Asong Itim

4.3K 88 6
                                    

Asong may mata ng Tao

Ang kwentong ito ay nangyari sampung taon na ang nakararaan. Ang mga pangalang mababanggit ay gawa gawa ko lamang po.

Kabilugan din ng buwan ng mangyaring nakakita ako ng isang asong may matang tao. Wala pong ganoong aso sa lugar namin, kaya natakot din po talaga ako.

Buwan ng Mayo at malapit na ang fiesta sa kabilang Baryo. Kaya naman marami ng nagsisipagtayuan ng Tent para magtinda. Isa sa pinakaabangan ng mga tao ay ang Perya na kung saan marami kang mabibiling magagandang gamit sa murang halaga lang. Parang Divisoria ang style, mura kaya dagsaan ang bumibili. Maraming mga taga ibang Baryo rin ang nagsisipagdayo dito.

"Mac, sama ka?, punta tayo ng Guinba, may Perya na daw ngayon!" tanong ng pinsan ko sa akin na third cousin ko na. Isang tanghaling tapat at katatapos lang ng tanghalian namin. Nasa kiosk nila kami at nag iipon ipon lang, dahil maya maya ay aakyat ang uncle niya na lolo ko naman para kumuha ng mangga. Ito kasi ang hilig naming kainin tuwing matapos ang tanghalian.

" Anong oras?" tanong ko naman sa kanya.

" Mamaya pagkatapos natin kumain ng mangga" sabay taas ng dalawang kilay nito na parang kumikindat.

" Tayo lang? kayo ba, hindi sasama?" tanong ko sa iba pa naming pinsan.

Iling lang ang isinagot ng mga ito.

" Tinatamad daw sila!" sagot naman ng pinsan kong nag aya.

Ayon nga, pagkatapos namin makakain ng mangga, tumuloy na kaming Guinba. Siguro mag aalas dos na yon ng hapon. Masaya kaming naglalakad dalawa, may pakanta kanta pa kami ng malakas. Kasi nandun ang pakiramdam namin na parang kami lang ang nagmamay ari ng kalsada ng mga ganoong oras. Tulog kasi ang karamihan sa mga tao sa amin ng ganong oras. Probinsya, alam niyo na, nakakarelax at masarap matulog. Pero kaming mga bata, mas gusto namin gumala.

Malapit na kami sa isang lugar kung saan maraming nagsasabi na may lumalabas na malaking ahas sa oras na iyon at kung ano ano pang mga nakakatakot ang maaring magpakita. Marami daw kasing maligno ang gumagala sa pagitan ng alas dose at bago mag alastres ng hapon. Ewan namin, pero kahit anong pananakot nila, hindi man lang kami tablan ng takot.

Actually, wala naman pong nakakatakot na nangyari sa part ng kwentong ito para sa akin, kasi wala namang masamang nangyari sa amin. Maliban na lang sa medyo panlalabo ng paningin ko ng matapat kami sa lugar na ito ng pauwi na kami. Parang may nakita kasi akong may kasalubong kaming mga naka itim na damit. Kinusot kusot ko ng bahagya ang mga mata ko noon kasi baka sa alikabok lang ng umihip ang hangin. Sa paglinaw ulit ng paningin ko, wala naman akong nakita. Lumingon pa nga ako sa likod, kasi nakalingon din ang pinsan ko pero wala rin akong nakita.

Kinagabihan, nagka brown out sa amin. Iilan pa lang ang may TV noon sa amin, at isa kami sa meron nyon. Kaso hindi pa naaayos ang antena ng TV namin na nasira ng Bagyo, kaya nakikinuod na lang ang iba kong pinsan sa isang bahay na malapit sa kalsada, na siyang may signal, para abangan ang teleseryeng kanilang sinusubaybayan.

Wala naman talaga akong sinusubaybayan na teleserye noon, pero gusto ko lang makisabay sa kanila sa panunuod sa ibang bahay kapag gabi. Masaya kasi, tapos maririnig mo silang nagkikwento ng pareho din naman nilang pinanuod na palabas. Natatawa na lang din ako habang nakikinig. Alas nuebe hanggang alas neube y' medya lang sila nanunuod at umuuwi na rin.

Alas diyes na ng gabi ng biglang magkailaw. Ako na kanina pa nakahiga ay bigla na lang bumangon, at tuloy tuloy sa sala hanggang makalabas ng bahay. Narinig ko pa, na parang tinawag ako ng lola ko ng makita akong lumabas ng bahay, pero hindi na ako sumagot.

Dirediretso akong naglakad patungo sa bahay na malapit sa kalsada. Nang makarating ako sa isang tulay na lupa, na kung saan isa itong makitid na daan na napapagitnaan ng sapa, at taniman ng mga gabi, ay napatigil ako bigla.

KABA! Compilation of Horror Stories (True to life Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon