Recovering from pain.

2.8K 40 7
                                    

Pumunta na nga sila Vice at Karylle sa isang kainan.

Umorder na sila ng makakain. Habang naghihintay sa order, wala sa kanila ang nagsasalita. Tahimik nanaman si Vice at nakatulala. Hanggang sa hindi na kinaya ni Karylle ang katahimikan ni Vice.

Karylle: Okay ka lang ba? Ang tahimik mo nanaman kasi. Ang layo nanaman ng tingin mo. Lumilipad nanaman ang utak mo. Wala ka nanamang kibo. Ano ba? Akala ko ba nandito tayo para makalimot ka? Pano ka makakalimot kung hanggang ngayon pinroproblema mo pa rin sya? Move on naman. Mas lalo ka lang masasaktan hanggang sa mamaya iiyak ka nanaman. Ikaw rin ang talo.

Vice: Eto naman ang daming chika. Nag-iisip isip lang naman ako. Masama?

Karylle: Nag-iisip isip? Tungkol kanino? Tungkol nanaman sa kanya? Kung ganyan ka lagi, hindi ka makakalimot. Ang ending, matatrap ka lang sa past mo.

Vice: Mahirap 'tong pinagdadaanan ko, masakit.You're asking me if I'm okay? Yes, I'm okay. I might be okay but I'm not fine at all. Because I'm a crumpled up piece of paper lying here. May karapatan akong malungkot. Pagbigyan mo naman ako.

Karylle: Sorry. Pero... Oo, may karapatan kang malungkot. Pwedeng pwede. Walang pipigil sa'yo. Ang tanong, gusto mo bang maging malungkot?

Napatahimik ng sandali si Vice.

Vice: Nakakapagod maging malungkot. Ayaw ko ring maging malungkot.

Karylle: Yun ang punto ko, ayaw kong nakikita kang malungkot. Sige ganto nalang. Pagkatapos natin kumain dito, may pupuntahan tayo.

Vice: Saan naman?

Karylle: Basta. Pero panigurado mag-eenjoy ka.

Vice: Siguraduhin mo lang ha. O ayan na pala yung pagkain.

Kumain na nga sila Vice at Karylle. Syempre, habang kumakain, nag-uusap rin sila.

Karylle: Oo nga pala, bakit nga pala kayo nag-away.

Vice: Ayoko na nga maging malungkot diba? Ayoko nang pag-usapan.

Karylle: Ay sige.

Nag-usap rin sila ng iba't ibang bagay. Pagkatapos nila kumain, dinala ni Karylle si Vice sa isang parke.

Vice: O anong gagawin natin dito?

Karylle: Napapagod ka na maging malungkot? Magpapakasaya tayo. Tara. Mamisikleta tayo. Isipin mo bata lang tayo. Yung tipong walang problema. Eto na yun. Kahit saglit malimutan mo lang yung problema.

Vice: Salamat. Tara go!

Vice: Manong, dalawang bisikleta nga po.

Manong: Uy! Diba ikaw si Vice Ganda? Tsaka Karylle? Ang ganda mo pala sa personal!

Vice: Thank you po! :D

Manong: Si Karylle. Ikaw hindi.

Vice:Ara-ara-araaa-araaaay!

Manong: Pogi ka kasi. :D

Vice: -.- Ibigay nyo nalang po yung bisikleta.

Karylle: Totoo naman sinabi ni Manong ha?

Vice: Naku ayan ka nanaman. Tara na nga mamisikleta na lang tayo.

Manong: Ang cute nyo palang dalawa. :)

Vice: Ewan ko sa inyo manong. 

Namisikleta na nga sila. Iniikot nila ang buong parke at naglaro ng parang bata.

Vice: Ano kurba karera tayo? Paunahan?

Karylle: Naku lugi ako sa'yo mabilis ka. Kabayo ka eh.

Vice: Hard ah! Takot ka lang na matalo eh.

Begin Again - ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon