PART TWENTY THREE: I'm sorry

103 7 0
                                    


I'm sorry

"Hoy mga lukaret asawa ni fafa Dave hinahanap niya," sinisinok na ani Jen ng mabuksan ang pinto. Nakapikit lang ako dahil umiikot ang mundo sa hilo.


"Darling I'm here,"malandi at tatawa tawang tugon ni Andi. Nakarinig ako ng yabag palapit saakin at naramdaman ang taong nasa harap ko.

"Xai open your eyes," dahan dahan kong minulat ang mata ko at tumambad sa harap ko si Dave na bagamat nahihilo ay memoryado ko ang mukha niya.

Nagugulat naman ang itsura ng mga kasama ko. Hindi nila inaasahang pupunta rito si Dave at maghahanap ng asawa.

"Sino ka?"inosenteng tanong ko.

"Come on let's go home," aya niya.

"Ayokong umuwi!andun yung masakit na bagay,"mangiyak ngiyak na sagot ko. Nabasa ko naman sa mukha niya ang sakit at pagsisisi.

Dave's pov

Pagkagaling sa hospital ay dumaan muna ako sa tindahan ng mga bulaklak para ibili si Xai.

Today is our 8th wedding monthsarry.

Dumiretso muna ako sa bahay para iset ang dinner date at magorder ng foods saka tumungo sa unibersidad.

"Lumabas na ba yung misis ko?" Tanong ko sa dalawang guards. Alam nila na asawa ko si Xai pero hindi alam ni Xai na alam ng mga guards.

Ang alam lang ni Xai ang alam ng mga guards ay magkasabay lamang kami parati.

"Kanina pa ser," sagot naman ng isa.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

"Then where the hell is she?" Nagsimulang maginit ang ulo ko. Sabing bantayan nila e. Hindi nila ginagawa ang trabaho nila.

"Kasama niya po yung mga kaibigan niya kanina," nakayukong tugon naman ng isa.

"Sinong kaibigan?" Naiinis ako sa isiping si Derick yun. Wag lang talaga siyang magkakamaling idampi ang kamay at daliri niya sa asawa ko binirahin ko buto non.

"Jen Garcia ho," sabi nung guard. Tumango at nagmamadali nang umalis.

Pinuntahan ko ang mall na maari nilang puntahan pero naisip ko namang di mahilig sa gastos si Xai. Ganun siya kasimple.

Napangiti naman ako dahil doon. Sa walong buwan na naming mag asawa ni minsan hindi siya humiling sa aking ng bagay. Masaya na siya sa pangungulit ko.

"Apartment po siya nakatira," sagot nung pinsan ni Jen ng pinuntahan ko ang bahay nila.

Apartment? Dali dali kong pinaharurot ang kotse papunta sa address na sinabi nung babae.

Pagbaba ko ng kotse narinig ko ang malakas na soundtrip galing sa apartment. Shit!

Kinakabahan ako sa maaring mangyari at maaari niyang kasama.

"Where's my wife?" Asik ko kay Jen na halata na sa mukha ang pagkalasing.

"Hoy mga lukaret asawa ni fafa dave hinahanap niya," baling niya sa mga kasamahan niya. Napako ang tingin ko kay xai na nakapikit.

"Darling I'm here," inis na nilagpasan ko lang yung babaeng nagsalita. Naglakad ako palapit kay Xai at lumuhod sa harap niya para magkapantay kami.

"Xai open your eyes," mahinahong sabi ko sa kanya. Nakita kong idinilat niya ang ngayoy mapupungay nang mga mata dahil sa pagkalasing.

Gusto ko siyang haplusin at yakapin perp nililimitahan ko ang sarili ko dahil may ibang mga kasama.

"Sino ka?"inosenteng tanong niya.

"Come on let's go home," aya ko naman.

"Ayokong umuwi!andun yung masakit na bagay,"mangiyak ngiyak na sagot niya na nagpatigil saakin.

Nakita ko ang paglandas ng luha sa mga mata niya. Tangina hanggang ngayon pa din pala nasasaktan siya?ano ba ang dapat kong gawin?

Napaka gago ko para saktan ang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ako. Walang ibang ginawa kundi maging mabuting asawa sa kabila ng hindi niyang kahandaan.

I'm sorry, Xai... I'm so sorry...

My Husband is a Badass Guy ✓Where stories live. Discover now