Ramdam ko ang pagbigat ng aking mga talukap habang naglalakad ako sa hallway ng school namin kasunod nun ang mahina kong paghikab at marahang kinusot ang mga talukap.

“Kyzaaaaaa” napa hinga nalang ako ng malalim at tumingin sa aking likuran at bumungad sa akin ang napaka bruha kong kaibigan, ang aga aga boses agad niya ang maririnig ko.

“Ano nanaman ba yun?” mahinang tanong ko sakanya dahilan upang mawala ang ngiti nito sa labi at mahina akong hinampas.

“Mahirap bang mag sabi ng good morning?” sarkastikong tanong niya ngunit napakunot ito ng noo ng makita ang itsura kong inaantok.

“Okay ka lang ba? Bakit parang wala kang tulog?” biglang tanong nito sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.

Pagpasok naman namin sa classroom ay siya rin pagpasok ng prof namin at nagsimula ng magturo.

.

Lunch break na namin at ito ako nakatulala parin habang tinutusok tusok ang pagkaing binili ni Alou para sa akin. Agad naman akong napa singhal bigla ako nitong kurutin kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

“Ano bang problema mo?” sabay na tanong namin sa isa't isa. Napa irap naman siya at sumandal sa kanyang inuupuan.

“Meron kang hindi sinasabi sa akin” sambit pa nito saka nag cross arm.

Napa buntong hininga nalang ako at tumingin sakanya.

“Kahapon kasi” sambit ko rito at kinuwento ang nangyari kahapon.

“Aray!” reklamo ko ng bigla ako nitong hampasin, kitang kita ko ang pag ngisi nito kaya napa kunot naman ako ng noo, may sayad na ata talaga ito.

“Tapos, anong nangyari?” tanong ulit nito at ipinatong pa ang magkabilang braso sa mesa saka niya isinandal ang ulo sa dalawang palad niya habang nakatingin sa akin.

“Yung nangyari?” bulong ko at yumuko

Flashback

I was caught off guard when he kissed me. Feeling weak I was the one who broke the kiss and moved my face away. I slowly covered my mouth while looking at Neil who's peacefully sleeping in the cold road. Agad ko siyang hinampas sa balikat dahil sa inis. Ramdam na ramdam ko ang muling pag init ng aking pisngi mas mainit ngayon kaysa kanina.

Nanggigigil ako sayo Neil, bahala ka dyan umuwi ka mag isa mo” galit na sambit ko rito at tatayo na sana mula sa pagkakaupo ng biglang bumangon si Neil at hinawakan ang magkabila kong braso.

“Woah dude calm down” gulat na sabi ko habang marahan siyang tinutulak palayo sa akin.

Kyza I want to tell you something” biglang bulong nito sa akin at tumingin ng diretso sa aking mga mata, kitang kita ko roon na nababalot ito ng lungkot at parang isang maling galaw ko lang ay paniguradong iiyak siya. Nagulat ako ng bigla nitong haplusin ang aking pisngi at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Agad naman akong kinabahan, hahalikan nanaman ba niya ako? Nakatitig lang ako sakanya at nakikiramdam sa susunod na kanyang gagawin.

An Unexpected Love Story (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon