Pinuntahan ni Sydney si Nicho pero nasa Venice daw ito.
"Ate Syd,Kuya Nicho is planning to stay there for good!"ani Iyeth.
"Bakit? I mean, matitiis ka nya?"
"Mahihirapan daw kasi syang magmove on pag andito sya."
"Give me his address in Venice!"
"Pupuntahan mo sya?"
"Yah!"
Piazza San Marco. Nakangiting iginala ni Sydney ang mga mata sa main public square and cultural center...ang world's most famous showcase of Gothic architecture. Nakita na nya sa water color painting ni Juan Luna ang lugar na yun pero higit pa lang maganda sa personal.
May nakapagsabi sa kanya na nagtatambay dito si Nicho tuwing alas-singko ng hapon kaya andito sya at naghihintay. Mayamaya ay nakita nga nya si Nicho. Nilapitan nito ang isang magandang babae at niyakap.
Ngayon nya lang naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam. Nanlulumong naupo sya sa isang bench. Sobrang kirot na waring kinukurot ang puso nya.Hindj nya napigilan ang pagpatak ng luha.
Samantala. Tuwang-tuwang niyakap ni Nicho ang ex-girlfriend nang makita ito.
"Akala ko nasa Canada ka?"
"Nasa bakasyon kami ng hubby ko...oh here he is...honey,meet my friend from the Philippines,si Nicho. Nicho,this is my husband Greg!"
Nagkamay ang dalawang lalaki. Mayamaya ay naghiwalay na rin sila ng landas. Umupo si Nicho sa isang bench at pinagmasdan ang cathedral. Nun nag-ring ang fone nya.
"Hello Iyeth!"
"Kuya,nagkita na kayo ni Ate Syd?"
"Ha?"
"Sinundan ka ni Ate Syd dyan!"
"Sinundan ako ni Sydney?"
"Oo,you heard me right. Andyan sya ngayon sa St. Mark's Basilica!"
"You can't be kidding! Andito rin ako!"
"Andyan nga sya. Kakatawag ko lang sa kanya eh! Hanapin mo sya...call me later!"
Ibinaba na nito ang fone. Kaagad nyang hinanap si Syd pero naikot na nya ang buong square ay hindi nya ito nakita. Nanlulumong napaupo sya sa isang bench. Napahilamos sya ng palad sa mukha. Pag-angat nya ng tingin ay nagulat sya nang makita sa isang bench ang isang malungkot na babae. Nilapitan nya ito at inabutan ng panyo.
"Para saan ang luhang yan mahal ko?"
"Nicho!"kaagad na tumayo si Syd at mabilis na pinahid ang luha. Niyakap sya ng lalaki ng buong higpit.
"I missed you so much Sydney. Thanks God, sinundan mo ako."
"Teka,niyayakap mo ako samantalang kanina may kayakap kang ibang babae."
"Nagselos ka? Yes,nagselos ka nga."
"Natuwa ka pa!"
"Si Celine yun,ex ko. She's with her husband."
"Nakakainis ka,ngayon lang ako nasaktan!"
"Walang dahilan para masaktan ka dahil ikaw lang ang mahal ko!"
"Mahal din kita!"
Tuwang-tuwa na niyakap sya nito ng mas mahigpit.
"Teka lang hindi na ako makahinga!"
"Paano nga pala si Randolph?"
"The wedding is off. Dahil nga ikaw ang mahal ko!"
Kinuha ni Nicho ang kamay ng dalaga. "Tutal,andito na rin tayo,mamasyal muna tayo. Akyatin natin ang belltower!"
"Ang Campanile?"
Hawak-kamay na inakyat nila ang top of St. Mark's Campanile. Hiningal sila sa dami ng steps. Over 300 feet high ba naman.
"Nakakapagod pero sulit naman di ba?"ani Nicho."This is the tallest and best known structure of the floating city."
"I can see the magnificent panoramic view of the entire city and its neighboring islands!"manghang-mangha na sabi ni Sydney.
"Alam mo na dito denimonstrate ni Galileo kung paano gumana ang telescope nya sa chief magistrate ng Venice nung 1609!"
"Wow,napaka-historical pala ng lugar na ito!"
"At napakamemorable pa dahil ang lugar na to ang saksi sa unang palitan natin ng i love you!"nakangiting niyakap sya nito mula sa likod.
They made the most of their stay in Venice. Namasyal sila, gumala at bumalik sila sa Pilipinas para planuhin ang nalalapit nilang kasal para tuluyan na silang magkasama hanggang.....
WAKAS....