PART TWENTY SEVEN: Wedding Monthsary

100 7 0
                                    


Wedding monthsary

"Xai!" Napalingon ako kay Derick. May bahid na pagkalungkot sa mga mata niya.

"Oy bat ganyan mukha mo?" Kunwareng puna ko.

"Bat di ka pumunta kahapon?" Malungkot talaga siya kaya nakonsensya ako.

"Ah kasi nilalagnat si nanay kaya di ako nakalabas walang magaalaga sa kanya e," pilit ang ngiting sambit ko. Ngumiti din siya saakin. Palusot ko lamang iyon kahit ang totoo ay nalimutan ko talaga.


"Pwede ba kitang ayain sa birthday ko bukas?" Napaisip pa ako pero nung makita ang pagsusumamo ay agad akong tumango.

"Oo naman pambawi ko na rin," sagot ko. Tatalon talon pa siya sa tuwa bago nagpaalam.

"Am I late?" Nakaalis na si Derick ng dumating si Dave.

"No kalalabas ko lang," pormal na sagot ko.

"Good let's go. Let me hold your bag," aniya hindi pa man ako nakakasagot ay nahablot na niya ang bag ko. Demonyo ang kingina.

"Hoy aminna na yan baka may makakita nanaman," puna ko at lumingon lingon sa paligid.

"Tsk nakita nga nilang hinalikan kita, pake ba nila?" Napairap nalang ako sa kanyang likod. Lakas mo din mag bring up no?

"Ang bagal mong maglakad," asik niya at hinawakan ang kamay ko. Ang isang kamay niya ay hawak ang bag ko ang isa naman ay hawak ang kamay ko.

Nangangatal ang kamay kong humawak sa kamay niya pabalik. Mabibingi na yata ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko!

"Chin up," bulong niya ng mapansing napapayuko ako sa tinginan ng mga estudyante. May mga nagbubulungan at pasimpleng umiirap.

Jusmiyo marimar. Akala ko ba confidential e bakit mukhang siya ang magbubuking samin ngayon?

"San tayo pupunta?" Tanong ko ng makalabas kami sa gate at makapasok sa kotse.

"Secret," matipid na tugon niya.

Habang nasa biyahe ay binuksan niya ang radyo at sakto namang tumutugtog yung kanta ni Khalil Ramos na 'kung ako nalang sana' napaiwas ako ng tingin ng marinig ang masakit na liriko ng kanta.

Nawala ang tugtog kaya't nilingon ko si Dave at binigyan ng nagtatakang tingin.

"Ang pangit ng kanta,"sagot niya na ang paningin ay nasa daanan.

Hindi pamilyar Ang daan pero pansin kong papunta eto sa isang parke na nasa tabi ng dagat.

Itinigil niya ang kotse. Palubog na ang araw kaya magandang pagmasdan.

Sunset!

"Sit here," turo niya sa harap ng kotse niya  na siya namang ginawa ko.

Nakita ko siyang bumalik sa kotse at paglabas ay may dala ng mga pagkain. Inilapag niya lahat sa harap ko at sumampa sa kotse.

Tig-isa kami ng earphone sa magkabilang tenga at iisang selpon lang ang gamit niya. Kumakain habang nakatingin sa papalubog na araw. Kapwa nakasandal sa kotse.

Naggagalawan naman ang mga alaga ko sa tiyan. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam ko.

Masaya? Kinikilig? Umaasa o nagtatanong kung ngayon lang ba to?

Sayang naman ang libre kung di maulit.

"Para saan to?" Basag ko sa katahimikang bumabalot saamin. Humarap siya saakin.

"You forgot something," aniya bahagyang ngumuso.

"Talikod ka," utos niya at tumalikod naman ako.

Nagsitayuan ang nalahibo ko ng maramdaman ang kamay niya sa leeg ko.

Isang kwintas na may palaso ang design ng pendant.

"Its our 8th wedding monthsary yesterday," natigilan ako. Wedding monthsary?! Bakit hindi ko naalala?!

"Happy monthsarry," aniya. At mas lalo akong natigilan ng halikan niya ang noo ko.

"It's my pleasure to spend my life with you," aniya habang diretsong nakatitig sa mata ko.

Dugdug.

Dugdug.

Puso ko yan!

Fuck am I dreaming?

My Husband is a Badass Guy ✓Where stories live. Discover now