Tahimik akong nakatulala sa labas ng aming bahay habang hawak ang sketch pad at ballpen ko saka ngumuso ng napa sulyap ako sa bintana ng kapit bahay namin. Nanlaki agad ang aking mga mata ng makita ko siya, ramdam ko ang paginit ng aking pisngi. Hindi ko naman kasi inaasahang makita siyang naka dungaw mula doon. Matagal ko na rin kasing crush ang taong iyon kaya ganon nalang ang aking pagkakailang at agad na umiwas ng tingin at ganon din siya.
“Shoot what was that?” mahina kong tanong sa sarili at napa iling saka ko na naisipang pumasok sa bahay.
.
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang pag tibok ng aking puso ng makasalubong ko siya kinabukasan. Kung gwapo siya kahapon, mas gumwapo siya ngayon lalo na at nakikita ko siya sa malapitan, pero sa likod ng kagandahan ng itsura niya ay siya namang kagaspangan ng kanyang ugali, ngunit pansin kong sa akin lang siya ganon, mabait naman ang pakikitungo niya sa iba.
.
Sabado ngayon at may event na isinagawa ang aming barangay para sa aming mga kabataan. Naglalakad lakad ako sa parke ng may nakita akong isang pamilyar na pigura kaya naman napa lapit ako dito.
“Galit ka ba sa akin?” tanong ko sakanya ng mapansing mag isa lang siyang nakaupo doon sa may gilid ng fountain kaya tumabi ako sakanya. Hindi alintana ang suot niyang hoodie dahil agaw pansin ang suot niyang salamin at isang tao lang ang kilala kong nakasalamin.
“Neil” dugtong ko dahilan upang mapalingon siya sa akin at inalis ang suot na hood. Ganon na lamang ang aking pagka dismaya ng mapansin na may suot itong earphones na dali dali naman niyang inalis.
“Kyza, ikaw pala, may I help you?” tanong niya habang nakatitig sa akin ang mga mapupungay niyang mata. Bigla akong napa lunok at nag iwas ng tingin.
“Aalis na pala ako hehe” sambit ko naman dito at agad na tumayo saka siya tinalikutan. Hindi pa ako nakaka dalawang hakbang ng hawakan niya ang braso ko dahilan upang mapatigil ako at lumingon sakanya.
“Can you please stay for a minute?” sambit niya habang diretsong naka tingin sa akin, paano pa ako makakatanggi niyan? Napa upo ulit ako sa tabi niya at nabalot kami ng katahimikan, kinakabahan tuloy ako, baka naririnig niya ang tibok ng aking puso, buti nalang hindi na siya sa akin naka tingin. Pareho lang kaming nakatitig sa mga sumasayaw na mga puno at damo kasama ang malamig na paghampas ng hangin saka na rin ang maaliwalas na pag init ng araw.
“Actually Kyza, hindi ako galit sayo” biglang sambit niya dahilan upang mapalingon ako sakanya kitang kita ko naman ang mumunting pag angat ng gilid ng kanyang labi.
He was supposed to say something when someone suddenly shout.
“Kyza! Neil! Anong ginagawa nito dyan magsisimula na ang program mamaya na kayo mag landian!” agad naman akong napatayo at tumakbo papunta kay Tin na kaibigan ko rin.
“Hindi kami naglalandian gaga!” sigaw ko saka ko siya hinabol at naiwan si Neil sa may fountain kaya naman napatigil ako at lumingon sa aking likuran.
“Ano? Hindi ka ba sasama?” malakas na tanong ko rito at itinagilid ang ulo. Agad naman itong tumayo at inalis ang hood ng kanyang hoodie pati na rin ang suot nitong earphones at lumapit sa akin ng may ngiti. Ewan ko pero sa oras na yun, parang bumagal lahat ng nangyayari sa paligid ko.
“Anong ka-cornihan nanaman ang pumapasok sa utak mo ha?” tanong naman ni Tin sa akin
“Let's go” sambit naman nito at ibinulsa ang parehong kamay sa suot niyang hoodie.
Malalakas na tilian naman ang sumalubong sa amin ng pumunta kami sa basketball court ng aming barangay. Kitang kita ko kung gaano karami ang dumalo, at halos ang iba sakanila ay pamilyar sa akin dahil sila ang mga kalaro ko noong mga bata pa kami.
BINABASA MO ANG
An Unexpected Love Story (Crush Series #1)
RandomSa muli naming pagkikita Sinong mag aakalang muli akong mahuhulog sakanya? Ano ba talagang gustong gawin sa akin ni tadhana? Ang kalimutan ka o ipaglalaban ka hanggang sa kahuli-hulian kong paghinga?