"Charry,kakampi ka ba o kalaban?"wala sa sariling tanong ni Nicho sa dalaga.
"Sir,anong klaseng tanong yan? Cook ninyo ako."
"Sa totoo lang Charry,nagdududa ako sa iyo. Sabi ni Iyeth,marunong kang magdrive at magaling ka raw mangarate. At kanina,nakita ko mismo kung gaano ka ka-expert magpalit ng gulong!"
"Anong nakakapagduda dun sir?"
"Ang may ganung katangian ay hindi papasok ng cook kung wala syang motibo!"
"Sir,hindi ko kayo pinipigilang husgahan ako pero kung gagawin nyo yun,listen to your heart,hindi yan magkakamali!"
Saglit na natahimik si Nicho kasabay nang pagdagundong ng puso nya. kaybilis ng heartbeat nya sa hindi nya malamang dahilan. Ang totoo,nalilito na rin ang binata sa nararamdaman. He never felt this way even with Celine.
"Charry,have we met before?"
"Hundred percent na hindi tayo nagkakilala noon. Sa bahay nyo lang talaga tayo nagkakilala. Pero minsan ko na kayong nabasa sa isang business magazine!"
"So,is that the reason why you work for me?"
"Hindi sir!"
"Hay,sino ka ba talaga?"
"Ako si Charina Muñoz!"
"Charina Muñoz was only 8 years old when she died with her family when a group of syndicate executed them. I saw the death certificate of this certain Charina Muñoz. You have no BIR or COMELEC record. Kaya sino ka ba talaga? Isa ka ba sa mga sindikato?"
"Hindi naman mahalaga kung sino ako di ba? Ang mahalaga,wala akong ginagawang masama sa inyo!"
"Yun nga ang problema eh,binibihag mo ang puso ko!"
"Hindi ba't nilinaw ko na sa'yo na hindi ka pwedeng ma-in love sa akin!"
Tumawa nang malakas si Nicho,dumadagundong sa loob ng sasakyan ang halakhak nito. "Hindi yata mangyayaring ma-i-in love ako sa kagaya mo hahahahaha! Madaldal ka rin pala. Akala ko'y tahimik ka!"
Saglit na nalito si Charry sa reaksyon nito,tila ibig niyang mapikon pero kinontrol nya ang sarili,pinilit nyang maging blangko ang ekspresyon sa mukha. "Ewan ko sa'yo,iidlip nga ulit ako!"
"Opps teka lang,andito na tayo!"
"Tecson Beach Resort!"basa ni Charry sa malaking arko. "You own this place?"
"Nag-e-English ka na ah. Regalo ni Uncle Cholo kay Mommy ang lugar na ito. Hindi naman yata lingid sa kaalaman mo na multi-billionaire ang tatay ni Iyeth. And that's what I admire about my mother's youngest brother. Napagyaman nya ang maliit na negosyo nila!"
"Amazing!"seryosong sabi ni Charry.
Bumaba na sila ng kotse at agad silang sinalubong ng ilang tauhan sa resort para buhatin ang mga gamit nila.
"Son, sino ang kasama mo?"nakangiting tanong ni Helen sa anak.
"Si Charry...ahm,Charry,mom ko!"
"Magandang araw po Tita..."
"Helen,"dugtong nito sa sasabihin ni Charry.
"Mommy, isama mo sya sa kitchen. Tutulungan kayo nyan magprepare ng foods para sa mga empleyado!"ani Nicho. "Kukumustahin ko lang yung mga yun!"
"Sige,kami na ni Charry ang bahala!"
Pagkatapos magluto ay umupo si Charry sa isang bakanteng cottage.
"Bakit hindi ka nakikisali sa mga staff ni Nicho?"tanong ni Helen nang lapitan sya.
"Magpapahinga po muna ako. Galing po tayo sa apoy,masyadong na-expose po tayo sa init,baka mapasma ako!"