Kwentong Aswang
High School student pa lang ang kuya ko noon ng makaranas siya ng hindi pangkaraniwang pangyayari. Hindi ko alam kong paano mambiktima ang aswang ngunit nagkaroon ako ng ideya sa kwento ng kuya ko.
Alas kwatro ng madaling araw ay nag aabang na ng papasok na jeep sa baryo namin si Kuya na itago na lang natin sa pangalang Kenren. Iyon kasi ang oras na dumaraan ang jeep para sumundo sa mga taga baryo namin papuntang bayan. Kasama niya ang tiyo namin na kaedad niya lang, at ang isang pinsan namin na lalaki.
Nasa isang probinsya kami, na kung titingnan mo ay sobrang layo na ata sa kabihasnan. Kinakailangan pa naming bumyahe ng isang oras at kalahati o kaya'y dalawang oras bago makarating sa bayan kung saan may Bangko na pagkukunan ng pinadalang pera galing sa aming Ama.
Labing limang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin dumaraan ang hinihintay niyang jeep. "Bro! mukhang di na yata papasok ang jeep!." Sabi ng tito ko.
"Baka hindi na nga iyon pumasok Bro, natatakot siguro mahulog ang jeep sa tulay!" sabi naman sa kanya ng pinsan kong nakangiti na ang tinutukoy ay ang tulay na madadaanan ng jeep bago pumasok sa baryo namin. Lumalangitngit na kasi ito sa sobrang tagal ng hindi napalitan. Parang ano mang oras ay maaring bumagsak, kaya siguro natatakot ang mga driver.
Naghintay pa siya ng limang minuto hanggang sa may nakita silang taong naglalakad mag isa sa gitna ng daan.
"Mga Bro! sasabay na siguro ako sa taong yan, tiyak naghintay din yan ng jeep, pero walang dumating kaya naglakad na lang siguro.
Nang malapit na ito sa kanila ay nakilala nila kung sino ito. Maliwanag kasi ang buwan noon, dahil kabilugan talaga ng buwan ng araw na iyon. Isa itong may katandaan ng babae na nakatira lang sa kabilang dulo ng Baryo namin. At balibalita na isa raw itong aswang. Pero mukhang wala pa naman itong nabibiktima sa Baryo namin, kaya hindi gaanong natatakot ang mga tao dito.
"Si Aling Tasing yan ah!" duet ng dalawa at nagkatingan.
Nakuha naman ni Kuya ang ibig sabihin ng dalawa.
"Okay lang yan mga Bro!, hindi yan aatake pag alam niyang alam natin na aswang siya. Saka isa pa, may baon ako!" saka itinaas ang gilid ng damit at pinakita ang dala dalang maliit na kutsilyong gawa sa bronse.
Tumango tango naman ang dalawa at nangiti. Ngiting kampante.
"Ayos Bro ah! Boys scout na boys scout tayo dyan ah!" sabi ng pinsan namin sabay kamot sa noo na natatawa.
"Siyempre Bro! ako pa!" pagyayabang naman ng Kuya ko.
"Paano Bro?, ingat na lang sila sayo!" na sadyang pinarinig ng tito namin ng mapatapat ang matanda sa kanila, sabay suntok ng mahina sa bawat nakatikom nilang kamao.
Tumango muna si Kuya saka nagpasalamat sa dalawa. Pagkaraa'y hinarap ang matanda.
"Aling Tasing, punta din po kayong Bayan?, sabay na ko sa inyo!"
Parang bigla namang nagliwanag ang mukha ng matandang humarap sa kanya. Napansin ito ng pinsan ko ng titigan niya ito habang kausap ng kapatid ko. Pero agad din naman itong nagbawi ng tingin.
"Oo iho, hindi siguro makapasok ang jeep dito sa 'tin dahil sa tulay, kaya naglakad na lang ako. Mag isa ka lang ba?" tanong nito makaraan pagkatapos mabilisang tingnan ang mga kasama ni Kuya.
"Opo eh, sinamahan lang naman ako ng dalawang ito!" Sagot niya dito at tinapik ang isang braso ng tito ko.
Hindi niya alam kung namalikmata lang ba siya o totoo ang nakita niya. Kasi parang nakita niyang ngumiti ang matanda paglingon niya bigla dito. Pero hindi niya na lang binigyang pansin ito at nagsimula na silang maglakad.
BINABASA MO ANG
KABA! Compilation of Horror Stories (True to life Stories)
HorrorManiniwala ka ba kung sasabihin sayo ng isang tao na nakakakita siya ng mga kakaibang nilalang? Oo at Hindi ang maaaring sagot. Maraming naniniwala sa mga kwentong multo, aswang, engkanto at kung ano ano pang mga lamang lupa. Hindi dahil sa mahil...