Suot na Tsinelas
"Madalas kayang magbrown out dito? " dinig kong tanong ng isang estudyante na taga kabilang kwarto sa katabi niya.
Mag aalas Diyes na ng gabi at nandito kaming lahat ngayon sa labas, nagpapahangin.
Gusto ko sana sabihin ang tungkol sa nakita ko ng gabing yon, na kami lang ang bukod tanging bahay na nawalan ng kuryente. Pero hindi na lang ako umimik.
Pumasok ako sa loob ng kwarto namin makaraan ang ilang sandali. Pero bago pa man ako makapasok, nilingon ko muna silang nag uusap sa labas. May nakita ako sa loob ng canteen, parang may sumilip. Pero nang titigan ko ang loob at dilim lang ang nakikita ko, hinayaan ko na lang 'to at tuluyan ng pumasok ng kwarto.
Nang makapasok ako sa kwarto, nakita kong nagpaplantsa ang isa naming kagrupo ng uniporme niya.
"Sino kasunod Gi? " tanong ko sa kanya.
"Si Mye, Mace! "
Hinanap ko si Mye, wala sa kwarto. Nasa labas nga pala ito.
Hinintay ko na lang tawagin ni Gi si Mye pagkatapos nito mamalantsa, kasi parang ayaw ko ng lumabas nun.
"Mye!" tawag ko agad dito ng makapasok. "Ako sunod sa'yo ha! "
Tumango ito. "Sige! ,nasabe nga ni Gi!"
Eh di hinintay ko siyang matapos. 10:50pm na siya ng matapos. Chineck ko kasi sa cellphone. Nakahiga na rin lahat ng kasama namin sa kani kanilang higaan.
Dali dali kong tinungo ang plantsahan, saka nagsimulang magplantsa.
Maliban kay Mye na kahihiga lang at kasalukuyang nagtetext, wala ng ibang gising kundi kami na lang atang dalawa.
Habang nagpaplantsa, nakaramdam ako ng pananayo ng balahibo. Nakatalikod pala ang pwesto ko ngayon sa may pintuan, at sa gilid ng pader ang pinakasaksakan ng plantsa.
Naiimagine niyo ba ang katabi ng pintuan, base sa una kong kwento?
Dahan dahan akong tumingin sa gawing kanan ko, dahil parang may something doon. Wala naman akong nakita, maliban sa isang maliit na bintana, pero may harang naman itong kahoy, kaya hindi makikita ang nasa labas nito.
Nang ibabalik ko na ang paningin ko sa pinaplantsa ko, nahagip ng mata ko ang nakasulat sa pader.
"Huwag kang titingin dito pagsapit ng alas onse! "
Patay! tiningnan ko dali dali ang oras sa cellphone. 10:55pm na!.
Nagmadali na akong tapusin ang natira kong isang blouse. Hindi ko alam pero, pakiramdam ko noon, one (1) minute na lang.
Habang nagpaplantsa, kinausap ko si Mye, para hindi lang ako matakot. Pero kung sineswerte nga naman, (kabaliktaran) tulog na agad si Mye.
Anak nang...kanina lang gising pa to ah, ngayon, hindi na sumasagot.
Sa takot ko, kahit di gaanong naplantsa ang blouse, tinapos ko na agad.
Tinupi ko na ang plantsahan at binunot sa pagkakasaksak ang plantsa. Itinabi ko din ito agad sa pinakasulok at dali daling tinungo ang higaan.
Napatingin ako sa cellphone ko. Lagpas na sa 11:00. Nasa 11:03pm na!
Pagkahiga ko, umurong ako palapit sa kaibigan ko. Nagtalukbong ako ng kumot, at padapang sumilip dun sa may tabi ng pinto kung saan ako galing kanina.
Okay na sana kasi wala akong nakitang nakakatakot sa bahaging yon, pero biglang may naglakad galing sa gilid ng higaan ko. Parang nanggaling sa espasyo sa gilid ng doubledeck.
Dinig ko pa talaga ang tunog ng sumasayad na tsinelas habang naglalakad papuntang pinto. Natigil din ito pagdating dun.
Wala naman akong naramdamang may bumaba galing sa taas na bahagi ng doubledeck kaya imposibleng isa sa mga lalaki sa grupo namin iyon.
Mahigpit kong hinawakan ang kumot papalapit sa mukha ko at mariin ko ring ipinikit ang mata, para hindi ko makita kung sino man ang naglalakad na yon.
Pero bigla ring nanlaki ang mata ko ng marealize kong bakante ang higaan ko dahil, halos nasa higaan na ako ng kaibigan ko natutulog.
Tumabi kasi ako agad sa kaibigan ko pagkahiga, kaya ngayon, bakanteng bakante ang pinakahigaan ko.
Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ng mga oras na 'to kasi, baka kapag gumalaw ako, kalabitin na lang ako ng kung sino man ang naglalakad na yon, at mas worst eh baka kausapin pa ko. Sa takot ko, iba iba na ang tumatakbo sa utak ko.
Pero biglang nanlaki naman ang mata ko ng maramdaman kong parang may umupo sa higaan ko.
Grabe na talaga ang takot ko nito. Feeling ko, hihiga siya sa higaan ko mismo. Pero hanggang dun lang, wala na akong naramdaman.
Hindi ko alam kong gigisingin ko na ang katabi ko, o uusog dun sa higaan ko. Pero baka maramdamn kong nandun pa rin ang nakaupo, kaya di nalang din ako gumalaw.
Ilang oras na ang nakakalipas, pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Nagpray ako ng Our Father. Makatatlong ulit ko din iyon binanggit. Nong una, aaminin ko, nakalimutan ko ang pinaka second paragraph-yong sa may Give us na.
Nang pangalawang try, nagconcentrate ako sa pagpray sa Kanya. Ayon, nawala ang kaba ko, at nakatulog din.
Kinabukasan, ako iyong huling bumangon.Feeling ko, isang oras lang naitulog ko nun eh. Eyebags ko lalong lumaki.
Nang makauwi na kame galing duty. Tinanong ko iyong leader namin kung bumaba ba siya mula sa itaas na bahagi ng double deck ng mga ganong oras. Ang sagot niya.... HINDI.
BINABASA MO ANG
KABA! Compilation of Horror Stories (True to life Stories)
TerrorManiniwala ka ba kung sasabihin sayo ng isang tao na nakakakita siya ng mga kakaibang nilalang? Oo at Hindi ang maaaring sagot. Maraming naniniwala sa mga kwentong multo, aswang, engkanto at kung ano ano pang mga lamang lupa. Hindi dahil sa mahil...