Mortem - 25

17 1 0
                                    

Quirra's POV

Dra. Quirrah Serri Panaligan
(General Surgeon)
Survivor # 01909746

"Mauna na ko,babalik ako mamaya.Hinihintay na nila ako."

Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang itong tumakbo at umalis sa harapan namin.Mabilis siyang nawala sa paningin namin na ikinabigla ko din.

"What the hell is that?"

"Bakit bigla akong kinilabutan?"

"Sinong naghihintay?I mean bakit?"

Ilan lang yan sa mga tanong namin.Napasalampak na lang kami sa living room at nabalot ulit kami ng katahimikan.

I feel like she's hiding something at parang gusto ko na lang i-fast forward yung oras at hinatayin siyang bumalik para sa iba pang mga kasagutang gusto naming malaman.

"Tang-ina napakadami ko pang tanong." reklamo ni Ayna.We don't any choice kundi idaan na lang sa kain ang lahat.Buti na lang at umorder si Yoseff kanina para naman may pagkalibangan kami habang naghihintay.

Two hours...

Three hours...

Eight hours had passed...

Ni halos makatulog na ako mula sa pagkakaupo namin dito sa salas, wala pa ring dumadating na Llyse.Malalim na ang gabi subalit walang natitinag sa'min para umakyat sa sari-sariling kwarto para matulog.Lahat kami'y naghihintay sa kanyang pagbabalik, naka-ilang order na din kami sa grab and we take turns ng pagbabayad pero wala pa rin.

"Hoy."

"Yan na." we all exclaimed.Nagpaunahan pa kami sa pagpihit ng doorknob ng marinig namin ang boses ni Llyse sa labas.

She really came back.

"Problema niyo?" she asked.Ngumiti kami na para bang walang nangyari.Tumabi pa kami sa daan at minustrahan siya na pumasok."Pasensya na kung natagalan." she added.

"Okay ka lang.Kumain ka na?" I asked.Tumango naman siya before she sipped my coke again, pinabayaan ko na lang kasi paborito niya din yun.

"Pwede na magtanong?" halos pandilatan namin si Yoseff, kakarating pa lang ni Llyse tapos dadalihan niya agad ng ganun eh babago pa lang kami bumu-bwelo.Atat lang beh?

"Kaya nga bumalik ako kasi madami kayong tanong."

*cough**cough*

"Oy tanong niyo daw."

"Manahimik ka Yoseff, una ka ng una diyan edi una ka magtanong." gatong pa ni Callie.Natawa na lang ako ng di oras.

"Paano ka nakaligtas?" curious na tanong ko.Hindi sa ayaw kong makaligtas siya pero nagtataka lang talaga ako kung paano.Kitang kita ng dalawang mata ko yung mga kaganapan sa rooftop, kung paano niya pinakita yung bite mark at kung paano siya atakihin dun pagkalipad na pagkalipad ng helocopter na sinasakyan namin kasama ng rescue team.

"Akala ko hindi niyo na itatanong."then she paused.Binuhay niya muna yung ilaw sa salas kasi nga nag-eemo kami kanina kaya patay yun.Tsaka sayang sa kuryente punyeta eh wala pa kaming trabaho.Next month pa daw dun sa bagong hospital kung saan kami napalagay.

Cure : Mortem - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon