Friendship grows. ♥

2.3K 25 0
                                    

Kinabukasan ay tinanghali ng gising si Vice. Nagmadali syang pumasok dahil late na sya para sa Showtime.

Pagdating nya sa ABS ay konting ayos nalang at start na ng show. Napansin nyang wala si Karylle.

Vice: Anne, nasan si K?

Anne: Ay absent.

Vice: Bakit daw?

Anne: Ahh may sakit ata

Vhong: Anne, Vice start na tara na!

Anne: Ay tara na.

Vice: Ay sige. May sakit? Hala. Sana ayos lang sya.

Nag umpisa na ang show at medyo tahimik si Vice dahil nag-aalala kay Karylle. Kaya pagkatapos ng first gap, tinawagan nya agad si Karylle.

Calling Karylle...

Karylle: Hello?

Vice: Hello K? May sakit ka daw? Ayos ka lang?

Karylle: May lagnat lang ako. Ayos lang.

Vice: Ha? Hala! Gusto mo puntahan kita dyan? Kasalanan ko ata kung bakit ka nilagnat. Pinilit kita maligo sa ulan kahapon.

Karylle: Ano ka ba. Ayos lang ako. Ituloy mo yung show. Nakatutok ako. Mag pasaya ka ng tao. Kasama na ko dun. Malay mo mas lalo akong gumaling dun.

Vice: Sigurado ka?

Karylle: Oo naman.

Vice: Pero.. nag-aalala ako sa'yo.

Karylle: Ano ka ba. Okay lang ako. Lagnat lang 'to.

Vice: Sige ganito nalang. Pagkatapos ng Showtime pupunta ako dyan babantayan kita.

Karylle: 'Wag ka na mag abala.

Vice: Basta pupunta ako dyan mamaya.

Anne: Vice, tara na mag start na.

Vice: Oo sige..

         Sige Karylle, baba ko na 'to. Basta mamaya ha, abangan mo ko. ;) Bye.

Karylle: Sige. Bye. :)))

Nagtrabaho na si Vice, ang dami na nya ngayong binabatong punchline di tulad noong mga naka raang araw. Pero habang nagtatrabaho sya, nag utos na sya na magpaluto ng sopas at nagpabili na rin sya ng ilang prutas.

Pagkatapos ng show ay dumiretso na agad si Vice sa bahay nila Karylle.

Pagdating nya ay si Ms Zsa Zsa ang nagpapasok sa kanya.

Vice: Hello po. :)

ZsaZsa: O Vice, napadaan ka?

Vice: Dadalawin ko lang po si K, may sakit daw sya.

ZsaZsa: Ay! Oo. Sige.

Vice: Eto po nagpabili ako ng mga prutas tsaka nagpaluto ako ng sopas para sa kanya.

ZsaZsa: Ay sige ipadala mo nalang yan sa kitchen. Teka, nag lunch ka na ba?

Begin Again - ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon