KABANATA 8

4 2 0
                                    

Sa malapit na hotel natulog si Charry,hindi kasi sya pwedeng pumunta kina Nicho o umuwi sa tunay nyang bahay. Bago sumikat ang araw ay lihim syang pumunta sa bahay ni Nelson o Pocholo. Nasa library na sya nang biglang pumasok si Kardo.

"Sabi ko na nga ba darating ka!"nakangising sabi ni Kardo.

"Hayop ka! Unang kita ko pa lang sa'yo,alam ko nang traydor ka!" Galit na sabi ni Charry.

Tumawa lang ito ng malakas saka sya tinutukan ng baril."Alam ko ang mga galaw mo Syd kaya hindi ka uubra sa akin. Hoy mga gunggong, posasan nyo ang hunghang na ito!"utos nito sa mga tauhan nito.

Pinosasan nga sya nito at pinaupo sa silya,saka sya itinali dito.

"Ngayon, sabihin mo sa akin kung nasaan ang pera!"galit na sabi ni Kardo.

Tinawanan ito ng malutong ni Charry,"nakakatawa di ba? Kanang kamay ka ni Nelson pero hindi mo alam kung saan nya inilagay ang pera!"

"Isang malaking hangal si Nelson, tinangay nya ang pera para ipamigay sa mga foundation na tinutulungan nya. At higit sa lahat,pumayag syang maging undercover agent pero anong nangyari? Hindi naman sya kinilala nung namatay sya!"

"Traydor ka Kardo,itinuring ka nyang kapamilya pero bumaligtad ka din! Kinidnap mo pa si Iyeth."

"Bakit ba concern na concern ka kay Auriette? Hindi ba't naghihiganti ka lang naman kaya ka pumasok sa sindikato. Antagal mo na sa grupo pero wala ka man lang pinatay o pinagmalupitan!"

"Paano mo nalaman?"

"At palagay mo hindi kita natatandaan? Itinanong ko kay Miling ang pangalan mo-Charina Muñoz!"

"Kilala mo ako?"

"Ang malas mo naman dahil nung binaril kita nung maliit ka pa hindi ka pa napuruhan! Kelangan mo tuloy maranasan ngayon ang kalupitan ko!"

"Kasama ka nila!"

"Sa isang transaksyon namin noon, nakita kami ng ama mo at naging witness sya. Nagalit si Boss pero alam mo,walang alam si boss sa pagligpit namin sa pamilya mo!"

"Hayop ka Kardo! Siguraduhin mo lang na mapapatay mo ako dahil pag ako nakawala dito,ihahatid kita sa impyerno!"

"Nasaan ang pera?"

"Pagkatapos ng mga sinabi mo, palagay mo ba,magsasalita ako!"

"Sabihin mo na dahil naghihintay na ang private plane na maghahatid sa amin sa Germany!"

"Itatakbo nyo ang pera?"

"Bakit naman hindi?"

"Sabi ko na nga ba eh. Ang pagkidnap nyo kay Iyeth ay para agawin ang atensyon ni boss habang kinukuha nyo ang pera! Traydor talaga kayo!"

"Asan ang pera?"

"Wala kang makukuha sa akin Kardo!"

"Boss,may tao!"anang isang tauhan ni Kardo.

"Lagyan nyo ng tape ang bibig ng babaing yan at magtago kayo!"utos ni Kardo bago lumabas para silipin ang bintana. Sinenyasan nyang magtago ang mga tauhan.

"Goodmorning Sir Nicho!"bati ni Kardo sa binatang pumasok sa kabahayan.

"Oh Tatay Kardo,andito ka pala. Hindi nyo pa kasama si Iyeth? Me pasok sya ngayon eh!"

"Ay nagpaiwan sa bahay. Hindi daw muna sya papasok para makasama ang Nanay Lita nya."

"Ganun ba! Ibabalik ko lang itong libro ni Iyeth!"

"Ako na ang magdadala!"

"Ako na Tatay Kardo! Kukunin ko rin naman sa library yung ilang files na inihabilin ni Uncle Cholo."

Dire-diretsong pumasok ng library si Nicho kasunod si Kardo. Binuklat ni Nicho ang mga files sa closet.

"Nagsalita ka ba Tatay Kardo?"tanong ni Nicho.

"Hi...ah oo..."

"Sige na Tatay Kardo...me mga babasahin din kasi akong files. Pwede nyo muna akong iwan dito."

"Ah eh sige Sir,tawagin nyo lang ako pag may kailangan kayo."

Tumango lang si Nicho. Nang mapatingin sya sa sahig ay napansin nya ang isang susi. Dinampot nya yun.

Samantala,nakatago sa likod ng shelf si Charry,napapagitnaan sya ng dalawang tauhan ni Kardo. Dahil naka-posas sya ay hindi nya maigalaw ang mga kamay pero nang makalingat ang dalawa ay nakawala sya at hinila si Nicho papunta sa basement.

"Charry!"

"Ssssshhh!sumunod ka lang sa akin,"bulong ni Charry.

Hindi nya binuhay ang ilaw kaya pakapa-kapa silang nakapunta sa basement.

"Bakit ka nandito?"tanong ni Charry.

"Tinawagan ako ni Randolph. Puntahan daw kita dito. Sya na daw ang bahala kay Iyeth!"

"Delikado ang ginawa mo! Akina yung susi!"

Kinuha nya yung susi na nasilip nya kanina nang damputin ng lalaki.

"Ako na,"sabi ni Nicho na marahang tinanggal ang posas."Ang dilim dito!"

"Kailangang makagawa tayo ng ibang paraan bago matuklasan ni Kardo ang basement na'to!"

"May celfone ako!"

"Tawagan mo si Harvey. Nasa malapit lang sya di ba?"

Pagkatapos tawagan si Harvey ay hinarap ni Nicho si Charry.

"Paano mo nalaman itong basement?"

"Dinala ako ni Iyeth dito....andito yung pera!"ani Charry. Noon biglang nabuhay ang ilaw.

"Magaling magaling Syd,sa wakas, sa iyo na mismo nagmula na nandito ang pera,"nakangising sabi ni Kardo. "Mga gunggong, itali nyo ang mga hangal na'to,yung iba,halughugin nyo ang bawat sulok hangga't makita nyo ang pera!"

Kumikinang ang mga mata ni Kardo nang matagpuan ang dalawang travelling bag na punong-puno ng pera.

"Tatay Kardo,anong ibig sabihin nito"usig ni Nicho.

"Pasensya na Sir Nicho pero malaking halaga ang pinag-uusapan dito. Pera lang ang habol namin. Ngayong nakuha na namin,aalis na kami!"

Iniwan sila nitong may nakataling bomba sa pagitan nila.

"Kung mamatay na tayo ngayon..."ani Nicho.

"Pwede ba Nicho,wag kang magsalita ng ganyan,makakawala tayo dito!"

"Makinig ka Charry, gusto ko lang malaman mo na mahal kita!"

"Ano?"

"Mahal kita Charry!"sigaw ni Nicho.

"Wow! What a very romantic scene!"nakatawang bulalas ni Harvey,kasunod nito ang mga pulis.

"Harvey,tumatawa ka pa dyan, deactivate mo muna ang bomba dito!"ani Charry.

"Nahuli na namin ang grupo nina Kardo,"ani Harvey habang dine-deactivate ang bomba. Yung ibang pulis ay tinanggal ang pagkakatali nila.

"Salamat naman. Sa wakas,matitimbog na ang grupo ni Holgado. Oppss,kelangan ko palang tawagan si Randolph!"

"Randolph Manalastas?"ani Harvey.

"Kilala mo rin si Randolph?"maang na tanong ni Nicho.

"Kabatch din namin yun. Boyfriend yun ni Sydney.!"

Nalukot ang mukha ni Nicho sa narinig.

"Randolph,kumusta si Iyeth?"

"Ligtas na sya. Nahuli na ng mga pilis ang buong sindikato."ani Randolph sa kabilang linya.

Si Randolph ang naghatid kay Auriette sa bahay ng mga Tecson.

"Paano ba yan? Kelangan na naming umalis ni Sydney,magrereport pa kami sa opisina,"ani Randolph na inakbayan sya.

"Salamat sa inyo!"ani Charry.

"Basta punta kayo sa kasal namin ha,"ani Randolph.

LISTEN TO YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon