Simula nung ganap na iyon palagi na kaming magkasama, kaya pati si Alloutte nagseselos na kay Neil kaya nga ngayon kami ang magkasamang uuwi since may gagawin pa daw si Neil.

“Kulang nalang palitan na ni Neil yung role ko, siya nalang magiging bespren mo, nangangamoy friend zone ah hoho” ngising asong sambit niya sa akin. Elep bagong bespren.

“Osuss inggit ka lang eh” saka ko siya dinamba ng mahina sa kanyang balikat habang tumatawa.

“Eh di ikaw na kasi” saka siya ngumuso.

“Sign yan kailangan mo ng makipag close sa crush mo, ay wait baka natatakot kang ma friend zo-aray!” napa singhal ako ng batukan ako nito kasunod nun ang malakas kong pag tawa ang cute cute talagang magalit

.

“Oo pala, yung costume mo ha, bukas na yung ano okay na ba?” tanong ni Alloutte pagkarating namin sa bahay.

“Oo okay na, ako pa” saka ko siya nginitian.

“Sige bukas ulit” sambit niya pa at kumaway saka umalis.

Napa buntong hininga nalang ako at pumasok sa bahay. May magaganap kasi na competition sa school bukas. Pagandahan daw ng classroom, pero ang hindi ko maintindihan, bakit kailangang naka costume ako bukas? Alam kong bilang muse eh representative kami para sa class pero buong room students discipline yun kaya bakit? 

Bubuksan ko na sana ang gate ng may marinig akong boses na tumatawag sa aking pangalan.

“Kyza hija, pwede ba kitang hiramin saglit?” tanong ni Tita– ang nanay ni Neil, nagtataka man ay lumapit ako dito at tinulungan siya sa mga hawak na mga plastic.

“Sige po” saka ko ito nginitian, siyempre hindi na ako tatanggi kasi matagal na akong na cu-curious kung anong itsura ng bahay nila. Kita ko naman ang pag ngiti ni Tita at saka nito binuksan ang gate. Bumungad kaagad sa akin ang malawak nilang bakuran at may basketball ring sa gilid. Parang bigla akong nahiyang humakbang pa dahil sa sobrang linis at ganda mula sa mga makukulay na mga bulaklak sa tila mini garden nila. Napatingin naman ako sa tatlong palapag na bahay niya, grabe mas malaki pala ito sa malapitan.

“Pasok ka hija” saka ako nito inalalayang pumasok, kinuha niya ang mga hawak ko na plastic at pumasok.

“Wow” naibulong ko sa sarili habang tinitignan ang buong bahay. Agad na bumulaga sa akin ang family picture nila na naka dikit sa dingding ng kanilang sala, ang mga naglalakihang mga sofa, ang malaking flatscreen tv, makikita mo rin sa bandang gilid ang isang hagdan papunta sa susunod na palapag. Kita ko naman ang paglabas ni Tita sa kusina at inaya ako.

“Halika tulungan mo akong magluto, dito ka na rin mag hapunan” napa kurap ako. H-hapunan!? Napatayo kaagad ako at akmang lalabas sa bahay ng magsalita si Tita at hinatak ang aking braso papasok sa kusina.

“Wag kang mag alala alam nila sa inyo na nandito ka, pinagpaalam na kita” ngunit hindi nabawasan ang aking kaba dahil sa sinabi niya, mas lalo akong kinabahan, paano niya nakumbinsi ang mga magulang ko na dito ako kakain, malamang ay malulungkot si mama dahil wala ako upang tikman ang kanyang luto.

“P-pero tita” napa upo naman ako ng ituro nito ang upuan at itinusok ang kutsilyo sa chopping board na nasa aking harapan.

“Pakibalatan naman ako nitong carrots at patatas, huhugasan ko lang itong manok at ihahanda ko na rin yung iba, hay mag sasaing pa nga pala ako” tuloy tuloy na sambit nito saka ako tinalikuran. Dahil sa kaba ay tahimik akong nagbalat ng mga gulay.

.

Napalunok ako habang pinapanuod si Tita na mag luto, maliban sa napaka bango ay napakasarap tingnan ng niluluto niyang adobo, lalo pa't paborito ko ito.

An Unexpected Love Story (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon