Lamang Lupa 1

2.2K 46 8
                                    


LAMANG LUPA

1

Taong Anino

Isang po ito sa kwentong hindi ko makalimutan, kahit lumipas na ang maraming taon. Kwentong kababalagahan na maaring naranasan na ng ilan sa inyo at ang iba naman ay ngayon lang narinig o kaya'y ngayon lang nabasa.


Isang madilim na gabi, nang utusan ako nito ng aking ina na magsara ng tindahan. Natatakot ako, dahil liban sa sobrang dilim, nasa kabilang bahagi pa ang pintuan ng tindahan. Hindi kasi ito katulad ng ibang tindahan na nasa loob lang ng bahay ang pinaka-entrance. Parang sa isang maliit na bahay ito, na ginawang tindahan at nasa kabilang bahagi pa ang pinto nito, kung kaya't hindi mo makikita kung sino ang papasok at lalabas mula dito.

Sanay na rin naman akong lumabas ng bahay ng gabi. Pero noong gabing ito, parang bigla ata akong naduwag. Parang biglang ayaw kong ihakbang ang paa ko palabas. 10:45 pm na ng mga oras na iyon at labing limang minuto na lang, mag-aalas onse na. Nasa isang probinsya po kami nito at ang ganitong oras ay halos tulog na ang lahat. Ito rin ang oras na marami ka ng maririnig na mga kakaibang huni ng ibon. Like "wak wak!"

Dahil sa narinig kong minsang pag-uusap ng ilan sa mga tiyuhin ko na matapang daw ako, ayon, nilakasan ko ang loob ko at lumabas ng bahay para sundin ang iniutos.

Kinakanta ko ang "Give Thanks" habang naglalakad ng bigla akong magulat dahil isang malaaninong pigura ng tao ang mabilis na tumakbo palayo. Una, inisip ko na magnanakaw ito dahil parang nanggaling ng tindahan at may parang ibinalot sa damit. Hindi ko maipaliwanag ang dahilan ng pagtatayuan ng balahibo ko sa batok at braso ng mga oras ding iyon. Kung dahil ba ito sa iniisip kong masamang tao ito, o dahil may iba pang dahilan.

Mabilis kong tinungo ang tindahan namin, at naabutan ko naman itong nakasara. Pagkapasok ko, una kong binilang ang mga nakasabit na tinapay kung wala bang bawas. Okay naman. Sakto ang bilang. Sinunod kong bilangin ang mga de lata at iba pa. Mukha namang hindi nabawasan. Nakahinga ako ng maluwag, ngunit maya maya'y natigilan din. Napatingin ako sa bukas na pinto at dali-daling isinara ito. Natakot kasi ako bigla ng maalala ko ang pigura ng taong nakita ko kani-kanina lang sa labas. Sino kaya 'yon? Ang tanong ko sa sarili.

Kinabukasan, magkasama kami ng mga pinsan ko na nag-uusap usap tungkol sa mga naririnig naming huni ng mga nakakatakot na ibon noong mga nakaraang gabi. Dahil, buwan ng Mayo, iba't ibang nakakatakot na kwento ang pinag-uusapan naming mga magpipinsan. At kapag patungkol sa aswang at lamang lupa ang topic, nakikinig talaga ako ng husto. Paborito ko kasi ang ganoong kwento.

"Jing, kagabi, mukhang malapit lang sa inyo 'yong humuhuni ah?" sabi ng 3rd cousin ko sa isa pa naming pinsan, na ang bahay, ay nasa bandang itaas ng kalsada at gubat na ang nasa likod.

"Ah Oo! medyo malapit nga sa amin 'yon" mabilis na sagot nito... "pero mas malapit kina uncle Syong!, nagkiskis na nga ng itak sila uncle Lary" ( ang pagkiskis ng itak ay paraan ng taga sa amin para galitin ang aswang and at the same time ay takutin na rin sa pamamagitan ng pagbabanta.)

"Kagabi? Mga anong oras 'yon? ba't wala akong narinig?" tanong ko naman sa kanila.

"Eh baka tulog ka na nun? Mga ala-una ng madaling araw na ata 'yon? patanong na sagot naman ni Noy sa akin.

"Ah baka nga. Pagkatapos ko kasi maisara iyong tindahan namin, natulog din agad ako. Pero bakit gising pa kayo nun?" tanong ko naman sa kanila na nagtataka, kasi ang mga ganoong oras, madalas tulog na sila.

"Wala lang. Nag-inuman sila uncle sa bahay eh, kaya gising din ako, nakikinig sa mga patawa nila." sagot ni Jing sa akin, habang inaabot ang isang dahon ng star apple na nasa itaas lang namin.

KABA! Compilation of Horror Stories (True to life Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon