PART EIGHT: Honeymoon

107 6 0
                                    


Honeymoon

Natapos ang reception. Magkasabay kami ni Dave papunta sa kwartong tutulugan namin.

Honeymoon daw e  sabi ni nanay ang honeymoon daw magtatabi lang sa kwarto. Wala din naman akong alam sa ganito. Ang alam ko pag kinasal ka ayon na 'yon.

"Goodluck," nakangising sabi ng lolo ni Dave saka tinapik siya sa likod. Anong ngisi yon? Grabe naman may asim pa yata ang lolo niya sa paraan nito ng pagngisi.

Pagkatapos magshower ay isinuot ko yung bigay ng mommy niyang manipis na damit para siyang transparent a basta malamig sa balat. Nighties ata to yun yung sabi e.

Needed ba talaga magganto? Parang isinusuko ko naman ang kaluluwa ko kay Dave!

Pagkalabas ko ay naagaw ko ang pansin ni Dave na naninigarilyo sa may bintana. Tamo di lang lasinggero ang isang 'to. Lahat na yata ng bisyo nasa kanya na e.

Tinapon niya ang upos ng sigarilyo at saka sinarado ang bintana. Wala siyang pang itaas na damit kaya naiilang ako.

Dave is just 18 years old while I'm 17. Is this even legal? Tama ba ito? O baka naman sinabi niya sa lolo niyang 18 na ako?!

"Ilang taon ako sa kwento mo sa lolo mo?" Tanong ko sa kanya. Natigilan ito.

"18," nanlaki ang aking mata. So Tama nga ako?! Kaya sila pumayag dahil akala nila nasa legal age na ako?!

Gusto ko pa sana magreklamo pero hindi na ako nag abala pa.

Nahiga na ako sa kama ng makaramdam ng antok. Pinikit ko ang mata ko ng maramdaman ang paggalaw ng kama senyales na humiga na si Dave.

Okay nagtabi na so eto na yung honeymoon?e bakit naggudlak pa yung lolo niya?ahy siraulo.

Nakatalikod ako sa kanya kaya di ko makita kung anong ginagawa niya. Dahan dahan akong humarap sa kanya para lang magulat na nakaharap din pala siya saakin.

Sobrang lapit. Kinakabahan ako. Anggwapo niya pala sa malapitan. He is my husband. Tumatama ang hininga niya sa aking ilong habang ang kanyang mata ay diretsang nakatunghay sa akin.

Napatingin ako sa labi niya at muling naalala ang halik kanina! Napalunok nalang ako.

Mas lalo siyang lumapit saakin kaya naestatwa lang ako habang nakatitig sa kanya. Naamoy ko na ang hininga niyang nangangamoy sigarilyo.

Pumikit nalang ako ng magdikit ang sungki ng ilong namin at naramdaman ko ang kamay niyang yumakap sa bewang ko.

Malambot, mabagal, mahinahon,may respeto at magaan ang halik na iginawad ni Dave saakin.

Hindi ko alam kung paano tumugon. Nagugulahan ako sa mga nangyayari.

May kung anong init sa Loob ko ang gustong kumawala. Hindi ako makatugon kasi hindi ko alam.

Sinubukan kong sabayan ang halik niya na mas lumalim. Mas naging mapusok. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at parang nawawala sa katinuan.

Parang hipnotismong dumadaloy sa sistema ko ang halik ni Dave. Naramdaman ko ang dahan dahan niyang paglayo at pagbitiw sa labi ko.

Napahilamos siya sa kanyang mukha at napasabunot sa kanyang buhok.

"Fuck!no! This is wrong!" Aniya na umalis sa pagkakahiga at saka kinuha ang damit at lumabas.

Naiwan akong natutulala. Siya tong nanghahalik e tas natakot sa halik ko.

Unfair. Ano bang nakakatakot sa kiss ko? Naturn off yata siya sa paraan ko ng paghalik.

Hinawakan ko ang aking labi at hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti mula roon. May mga paruparu sa tiyan ko na tila nagliliparan at may kiliting hatid sa akin.

Ilang beses kong kinagat ang aking pang ibabang labi. Ang lambot ng labi niya at kahit naninigarilyo siya ay matamis pa rin.

Napatakip nalang ako ng unan sa aking mukha at nagpapadyak. Nay sorry!

Naiiyak ako sa kaba, guilt tsaka saya. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng pag aasawa.

Dahil sa naganap parang nalimutan ko na na minsan ay nasaktan ako.

My Husband is a Badass Guy ✓Where stories live. Discover now