Happy,Free,Confused,Lonely

2.1K 34 6
                                    

Kinabukasan, masayang pumunta ng ABS si Karylle. Pagpasok nya sa dressing room, napangiti sya ng wala syang inabutang mga bulaklak, tsokolate at kung ano man.

Maya maya ay nag umpisa na rin ang Showtime. Habang nagsasalita si Karylle ay biglang sumingit si Vice.

Vice: Teka lang K, ba't parang ang ganda mo today?

Karylle: Aw Thank you! :)

Kuya Kim: Ikaw Vice ha! Crush mo ba si Karylle?

Vice: Hindeee kasi iba talaga. Ang aliwalas mong tingnan.

Anne: Oo nga, ang blooming mo K.

Vice: Diba? Sabi ko sa'yo eh. Masaya ka no?

Karylle: Oo naman. Syempre I'm so blessed.

Vice: May iba pang dahilan yan!

Karylle: Meron. Ikaw. Wala... *smiles*

Vice: Yung totoo...

Karylle: Basta. *smiles* Siguro kasi pakiramdam ko malaya na ako.

Vice: Bakit bilanggo ka dati?

Karylle: Hinde! Basta.*smiles*

At natapos ang Showtime na masaya.

Pagkatapos ay nagkayayaan ang hosts na maglunch sabay sabay. Pagkatapos nilang kumain ay naguwian na rin sila isa isa.

Paalis na rin sana si Vice ng tinawag sya ni Karylle.

Karylle: Vice! *kalabit*

Vice:*lingon* o K?

Karylle: Gusto mo mamasyal?

Vice: Ay.. gusto ko sana kaya lang kailangan ko pang bumalik sa ABS. May taping pa ko ng GGV eh.

Karylle: Ay ganun ba.. *frowns*

Vice: Maybe some other time.

Karylle: Sige.

Vice: Sige, Bye!

Karylle: Bye. *fakes smile*

Kaya umuwi nalang si Karylle at nanood nalang sya ng movie.

Samantala, dumiretso naman si Vice sa ABS at nagtaping ng GGV. Pagkatapos nun ay nagdinner sya sa labas at umuwi na rin sa bahay.

Pagdating nya sa bahay ay sinalubong sya ng katulong nya.

Maid: Ser! *takbo papunta kay Vice*

Vice: Ser?! *turo sa hair, sa mukha, sa short shorts at sa high heels* Ser talaga?

Maid: Sorry po.. se-Ma'am.

Vice: Ano ba yun?

Maid: Para sa inyo po! *abot ng bulaklak kay Vice*

Vice: Ano 'to?

Maid: Bulaklak po.

Vice: -.-" Alam kong bulaklak yan pero bakit may ganito?

Maid: Hindi ko po alam basta may nagpadala lang. Ay! Kasama pa po pala yun. *turo sa napalaking teddy bear sa may sofa

Vice: Ang laki naman nyan! Kanino daw galing?

Maid: Di ko po alam. Wala po bang sulat dyan?

Vice: Wait. *tingin sa bulaklak* Ay eto may note!

Babasahin na sana ni Vice ang nakalagay ng biglang mag ring ang phone nya.

Vice: Ay teka lang. Sagutin ko lang tumatawag si Liz. Pakiakyat muna 'to dun sa kwarto ko. *abot sa bulaklak* Isama mo na yung dambuhalang oso na yun. *answers the phone call*

Begin Again - ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon