Tapos na ang summer break namin at pasukan nanaman, pareho kaming nasa 4th year ng college and soon ay makakapag tapos na.

.

Napa tingin ako sa suot na wrist watch at sa aming pinto. Enrollment kasi namin ngayon at sabi ni Neil na magsabay na lang daw kami pero anong oras na at wala pa siya.

Kita ko naman ang pag lingon sa akin ni Papa ng tumayo ako mula sa pagkakaupo sa aming sofa at binuksan ang pinto.

“Wala pa si Neil ah, aalis ka na?” tanong niya pa sa akin. At oo matagal ng umuwi sila mama at papa, after two years pareho na nilang naisipang umuwi.

“Opo, pupuntahan ko nalang siya sakanila, sige po mamaya ulit” saka ako umalis sa bahay papunta sa bahay nila Neil. Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko ay may hindi tama rito.

Pagkapasok ko sa gate nila ay siya namang pagtambad ni Neil sa akin na tila nag aalala ang itsura. Nanlaki naman ang mga mata nito ng makita ako at nagsimulang tumingin sa ibang direksyon.

“K-kyza” kinakabahang sambit nito dahilan upang kumunot ang aking noo.

“Ang tagal mo ngayon ah, tara na ilang oras na kitang hinihintay siguradong marami ng tao sa school” sambit ko dito at hinatak siya sa braso, napa tingin naman ako sa likuran nito ng may makita akong pigura ng tao.

“Hi” saka ito kumaway sa akin nang sulyapan ko ito mula sa likuran ni Neil. Napa titig naman ako sa magandang dalaga, literal na walang binatbat sa akin, yung tipo bang kapag itinabi sa akin ay alam na alam na kung sino ang maganda sa hindi.

Ang ganda ng pagbagsak ng mahaba at maitim nitong buhok sa maputi nitong balat, idagdag mo pa kung gaano ito kantangkad, halos abot sa tenga ni Neil habang ako sa braso niya lang, kitang kita ko pa ang magandang kurba ng kanyang katawan, naka suot ito ng manipis ka make up na bumagay naman sa mala anghel na itsura nito. Bagay na bagay sakanya ang itiman at bilugang mata nito, ang maninipis na kilay niya, ang mahahabang pilik mata nito at ang matangos na ilong niya, idagdag mo pa ang magandang labi nito, para siyang lumabas na anime character sa sobrang ganda.

“May bisita ka pala” pilit kong pinasaya ang aking boses habang naka tingin kay Neil.

“Kyza nga pala” kahit labag sa loob ko ay lumapit ako dito upang makipagkamay, walang alinlangan naman niya itong inabot at ganon na lamang ang aking inggit dahil sa sobrang lambot ng kamay niya, nakakahiya sa kamay kong napaka gaspang.

“Chloe, he's long lost best friend” sambit niya pa, napa tango nalang ako at kinuha na ang sariling kamay. Hindi ko alam na may ibang kaibigan din pala siyang babae maliban sa akin.  Best friend na nga may long lost pa, iba rin

“Kyza usap muna tayo” bulong ni Neil at hinatak ako papalabas.

“Okay lang” sambit ko sakanya pagkalabas namin sa gate nila kahit hindi pa siya nag e-explain.

“P-pero wala pa akong si-” napa iling ako at tinakpan ang bunganga nito.

“Wala ka ng kailangang sabihin, mukhang bago lang siya sa lugar natin, kailangan niya ng mag ga-guide sakanya, and you as her long lost friend you need to help her, don't worry I can handle my self” saka ako ngumiti sakanya. Nagulat naman ako ng bigla ako nitong yakapin.

“Thank you for understanding Kyza, promise babawi ako sayo, napaka swerte ko at naging kaibigan kita” napa pikit nalang ako at tinapik ang likod nito saka siya marahang tinulak papalayo.

“Sige na, baka nag hihintay yung bisita mo, aalis na rin ako” ngumiti naman ito saka ako tinanguan.

“Ihahatid na kita” sambit pa nito sa akin pero tumangi ako ng hatakin niya ako sa kotse nila.

An Unexpected Love Story (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon