Mortem - 03

23 1 0
                                    

Niel's POV

Dr. Niel Aelo Velasquez
(Orthopedic Surgeon)


Few hours ago.

"Sure ka Niel?Ikaw na a-attend for Nurse Selena?Ortho ka boi." anas sa'kin ni Naze.Inakbayan ko pa siya sabay gulo ng buhok niyang palaging niyang inayos.Malay ko ba kung sinong pinopormahan ng lintik na ito.

"Hindi tayo pwedeng mamili ng pasyente lalo na at ako lang ang available.I need to assist them kahit na anong sakop ko.Pare-parehas lang tayo ng inaral nung college, sa specialties lang tayo nagkaiba-iba." giit ko.

Pagkapasok na pagkapasok namin ni Naze sa loob ng office namin ay agad nila akong sinalubong habang naghahanda sila sa mga sched nila.

"Niel, you should wear mask para sure." bungad sa'kin ni Arch.Tinawanan ko na lang ito while I'm getting my stethoscope.

"Di na kailangan pre.Nahihilo lang ang pasyente." giit ko ulit.

"Yeah.Huwag nga kayong nega diyan.Busngalan kita diyan eh!" Quirrah shouted from where she is.Actually, she is my safe zone.Sa aming 16, sa kanya lang ako komportable na magsabi ng problema bago makarating sa lahat.

Magkaiba naman yung ayaw kong sabihin, sa nahihiya diba?And if I tell something to Quirrah, expected ko ng makakarating yun sa lahat.

Comforter daw siya.

Then I tell her, "Kumot?Di po ako lamigin."

"Palibhasa kasi Quirrah nililibre ka ni Niel palagi ng coke noong G10." gatong ni Callie.

Memories bring back, ika nga.

Hindi naman sa palagi, I just want to address her hardwork and leadership.She's our Top 1 and palagi niya akong tinulungan academics when I need her.Like, proceedure ng problem and solving, kung anong mga gagawin sa activies and etc.

"Hindi naman palagi tsaka hindi kasi mabubuhay ang isang yan ng walang coke." depensa ko na may halong pang-aasar pa.I remember everytime na lunch sa branch campus namin, palagi kaming magkaiba ng way, siya eh suking-suki ng mini stall ng chaopan sa may bandang gitnang bahagi ng building namin habang ako naman eh sa canteen, sa may kaliwang bahagi kaya naidadamay ko pa siya ng coke.

Putragis na yan.

"Hoy!Hindi lang ako!Yang si Llyse oh!Palagi akong niyayaya." Quirrah defense herself.At yan na nga, humaba ang usapan dahil sa coke na yan.

"Uy!Ikaw kaya ang nagyayaya diyan.Hindi kaya kompleto lunch mo ng walang coke." Llyse said.

At napagtulungan na nga.

I check my phone and found out that I already receive text messages from our superior.Kailangan na daw ako sa room.

"Magpapaalam na'ko.Nagtext na mga superior natin.See you later na lang." I said at nagmadali ng nag-ayos.They even waved their hands before I go outside and walks in the hallway.

Napakarami naming pasyente today at sa tingin ko, mga next month pa kami luluwag-luwag since tapos na nga ang lockdown.

Maraming tao ang may medical needs at hindi sila makapag-inquire since mga virus positive patients ang karamihan dito.Ang tinatanggap lang naming pasyente kung hindi infected is yung mag emergency need like, panganganak, accidents and marami pang iba.

"Doc Velasquez!Good afternoon po." bati nila sa'kin pagpasok ko.Napunta ang tingin  ko sa nakaratay na nurse.She's sleeping in peace.

"Okay naman ang vital signs niya?" I asked.Tumango ang dalawa kong kasama kaya lagay na ang loob ko.

Cure : Mortem - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon