Mortem - 11

15 1 0
                                    

Ayna's POV

Dra. Ayna Christine Inovejas
(Cardiac Surgeon)


"Bakit binalik mo agad?By the way, maghanda na nga tayo kasi kanina pang nag-iinit ang mga kamay ko.Parang gusto ko ng pumatay." Llyse said.Napaakbay ako sa kanya sabay ngiti.

"Kalmahan mo lang.Baka magsi-urong mga zombies sayo niyan." saad ko sabay tawa ulit.

"Elevator na nga tayo no?" Ellie asked kaya nagsitanguan kami.As usual, front row sina Arch and Llyse tapos nasa likuran namin sina Ghien and Zarrie.Nakiramdam muna kaming saglit kung may naglalakad pa ba malapit sa lugar namin.

Sana naman eh makapasok man lang kami ng elevator ng walang aberya.

"Guys.Walang magpapahuli okay?Makakaligtas tayo dito." Gwyn said.Nagsitanguan ang lahat at nasundan iyon ng mga buntong-hininga.Ito na naman kami.Magta-try na naman.

"Be safe okay?" paalala ni Renz.

"Kahit anong mangyari.Protektahan natin ang isa't-isa.Maliwanag?" sunod na pahayag ni Ellie.

"Ready na kayo?" tanong ni Quirrah.We all nodded again.

"Tara?" senyas ni Arch.

Kita namin ang pabalik-balik nilang lingon bago nagsimulang maglakad.Nagkalat sa sahig ang mga iba't-ibang parte ng katawan lalong lalo na ang bitukang kung saan-saan lang nakabitin.

Given na ang mga dugo na pati mga pader ay punong-puno.

"Gago ang dulas ng sahig." rinig kong bulong Zira.

Totoo yun.

Basang-basa iyon ng mga dugo at karamihan pa dito eh sariwa pa at  kasalukuyang umaagos sa iba't-ibang bahagi ng hallway.Ni wala kaming makita miski isang bangkay sa paligid kaya napagtanto kong once na atakihin ka at kahit pa ubusin nila yung buong kalamnan mo?

Magiging isa ka pa rin sa kanila.

Nakakapagtaka lang kung bakit ambilis naman mawala yung mga nagkalat dito kanina na ginang-bang kami.

Para fiesta ba.

"Guys dahan-dahan." Llyse whispered.I saw her having a piece of cloth sa may paahan niya trying to wipe some blood from the floor para bawasan yung dulas na dinadaanan namin.

That's helpful.

"Thank you." I mouthed her after niyang lumingon ulit.

"Pakisipa nung mata palayo.Please?" pakiusap ni Ellie na halos mapasuka pa sa harapan ko.Saglit na lumingon si Quirrah at siya na mismo ang gumawa nun para dito.

Napakabaho.

Napakalansa ng paligid.

"I think I wanna throw up." reklamo ni Yoseff.

Habang pila kaming naglalakad, feeling ko bumabaliktad ang mga sikmura ko sa sobrang tapang ng amoy sa paligid.

Bakit halos pira-pirasong laman ng tao at bituka ang palaging nahahagip ng mga mata ko.Target ba talaga nila yung center part?I mean, if napagdamihan ka?May tendency ba na ubusin ka nila?

"Tiisin mo muna yan Yoseff.Pare-parehas tayo dito." bulong ni Callie.

Mas lalo akong napahigpit sa hawak kong sandata.Hindi ko akalain na dadating sa point na hahawak ako ng ganitong bagay para pumatay.

"Hindi ako makahinga."

Automatic akong napalingon kay Iseiah.Lumapit kami ni Xhielle sa kanya at inalalayan sa paglalakad.She can't passed out here lalo na sa sitwasyon na ito.

Cure : Mortem - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon