Napakurap ako ng dalawang beses ng bumungad sa aking harapan ang isang bouquet ng rosas at chocolate, may kasama pang stuff toy.
"Good morning Ms. Kyza, can I ask you a favor?" natigilan ako sa malalim na boses nito at mas na starstruck ako ng alisin nito ang hawak na bouquet na nakaharang sa napaka gwapo nitong mukha. Oo cute si Neil pero ibang iba naman ang charisma ng isang ito, para siyang mestizo. Pero anong favor naman? Kung makipag date sakanya sure why not. Mukha rin naman siyang mabait na gentleman siyempre charot.
"Oo naman ano ba yun?" tanong ko dito dahilan upang mapangiti siya.
"Boyfriend mo ba yung lagi mong kasama?" tanong nito dahilan upang ako'y matigilan.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko dito at halos matawa na dahil sa tanong niya, nagulat naman ako ng bigla itong lumuhod at tila naiiyak. Napaluhod din ako at hinawakan ang magkabila nitong balikat, bakit ang oa niya?
"I-ibig sabihin jowa yun ni Alloutte t-tapos pinagtataksilan mo siya?" tanong pa nito kahit hindi kami close ay agad ko itong binatukan.
"Baliw ka ba akin yun eh bakit ko hahayaan na kunin siya ni Alou saka hindi ganung klase ng lalaki type ni Alou" galit na sagot ko sakanya yung tipong kulang nalang ay may lumabas na apoy sa bunganga ko at usok naman sa magkabilang butas ng aking ilong dahil sa sobrang inis.
"Kung balak mo lang sirain araw ko pwes sirang sira na at saka sino ka ba gusto mo bang mabigwasan ng wala sa oras!" galit sambit ko at tumayo ng maayos habang siya naman ay hinihimas ang ulo niyang binatukan ko.
"Ibig sabihin walang jowa si Alloutte?" masayang tanong niya hindi alintana ang sakit at nag niningning ang mga matang tanong pa nito sa akin. Napa kunot naman ako ng noo at nag cross arms saka ito tinignan ng napaka seryoso.
"Bakit may gusto ka ba sakanya?" tanong ko dito tumango naman siya na parang aso sa sobrang tuwa. Napatitig naman ako sa hawak niyang bouquet at sakanya. Napa pikit ako at umiwas ng tingin dahil naiinis ako sa pagmumukha niya.
"Pwede bang tumayo ka! Nanggigigil ako sayo" sambit ko dito na agad naman niyang sinunod.
Pero sa totoo lang kinikilig ako, aba ang haba ng buhok ng bruhang iyon may nagkakagusto nanaman sakanya. Napamulat naman ako ng mata at napatingin doon sa lalaki ng sundutin nito ang aking balikat.
"Anong pangalan mo?" tanong ko dito at tumingin ng diretso sakanya, kita ko naman ang pagseryoso niya.
"Cylfer, Cylfer Avilo" at iniabot ang bouquet sa akin.
"Saang department ka hindi kita nakikita ah" sambit ko pa at tinanggap ang bouquet.
"Doon kami sa kabilang building kaya hindi niyo talaga ako nakikita pero kayo lagi kong nakikita hehe" sagot naman nito at ngumiti. Tumango nalang ako aba't hindi sinagot ang tanong ko ng maayos. Pero nakakatakot naman, nakikita niya kami tapos kami hindi namin siya nakikita.
"So yung favor na sinasabi mo, gusto mong ibigay ko ito kay Alou? Paano ba yan ayoko, mukha kang creepy na stalker nakakatakot ka beh" tanong ko dito at tinignan ang bouquet ang sosyalen eh bakit ba?! Napatingin naman ako sakanya ng alanganin itong tumango at napakapit sa sarili niyang batok. Aba't ngayon pa nahiya.
"Oo sana, sorry pala sa inasta ko kanina. At saka kasi kapag lumalapit ako kay Alouette hindi ako makagalaw kinakabahan ako, first time ko kasing mag approach ng babae eh hehe" saka ito bahagyang lumuhod napa ngiti naman ako at tumango kahit hindi niya nakikita.
"Okay lang don't worry makakarating ito kay Alou-oh?" natigilan naman ako ng biglang tumakbo papalayo si Cylfer napakunot naman ako ng noo at napalingon sa aking likuran ng makita si Alou. Kitang kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo at ganon na lamang ang kaba ko ng makita si Neil na kasabay nito. Yung ngiti sa labi ko kanina biglang nawala. Napatakbo naman ako papalapit sakanila at tumingin agad kay Neil na wala ring emosyong nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
An Unexpected Love Story (Crush Series #1)
RandomSa muli naming pagkikita Sinong mag aakalang muli akong mahuhulog sakanya? Ano ba talagang gustong gawin sa akin ni tadhana? Ang kalimutan ka o ipaglalaban ka hanggang sa kahuli-hulian kong paghinga?