PART SIXTEEN: Pain

108 6 0
                                    


Pain

H

alos isang buwan na ang tumagal at ganun lagi ang set up. Isasabay ako sa pagpasok isasabay din paguwi. Minsan paghumirit ng tabi tinatabihan ko siya pero may limitasyon. I know Dave respect me.

"Uy sis una na ako a!" Paalam ni Jen saakin. Wala akong Dave na naaninag sa buong campus maghapon.

Tinawagan ko din siya pero di sumasagot. Magkasabay kaming pumasok kanina pero nung itanong ko sa mga tropa niya e hindi daw siya umattend sa klase.

"Xai hindi ka pa ba uuwi?" Si Derick. Tinignan ko naman ang oras sa aking relo. Nakangiti ko siyang hinarap.

"Hindi, may inaantay pa ako e," wika ko.

Ayoko kasing magalit siya kapag hindi ko siya inaantay. Baka masigawan nanaman ako ng bastos na iyon ang sakit pa man din niya sa tenga.

"Oh sige, pagabi na rin oh. Pag di mo na maantay text mo ako o sakay kang jeep wag kang magtataxi ha?" Aniya at tinapik ang ulo ko.

Nakangiti naman akong kumaway.

"Mauna na kami ma'am!" Paalam nung dalawang security. Paunti unti na lang din ang dumadaan. Panay lamang ako buntong hininga. Dadating ka pa kaya?

Its almost 6 in the evening when I decided to go home. Nagjeep nalang ako. Hindi ko na inabala pa si Derick dahil hindi niya pa din naman alam na nakatira na ako kay Dave.

Bukas ang gate at nandoon din ang kotse ni Dave. Medyo madilim sa bahay panigurado naka dim yung lights. Ano kayang nangyare sa demonyong to at di pumasok?tss.

Baka lasing nanaman ang hampas lupang bitch na ito. Minsanan na lang siyang mag inom at baka namiss niya ang lasa ni San Miguel.

Napailing nalang ako saka tumuloy. Naging maingat ang pagpasok ko. Hindi nakalock ang pinto. Inihanda ko na rin ang sasabihin kong sermon dahil pinagantay niya ako! First time kaya nangyari yon. Pagbukas ko ng pinto at pagsindi ng ilaw hindi ko akalaing masosorpresa ako sa makikita ko.

Para akong nawala sa realidad. Naramdaman ko ang pagkawala ng emosyon sa mukha ko. Looking at the two people killing me slowly. Nabitawan ko rin ang dala kong bag ngunit hindi man lang natinag ang mga ito.

Halos boxer nalang ang suot ni Dave while the girl ay bra at panty nalang ang natitira and they kissing wildly.

Hindi pa nila ramdam ang presensya ko at kahit nabuksan ko na ang ilaw alam kong nadala sila ng sensasyon ng sandali.

Tila pinipitpit ang munti at inosente kong puso sa nasasaksihan.

May karapatan ba akong magalit?o magselos?bakit ganito yung pakiramdam parang pinipiraso yung puso ko na hindi maintindihan.

Asawa lang naman ako sa papel pero hindi ako yung mahal. May karapatan naman siguro akong masaktan kahit konti diba?

May karapatan nga ba?

Pero bakit parang ilang bala ang tumama sa dibdib ko. Nakita ako ng babae at tinapik niya si Dave dahilan para mabalik siya sa katinuan.

"Who's that?" Rinig ko pang tanong nung babae at tinuro ako pero dire-diretso lang ako sa pagtalikod at paglalakad palayo.


Rinig ko ang nagmamadaling yabag na tila nagpapalit. Tila nagmistulan akong bingi.

"Damn! Xai! Wait!" Rinig ko pang sigaw ni Dave pero dali dali akong pumara ng tricycle at saka sumakay. Hindi ko alam kung saan ang destinasyon ko basta ang alam ko lang.

Nasasaktan ako.

My Husband is a Badass Guy ✓Where stories live. Discover now