

"Balik ka na sa klase mo. Dun na 'ko sa waiting area !"

Pagkatapos ng klase ay agad natanaw ni Auriette si Charry na cool lang na nakaupo pero seryoso ang mukha.

"Let's go Ate Charry. Let's take a cab na lang!"anang dalagita.

"Ipinadala ni Yaya Miling yung kotse!"

LISTEN TO YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon