We are never ever getting back together. Like ever.

2.3K 35 0
                                    

Pinunasan ni Vice ang mga luha at hinila ang kamay ni Karylle at naglakad na parang walang nakita.

Vice: Tara na Karylle, ihahatid na kita.

Sumunod si baby boy at pinigilan sila Vice.

Baby Boy: Teka lang Vice! Mag usap tayo!

Vice: Wala na tayong pag-uusapan. Ano pa bang ginagawa mo dito?

Baby Boy: Sorry na, mag-usap na tayo. Hindi ko sinasadya yung mga nangyari. Maniwala ka.

Vice: Hindi mo sinasadyang awayin ako? Hindi mo sinasadyang ipagpalit ako? Hindi mo sinasadyang piliin sya kaysa sa'kin?

Baby Boy: Maniwala ka, hindi ko sinasadya. Please naman. Huwag na tayo maghiwalay.

Vice: Matagal na tayong magkahiwalay. At hindi na tayo magkakabalikan pa.

Baby Boy: Please naman.

Vice: Gipit ka? Kailangan mo ng pera? Sorry pero ayoko na. Dati kaya ko pa pero ngayon hindi na. Pagod na pagod na ko. Please tigilan mo na ko. Lubayan mo na ako.

Tuluyan nang umiyak si Vice. Habang si Karylle ay nasa isang tabi at pinanonood ang pangyayari. Hindi nya alam kung anong gagawin nya.

Baby Boy: Aalis lang ako pag sinabi mo sa'king masaya ka na na wala ako.

Vice: Hindi na ako magiging masaya kung kasama kita. Ayoko na. Tama na. Sobra nang sakit!

Baby Boy: May iba ka na bang mahal? Ha? Aalis lang ako pag sinabi mong may mahal ka nang iba!

Hindi sumasagot si Vice.

Baby Boy: Ano? Hindi mo kayang mabuhay ng wala ako. Hindi!

Vice: OO! Meron! Ano masaya ka na?! Ha?! Ano? Bakit hindi ka pa umalis? Umalis ka na!

Baby Boy: Sino? Sino!

Vice: Si Karylle! Siya!

Gulat na gulat si Karylle. Hindi nya alam kung pano mag rereact.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Bigla naman itong pinutol ni baby boy sa pag tawa nya.

Baby boy: Hahahahahaha. Si Karylle? Hahaha. Niloloko mo ba ako?

Vice: Bakit? Hindi mo ba ako niloko? Ikaw ang nangloko. Wala kang karapatang sabihin sa'kin yan. Wala!

Baby boy: Bakla ka diba? Ano yang sinasabi mo?

Vice: Wala kang pakealam. Basta lubayan mo na ako. Umalis ka na. Pagod na pagod na akong masaktan. Tama na. Umalis ka na. Umalis ka na! Umalis ka na o magpapatawag ako ng gwardya. Tama na. Umalis ka na.

Umalis na rin si Baby Boy. Pinunasan ni Vice ang luha sa mata at hinila muli si Karylle.

Vice: Tara na.  Ihahatid na kita.

Karylle: Teka lang Vice, ano yun?

Vice: Gabi na, baka hinahanap ka na nila. Halika na.

Karylle: Ano yun? Ano yung sinabi mo? Ha?

Vice: Pasensya na, dinamay pa kita. Wala na ko sa sarili ko. Di ko na alam ang gagawin ko. Ayoko na masaktan. Ang sakit na kasi. Sobra.

Hindi na napigilan ni Vice ang pag-iyak. Niyakap sya ni Karylle para i-comfort kahit sya mismo ay nasasaktan na ginawa lang ni Vice yun para umalis si baby boy.

Vice: Bakit kailangan nya akong saktan ng paulit-ulit? Hindi pa ba sapat yung ginawa nya? :'(

Karylle: Hindi sya worthy sa mga luha mo. Tama na.

Vice: Pasensya ka na. Alam ko marami ka nang nagawa para sa'kin. Pero, kailangan ko ng tulong mo. Ayoko nang guluhin pa nya ako. Pwede bang tulungan mo kong magpanggap? Na totoo yung sinabi ko? Hindi direkta pero maipakita ko lang sa kanya? Pero... ayos lang kung hindi. Masyado na ako umaabuso. Ayos lang ba?

Karylle: Oo. Basta akoko lang makita kang umiiyak. Ayos lang nga ba? Siguro, oo. Basta maging maayos sya, ayos lang. Oo, ayos lang.

Vice: Salamat Karylle! *sabay yakap* Salamat talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.

Karylle: Basta ayokong makita kang malungkot. Tahan na.

Vice: Salamat talaga.

Inihatid na rin ni Vice si Karylle. Pagdating sa bahay, sinalubong agad ni Ms ZsaZsa si Karylle.

ZsaZsa: O Karylle, maghapon kang wala ha? San ka galing?

Karylle: Sa bahay ni Vice.

ZsaZsa: Talaga? Anong nangyari? O teka, bakit parang lutang ka?

Karylle: Si Vice.

ZsaZsa: O bakit? Anong nangyari?

Karylle: Pinuntahan sya ng ex nya, nag-away sila. Nasabi ni Vice na mahal nya ako.

ZsaZsa: O, edi dapat masaya ka ngayon? Bakit mukhang hindi.

Karylle: Hindi yun totoo. Nasabi lang nya yun dahil ayaw na nya masaktan. Tinanong nya ko kung ayos lang magpanggap kami.

ZsaZsa: Anong sinabi mo?

Karylle: Pumayag ako.

ZsaZsa: Bakit?

Karylle: Ayokong makita syang masaktan.

ZsaZsa: Kahit ikaw na mismo ang nasasaktan?

Karylle: Ayos lang, basta para sa kanya.

ZsaZsa: Masyado kang... martyr. Basta siguraduhin mong hindi ka masasaktan. Ingatan mo yang puso mo.

Karylle: ...

Kinabukasan, tumawag ng maaga si Vice kay Karylle.

Incoming call - Vice

Karylle: Hello?

Vice: Good Morning K!

Karylle: O Vice, Good morning. :)

Vice: Sabay na tayong pumunta ng ABS. Maghanda ka na.

Karylle: Sige.

Sabay na ngang pumunta ang dalawa sa ABS. 

Pagdating sa ABS,

Anne: Uii! Sabay kayo?

Vice: Hindi ba halata?

Anne: Bakit kayo sabay?

Vice: Kasi nauna sya.

Anne: Kayo ha..

Vice: Ewan ko sa'yo. :P

Nakangiti lang si Karylle.

Vhong: Oy kayo dyan tara na.

Anne: O tara na!

Hinawakan ni Vice ang kamay ni Karylle. Nagkatinginan sila.

At nagumpisa na ang palabas.

 End of Chapter 4. 

Begin Again - ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon