Bangungot o Multo?
Sa kwentong ito, marami ang nagsabing minumulto lang daw ako at ang iba naman ay bangungot lang daw ang lahat. Ito ay nangyari pa sa ibang bansa, kaya kayo na po ang magsabi kung saan sa dalawa ang tamang pwedeng itawag dito...Bangungot nga ba o minumulto lang?...
Isang gabi sa accommodation namin, nagkayayaan kaming magkakaibigan na manood ng kahit anong pelikula sa kwarto ng isa sa kaibigan namin. Dahil nasa ibang bansa kami at nasa bansang arabo pa, bihira lang kami lumabas na mga babae, at ang tanging libangan namin ay ang panunuod ng mga dinownload lang naming mga movies.
Ako ang pinapili nila. At dahil sa ako ang taong mahilig sa mga katatakutang palabas, Horror movie ang pinili kong i-play. Ang title --- "Insidious".
Wala namang kumontra, kaya tuloy-tuloy lang ang palabas. Kahit 'yong pinakamatatakutin sa amin, okay lang daw sa kanya. Pero nakahanda na ang panakip sa mata. Para daw kapag biglang bumulaga ang multo sa palabas, takip agad ng mata.
Habang nanunuod, naisipan naming patayin ang ilaw. Maliwanag kasi kaya parang hindi naman nakakatakot ang palabas. Ako ang pinakamalapit sa switch, kaya ako na ang tumayo para i-off ang light.
Kaso ang switch, nasa labas pa ng kwarto at patay na ang ilaw sa may labas, kaya medyo natakot ako. Paglabas kasi ng kwarto, nandun ang bathroom na naka-off din ang light. At sa may bandang kaliwa pa, nandun ang katabing kwarto nila na may nakatirang ibang lahi at sa palagay ko ay tulog na rin dahil, twenty minutes na lang ay mag-aalas dose na.
Dahil may kunting takot. Nagulat ako bigla nong tawagin ako ni Jane, kaya bigla rin akong napalingon sa kanya. "Hoy Zoe! tagal mo d'yan ah. Ano nang ginagawa mo d'yan?"
"Saglit lang! Di ko makita ang switch, san ba dito?" sabi ko sa kanya na pilit inaaninag kung nasaan ito. Pero may mabilis lang, as in sobrang bilis lang talaga na dumaang kulay puti, papuntang kabilang kwarto. Mabilis kong hinanap ang switch, at sa pagkakataong 'yon, nakita ko din agad, dahil feeling ko nong mga oras na 'yon, naging sobrang linaw bigla ng mata ko dala ng takot na baka kapag lalabo labo ang paningin ko eh, magulat na lang ako, nasa tabi ko na pala ang kinatatakutan ko. @_@
Pagkapasok ko sa loob, hindi na ako pumwesto sa may malapit sa pinto. Tabi tabi na kaming lahat malapit sa kama ni Jane. At dahil sa sobrang dilim, parang biglang sobrang nakakatakot na ang pinapanuod namin. Nang mga ilang saglit pa, pakiramdam ko ako na lang ang mag-isang nanunuod, dahil ang tahimik na nila. Nilingon ko sila, at sa gulat ko, nakahiga na silang lahat sa sahig at natutulog na. Si Jane at ang kasama niya sa kwartong si Bet na lang ang gising, pero hindi nanunuod, at may kachat pala.
"Oh! ba't di naman kayo nanunuod? Ako na lang ata nanunuod eh." sabi ko sa kanila na isa isang inilawan ng flashlight gamit ang phone.
"Hmm... bukas na lang ulit natin panuorin Zoe, nakakatakot eh" sabi nong si Ena na dahan dahang umupo. Ang iba, sabe antok na daw sila.
Pumayag na ako, kasi liban sa tumatayo na ang mga balahibo ko sa braso at batok, medyo inaantok na din ako. At day-off naman namin kinabukasan kaya itutuloy na lang namin bukas ng hapon, kung saan sama sama ulit kami para sa meryenda.
Pagkalabas namin ng kwarto nila Jane, biglang nawala ang antok ko. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil maliwanag masyado sa labas.
Hanggang sa makarating ako sa room namin at mahiga sa kama ko hindi pa rin ako dalawin ng antok.
Naisipan kong bumangon na lang at magtimpla ng gatas. Dahil night duty ang kasama ko sa kwarto, ako na lang mag-isa sa room namin ng mga oras na 'to. Naisipan ko din manuod na lang ulit ng ibang horror movies. Hindi na ako gumamit ng headset, kasi ako lang naman mag-isa sa kwarto.
BINABASA MO ANG
KABA! Compilation of Horror Stories (True to life Stories)
TerrorManiniwala ka ba kung sasabihin sayo ng isang tao na nakakakita siya ng mga kakaibang nilalang? Oo at Hindi ang maaaring sagot. Maraming naniniwala sa mga kwentong multo, aswang, engkanto at kung ano ano pang mga lamang lupa. Hindi dahil sa mahil...