"Goodmorning Ate Charry!"masiglang bati ni Iyeth nang maratnan sya sa kusinang tumutulong sa bagong cook na maghain ng lamesa.
"Uy Iyeth,parang ang ganda ng gising mo ah..."bati ni Charry.
"Ate Cha, pwede mo ba akong samahan?"
"Saan?"
"Sa house namin. May kukunin lang ako,eh medyo madilim pa kasi."
"May bahay kayo?"
"Oo,kay Kuya Nicho itong bahay. I live here lang kasi im not allowed pa to live in my own at our house. Yung katiwala namin ang nakatira dun!"
Few blocks away lang ang nilakad nila bago nila narating ang bahay ng parents ni Auriette.
"Goodmorning Iyeth,"bati ng katiwala.
"Goodmorning din Tatay Kardo. Ang aga nyong magising ah."
"Sino yang kasama mo?"
"Ah girlfriend po sya ni Tito Nicho!"
Magrereact sana si Charry pero pinisil ni Iyeth ang palad nya para patahimikin sya.
"Pasok na po ako sa loob. Kukunin ko lang sa library yung book about Calculus."
"Sana itinawag mo na lang para naihatid ko nalang!"
"Medyo namimiss ko na rin kasi itong bahay...it's been a year!"
"Sige na pasok na kayo Iyeth!"anito na napansin pa ni Charry na lumingon muna sa paligid bago isinara ang pinto.
Hinila ni Iyeth papuntang library si Charry.
"Bakit mo sinabing girlfriend ako ni Nicho?"
"Eh kasi,hindi papayag si Tatay Kardo na isama kita dito kung hindi ka related sa amin."
"Bakit?"
"Hindi ko alam. Safety siguro kasi nasa danger daw ang buhay namin."
"Ah...eto yung book na Calculus oh!"kinuha ni Charry ang libro sa bookshelves."Anong gagawin mo sa librong ito,wala pa naman kayong subject na Calculus di ba?"
"Naalala ko yung minsang sinabi ni Dad....isang araw bago sila naaksidente,nabanggit nya yung librong Calculus daw pero ngayon lang sumagi sa isip ko ang bagay na yun."
"Eto oh,"ani Charry.
Makailang ulit na binuklat ni Iyeth ang libro pero wala naman syang nakitang kahit anong nakaipit dun.
"Wala naman. Baka paranoid lang ako!"
"Patingin nga!"binuklat ni Charry ang libro."Anong petsa ng birthday mo Iyeth?"
"28!"
Binuklat nya ang page 28 at may nakita syang sketch dun. "Saan 'to?"
"Sa basement yan."
"Can we go there?"
"Oo,may daan dito!"ani Iyeth na iginiya sya pababa ng hagdan pagkatapos nitong buhayin ang ilaw.
Pagdating sa baba ay itinuro ni Iyeth yung nasa sketch. Nagulat ito nang buksan ang closet at tumambad sa kanila ang dalawang malalaking travelling bag. Binuksan ni Iyeth ang bag at nanlaki ang mga mata nito.
"Pera! Andaming pera Ate cha!"
"Sssssh! Tara na! Wag kang maingay!"ani Charry na isinara ang bag at closet.
"May nakakaalam ba ng secret basement na'to?"
"Wala. Kahit si Tatay Kardo,hindi nya alam 'to!"
"Tara na ....baka hinahanap na tayo ni Nicho."