Mortem - 20

11 1 0
                                    

Radz's POV

Mr. Radz Gael Gonzales
(Certified Ethical Hacker - CEH )

"Sir.Kailan po dadating yung next batch?" I asked them.Tatlong araw na akong pabalik-balik dito sa helipad for updates.I wanted to see Ellie so bad. Out of coverage yung phone niya at kahit anong gawin kong pagtawag sa kanya eh di ko magawa.

"Sir, ang kulit niyo naman. Sasabihin ko po sa inyo kapag dumating na yung girlfriend niyo.Ano nga ulit pangalan nun?"

I rolled my eyes in air pagkatapos magsalita nitong isang rescuer na katabi ko ngayon.Kaya hindi katiwala dito eh.

"Ellie Villanueva nga po.Paano po ako aalis dito eh palagi niyo pong nakakalimutan. " I commented sabay tingin ulit sa program.I search Ellie's name pero wala pa rin sa listahan ng nakaligtas.Even the whole squad.Wala pa rin miski isa.

Almost 2M na survivors na ang nasa program from different borders kasi dun na inabutan or dun mas malapit. Luckly na-contact ko na ang parents naming lahat and kasalukuyan silang napunta sa border ng Batangas-Quezon. Kasalukuyan naman kaming nasa border ng Batangas-Laguna habang iniintay pa ang iba.

Noong isang araw pa akong nag-aalala.

"Saan nga po nagta-trabaho yung girlfriend niyo?" he asked the reason why I immedietly look at him with a questionable face.

"AMH." tipid kong saad.

"Baka yun na po yung babalikan ng rescue team doon.They receive a flood calls coming from a one cellphone number.Ano nga ulit pangalan nung tumawag?Ms. Purio?Basta doktor daw." he replied dahilan kung bakit mabilis akong napaangat ng tingin.

Sila na yun.

"Are you really sure?Sila ang pupuntahan ngayon?" I happily asked.Hindi na ako mapakali pa mula sa kinatatayuan ko. I can't wait to see Ellie again.

"Yun po ang rinig ko. Kilala niyo?"

"Aba malamang.Kaibigan namin yun at kasama nun ang girlfriend ko.Sir naman, magtatanong ba ako kung hindi?" I just said.Tinawanan niya lang ako.

Minsan talaga, masarap ding manapak.Nagdidiwang na ako oh tapos babarahin lang ako ni kuyang tagabantay dito sa helipad.Jusko.

"Pare!"

I looked back when I saw Geo approaching me.

"Anong balita?" he asked.

"Papunta daw AMH yung sunod na batch ng rescue team.Sila na ang kukunin." masayang balita ko.Kita ko ang paghiyaw niya sa hangin dahil sa sinabi ko.

He's Gwyn's boyfriend.

At katulad ko, simula pa lang ng crisis eh naghihinatay na rin siyang ma-rescue yung iba pa naming mga kaibigan kasama na yung girlfriend niya.

Nakakainis lang kasi kakaunti lang ang helocopters at sa sobrang lawak ng probinsya, hindi ko akalaing mapapanghuli pa siya.

"Kamusta na ang investigation?" I asked.He's not SPO3 Hernandez for nothing.Naka-assign ang team nila to investigate this situation, partner with all police stations all over the province.

Cure : Mortem - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon