PART THIRTY: Warning

97 8 0
                                    


Warning

Walang samaan ng loob ang naganap sa pagitan namin ni Derick at alam kong gaya niya, ayaw niya ring masira ang friendship namin.

"What took you so long?" Bungad na tanong saakin ni Dave pagkapasok ko palang sa bahay.

Nakasuot ito ng apron.

"Sorry," yumuko ako para di niya makita ang namumugtong mga mata ko. Ayokong usisain niya ako kung anong nangyari dahil ayokong... Ayokong magselos siya.

Char!

"Anyare sa mata mo?did you cried again?" Usisa niya at hinila ako papasok. Inilock niya ang gate at pinto ng mabuti.


Tinulak niya ako sa sofa at humalukipkip sa harap ko.

"Now tell me what really happened?" Nakakunot noo siya habang tinatanong yun.

"Uhm ano kasi.. ano.." kinukurot ko pa ang daliri ko habang nakatingin sa kanya.

"What?"nauubusan ang pasensyang sabi niya. Grabe siya makatingin parang anytime ay sasakalin na niya ako.

"Si Derick kas," nanlaki ang mga butas ng ilong niya. Ayon palang ang nasasabi ko ay nagpupuyos na siya sa galit.

"Andun si Derick?!" Malakas na sigaw niya saakin kaya napatango ako.

"Siya yung may birthday," nakayukong sambit ko.

"I thought it's just a friend?" Yumuko ako muling.

"O-oo nga, friend naman kami ni Derick a," usal ko. Rinig ko ang mahina niyang mura.

"Then why the hell you didnt tell me?!" Asik niya.

"Kasi di mo ko papayagan," sagot ko. Mabilis kaya sumagap ang radar ko!

"Ang hirap talaga pagmatalino e no?!"asar na asar talaga siya. Hehe oo ako pa. Tsaka alam ko naman ugali mong hinayupak ka.

"Anong nangyare kay Derick?" Balik niya sa topic kanina. Dapat nagalit ka nalang bat mo pa tinanong?!

"Gusto akong l-ligawan," pagamin ko.

"What?!!!e anong sinabi mo?!"umuusok talaga pati tenga niya. Namumula ang buo niyang mukha at kuyom na kuyom ang kamao.

Wag po, don't jumbag me dadsi (╥﹏╥)

"Sabi ko hindi na pwede," nakayuko pa din ako. Kinagat ko na ang pang ibabang labi ko.

"Pero paano pag p'wede pa, papayag ka ba?" Hindi ako nagsalita sa tanong niya.

Napasinghal ito sa kawalan.

"I knew it. Gusto mo din siya," binigyan niya ako nang nanlilisik na tingin.

Gusto kong depensahan sarili ko pero natatakot akong sumagot dahil baka may masabi muli siyang di kaaya aya sa pandinig.

"From now on I want you to stay away from that fucking Derick!" Sigaw niya. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya.

"Dave wala namang ganyanan. Kaibigan ko si Derick e," mangiyak ngiyak na sagot ko.

"Ayst!bat kasi hindi ko mapatalsik yang putanginang Yan!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Pinapatalsik mo siya?" Tanong ko.

"Oo!pero nalaman kong may share ang pamilya niya sa school!"galit na galit talaga siya.

"Wag ka nang lalapit don understand?!" Tumayo na ako sa inis.

"Ano bang problema mo kay Derick?" Inis na tanong ko.

"Marami," pabalang na sagot niya.

"And I want you to stay away from him!did you get it?!" Hindi ako nagpatinag sa sigaw niya.

"Bigyan mo muna ako ng sapat na dahilan para layuan ko yung kaibigan ko," may diin kong wika habang nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya.


"Bago pa kita nakilala napasok na niya ang buhay ko. Wala sa usapan natin na pati mga kaibigan ko layuan ko para lang mapasaya ka," sagot ko saka siya nilagpasan.

"At isa pa pala," tumigil ako pero nananatiling nakatalikod. "Hindi nga kita pinagbabawalan kitain yang Sofie na di hamak na karelasyon mo," mapait na wuka ko.

"Fuck!it is hard to understand that I'm jealous?!!your too numb!" Asik niya. Natigilan ako.

"Kapag nakita ko pa kayong magkasama hindi ako magdadalawang isip bugbugin siya. Take this as a note Xai Montemayor, what's mine is only mine and no one can get my fucking territory. Inform your fucking suitors that I dont share," may diin at gigil niyang banta.

Naunang na siyang naglakad saakin papasok sa kwarto niya.

Wow! As in wow! Ako dapat ang mag wawalk out bat niya ako inunahan?!

Punyeta?ako pa talaga?ang sarap mong murahin gago ka.

My Husband is a Badass Guy ✓Where stories live. Discover now